MADAME BUTTERFLY
October 29, 2007Long overdue entry, hehe! Fave ko pa mandin ito sa lahat ng mga geisha babies ko. Unfortunately, malabo s'ya at di ako marunong mag-edit kaya sensya na mga fans, haha lol!

Utamaro. The courtesan Yosooi writing a letter to a lover, from the series Six Poets of the Yoshiwara. Early 1800s
Copied from "JAPANESE PRINTS COLORING BOOK" 38 DESIGNS RENDERED FOR COLORING BY ED SIBBETT, JR.
Eto naman ang variation nila with a splash of colors. Meron kase akong mga pinapa-customize chuva at sila na ang nag-edit ng mga geisha ko. Secret muna kung ano ang mga ito, hehe! S'yempre "wear your art" ang drama ng inyong yours truly para may mga souvenirs naman ako nga mga drawings ko.
Check them out:



In fairness, ang hirap pumili. I have to choose only one kase among these edited pics. Nweiz, itong susunod na mga images naman e inedit ang pirma ko dahil if you notice e malabo s'ya dun sa orig drawing ko. Gusto ko kase as much as possible e nare-retain ang pirma ko para pwede ko ipayabang drawings ko, hehe lol!
So ayun, tinry gayahin yung pirma ko dito sa mga susunod na pics pero pekeng peke e, hehe! Kahit yung ibang pirma sa ibang geisha drawings ko e di rin sila ganito kaya pinapatanggal ko na lang.


And last but not the least e ang winner s'yempre, hehe! Actually, nalilito talaga ako kung ano pipiliin ko but I settled with this one instead. Gusto ko kase sana at first e makitang maigi yung details ng drawing ko at wag galawin ang kahit ano except for the background pero eventually e na-appreciate ko na itong panghuling drawing na ito. Pina-edit ko na rin at pinatanggal yung pirma, hehe!

Excited na tuloy ako sa mga orders ko. Sana e maganda talaga ang kalabasan at masulit ang paghihintay ko.
Add a comment








