ORPHAN LILY
October 16, 2007
Yeba! Nakaiskor na rin ako sa wakas ng mp3s ng Orphan Lily. As in 48 years na akong naghahanap! Ginalugad ko na dati ang Google pero ala akong mahanap.
Sakto naman at naisipin ko ulit i-search kahapon at talaga namang tuwang tuwa ako ng mapadpad ako sa isang Multiply site kung saan kumpleto ang songs ng first album ng Orphan Lily. Feeling ko naka-jackpot ako, hehe!
Ewan ko ba pero iba talaga ang tunog ng mga banda nung 90's. Mas gusto ko sila kesa sa mga banda ngayon. Or biased lang ba ako? Hehe kapanahunan ko kase Sugar Hiccup, Eheads, etc. At sila pa rin mga fave local bands ko till now.
As for Orphan Lily, fave ko din ang bandang ito nung college days. I remember, may cassette tape pa ako ng first album nila, hehe nice! At ngayon, eto na, mainit-init pa…hehehe! As in inupload ko na lahat sa Imeem at current Friendster playlist ko ito…Enjoy mga repapips!
1. redcomet left…
Thursday, 18 October 2007 4:32 pm
download lng sis hehe tnx
Thursday, 18 October 2007 5:10 pm
hehe sure! here's the link: http://matrixyde.multiply.com/music/item/751/Orphanlily








