HUWAAAT??? DUMBLEDORE IS GAY???
October 26, 2007
Yes, fellow Harry Potter fanatics, it's true. Pasabog mismo ni J.K. Rowling. Our beloved Albus Dumbledore is gay.
Check out this link: http://hogwartsphilippines.org/book7/?p=180
Gosh! Kakaloka ang love interest n'ya. Never sumagi sa isip ko ang love of his life. Galing talaga ni Rowling! Panalo!
Actually, huli pala ako sa balita, hehe! A co-teacher/friend/HP fanatic texted me last night and said, "J.K. Rowling just outed Dumbledore." But since, wala akong kamalay-malay, I replied, "Ha? What do you mean?"
She didn't reply that night. Instead, magkatext kami kanina around 6am and that's the time she spilled the beans. She texted, "Dumbledore is or was gay." Ako naman si gaga, lost in space pa rin, haha! Sabi ko,"W8, as in the actor or the character in HP?" Haha slow e. Or maybe dahil ayokong aminin sa sarili ko na bading si Dumbledore.
Love ko kase si Dumbledore. As in. Oh well, who doesn't? Hehe! (At I never had the inkling that he's gay kaya naman shocked ang lola n'yo nung mag-OL ako't mabasa ko ang kung anik anik about the issue).
At dahil love ko nga s'ya at ng good friend kong si Carla, kinakarir namin ang kuwentuhan when we talk about HP. As in first name basis kami kila Albus(Dumbledore), Severus(Snape) and Albus's brother, Aberforth(Dumbledore). Haha feeling close e. Para bagang we have a special connection with them, naks, feeling close talaga, hahaha!
Ewan, ganun yata talaga yun. You somehow feel attached to the characters kahit pa sabihing books lang naman ang mga yun. And not to mention, fiction and a fantasy at that pa.
Kanina ngang nagbabasa ako ng transcript ng interview of the said interview with JK Rowling e naiyak na naman ako. Wahhhhh, ang OA ko, syet! But really, naalala ko na naman kase ang Book 7. Hay…
At sa pagsubaybay ko sa series e never kong pinag-isipan na bading si Albus (Uy, first name basis ulit, hehe!). Kaya naman parang hirap pa din akong makapaniwala up to know sa inamin ni J.K. As always, J.K. Rowling never fails to amuse me.
Ba't kase nuknukan ng galing magsulat ang babaeng yun? Haha badtrip! Kakainggit! Ang galing magpresent ng twists. Natawa nga friend ko when I told her na "napapaupo ako nang maayos" pag nagbabasa ako't nagpe-present na ng twists nya si Rowling. Ganun s'ya kagaling. As in kung nakahiga akong magbasa or naka-slouch akong nakaupo, biglang babangon ako or aayos ng upo para lang namnamin mga words ng napakagaling na si J.K., grrrr!
Pero itong "Dumbledore is gay" na statement n'ya e ikinawindang ko talaga. Di ko pa rin ma-absorb till now. Give me a week, wahhhh!
Albus, my dear Albus…Kala ko pa naman may chance tayo, huhu! Mahal na pa naman kita. Di pala tayo talo, huhu!
1. Chris left…
Monday, 29 October 2007 8:17 am
Albus and Grindelwald sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G! =P
Monday, 29 October 2007 8:22 am
oh men, wala namang ganyanan, hehe lol!
3. redcomet left…
Monday, 29 October 2007 5:26 pm
grindelwald: the dark side is with us albus bwahahaha dumbledore: youre breaking my heart…how bout kiss and make up?
Monday, 29 October 2007 7:39 pm
wahhhhh! wag mo namang babuyin ang alaala ni dear albus, huhu! iginagalang ko s'ya.
tama nga ang choice ng friend ko. si aberforth naman ang mahal n'ya, hehe! di pala talo kami ni papa albus….pero syet, love ko na talaga si papa snape! pinaiyak n'ya ako nang todo. hay…
Add a comment








