Home » Archives » 20. October 2007

MY PENCHANT FOR STRINGS

October 20, 2007

 

Nag-Youtube ako kagabi at naghahanap ng mga vids ng kahit na sino playing the violin/harp/cello. Ewan ko ba but I have a penchant for strings. 

Oks na rin that I play the guitar pero tsong, ang ganda ng tunog ng strings talaga.  Kaya naman patentado yun na when I play the keyboard e paniguradong papakinggan ko naman ito using different timbres at dapat e unang-una lagi ang violin after the grand piano. 

Frustration ko yata ang pagpe-play ng violin, hehe! Kaya pag nagkaanak ako e dapat merong may tumutugtog ng violin, hehe wish ko lang. Pero ang tanong e gusto kaya ng mga kids? Or better yet, hanap muna ako ng sperm donor, hahaha! :P

Ganun kase si Mommy sa amin. Frustration naman n'ya ang pagpi-piano kaya sa aming mga magkakapatid n'ya pinasa yun. Sa aming 7 magkakapatid e 5 kaming nag-piano lessons. 

I remember hate na hate ko nung time na yun ang mag-piano dahil I was just 9yo then at ang gusto ko e maglaro lang nun. Kaya naman pag alam kong darating ang piano teacher ko e nagtatago na ako at di mahagilap, hehe! Pero I have to thank my mom for that kase ngayon ko naaappreciate yung sapilitang piano lessons ko nun.

Nung tumanda kase ako e dun ko pa lang naappreciate ang pagpi-piano. At yeba, I play it by ear now. Exposed kase ako nun kaya siguro ganun. At for some reasons e feeling ko e mas matalas ang tenga ko sa piano kesa sa gitara kahit na mas matagal akong nag-guitar lessons kesa piano.

Kaya naman pag nagkaroon din ako ng sariling mga anak e gusto ko musically inclined din sila. As in gusto ko classical chuva ang training nila.  I ain't into classical music pero maganda kase ang foundation pag classical ang traning mo. 

Pero pucha, nung magka-classical guitar naman sana ako sa UP e biglang kumontra Mommy ko, huhu! Kaya nawalan tuloy ako ng gana. As in mag-eenrol na lang sana ako nun, badtrip! Yung tipong nakabili na ako ng classical guitar ko nun and everything kaya lang napurnada, hay… Iniyakan ko pati yun, syet! Stage mom kase, hay…

Ewan ko ba pero medyo ginive up ko na ang classical guitar dream chuva ko…Feeling ko pati e matanda na ako para d'yan. Oh well, pwede pa rin namang humabol pero di na ako eager ngayon dahil alam ko namang wala namang susuporta sa family ko. Kaya naman gusto ko na lang ipasa sa mga magiging anak ko ang mga pangarap ko sa music.  

Kung yung ibang tao siguro e gusto nila maging matalino or maganda/gwapo mga anak nila, ako naman e gusto ko musicallly inclined sila. As in magaling sa pagtugtog ng instruments. Bonus na lang kung maganda pati mga boses nila. :)

Dapat may nagvi-violin, syet! Yung mala-ganito, hehe! Yung tipong feel na feel at umiindayog din pati ulo, hehe! :P

 

Type ko din ang tunog ng harp s'yempre. I remember may napanood akong nagha-harp sa TV sa show ni Cito Beltran, syet gusto kong pakasalan yung lalakeng tumutugtog, hahaha! Kakainlab s'ya kase ang galing n'ya. Wala pa namang gf yung guy na yun pero sabi nga ni Cito Beltran e malamang daw e maraming magparamdam sa kanya after mapanood s'ya nga mga girls sa show n'ya, hehe true.

Kaya naman eto at watch mode muna tayo ng tumutugtog ng harp. Tears for Fears muna tayo, hehe! ;)

 

Punta naman tayo sa cello. Astig 'to, "Nothing Else Matters" ng Metallica. Pwede! Hehe! 

 

And of course, extra ko na rin ang the one and only, Tuck Andress. Mahal ko s'ya. At kainis ha, parang naglalaro lang s'ya at walang kahirap-hirap kung tumugtog, grrr! Malamang kung ako yan e napapangiwi na mukha ko, haha! :P (Alangya bigla ko tuloy naalala yung kapitbahay namin na napapangiwi ang mukha pag tumitira ng Eric Clapton songs, hehe!) :P

 

At mahal ko na rin ang lalakeng 'to. As in sinasamba ko s'ya. At naman, Pinoy s'ya, hehe nice! Imagine, di s'ya nag-tab???!!! Tao ba s'ya? Hahaha galeng! At pucha, acoustic pa, men. E di ang hirap tugtugin lalo, hay grabe! Love ko na talaga s'ya. :D

 

Isa pang cover ng "Man in the Mirror" na medyo laidback naman ang dating. Medyo sala si cutiepie pero good enuf na rin. Ang guapo e kaya carry pa rin, buti na lang guapo s'ya, hehe! :P

Hay ang galeng nilang lahat. Sana maging ganyang level din mga future kids ko. Paging: Sperm Donors needed, haha! Pang-musikero lang, hehe! :P

Pahabol: Syet, kinilabutan ako nung una kong mapakinggan ang cover ng Apocalyptica sa "The Unforgiven" ng Metallica. One of my all-time fave songs din ito. Bago na naman tuloy ang playlist ko sa Friendster, hehe! :P

 

 

Singing…C'mon people put your handsin the air, hehe! The Unforgiven muna tayo, hehe! :p

What I've feltWhat I've knownNever shined through in what I've shownNever beNever seeWon't see what might have been

What I've feltWhat I've knownNever shined through in what I've shownNever freeNever meSo I dub thee unforgiven

 

 

Hay…Biglang nanumbalik tuloy ang aking Metallica days. :)

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

 


comments (2)

1. jaleesa left…

Wednesday, 24 October 2007 8:06 am

kalokah ka talaga sis! you never stop to amuse us :)

sa'min naman, 3 (bro, youngest sis and i) kaming marunong magpiano. ako yun mahilig sa classical kasi kahit anong pilit kong i-play ang modern music sa piano, somehow parang ang pangit pakinggan. mas gusto ko kasi ang classical. mala-romantic na parang naiimagine ko ka-date ko sina mozart at beethoven *hehehe* bro ko naman gusto nya modern music sa piano saka widow ang talent nya. youngest sis ko, kahit anong type nyang music sa piano. pero lahat ng miyembro sa family ko, mahilig sa music. mahilig lahat kaming kumanta. good dancers naman mga kapatid ko pwera ako. ako yun pumalpak *hahaha*

 

2. barenaked left…

Wednesday, 24 October 2007 10:15 am

hahaha good enuf na yun, sis! :)

ako naman di ko talaga trip ang classical music. kung strings man ang tugtog, gusto ko maingay pa rin like yung metallica, hehe! pero maganda talaga pag classical music ang training, maning mani na lang ang pagtugtog nun ng kahit ano. :D

 

Posted by barenaked at 12:52 pm | permalink | comments[1]

     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments