Home » Archives » October 2007 » Page 2

MY EX-FILES PART 10 (THE ACCIDENTAL MEET-UP)

October 11, 2007

Although masasabi kong isa sa mga all-time fave entries ko dito sa blog ko ang "Ex-Files", kala ko e tapos na ito. Pero out of the blue e biglang nagkita kami ni model sa mall.

 

Di ko alam kung matutuwa ako or malulungkot na nagkita ulit kami. Actually, sumaglit lang ako kaninang lunchbreak sa mall para mag-load ng gcash wallet ko't may babayaran pa akong items sa Ebay. Laking gulat ko na lang nung makita ko si model malapit sa main entrance. 

 

Alam kong di n'ya ako nakita't busy s'ya sa pakikipag-usap sa mga kasama n'ya nun. Ako naman e nagdadalawang isip kung babatiin ko pa s'ya or di na. Nag-decide na lang akong dumiretso papasok sa mall at kalimutan na lang na nakita ko s'ya. Pero pucha, di s'ya maalis sa isip ko nun.

 

Maya't maya tuloy e tumitingin ako sa likod ko para icheck kung andun pa rin s'ya. Sakto e nakita kong papasok sila sa mall nung mga kasama n'ya. Binagalan ko tuloy ang lakad ko't dali daling tinext yung friend ko na nag-introduce sa aming dalawa.

 

Ewan ko ba pero nanginginig na nanlalambot ako na ewan nun. As in hirap akong magtext nun at para bagang naninigas ang mga daliri ko.  Di ko rin alam kung dapat pa ba kaming magkita or what.

 

Habang naglalakad naman ako e pilit akong umaasa na sana e makita n'ya ako at s'ya mismo ang bumati sa akin. Paglingon ko sa likod ko e di ko na s'ya makita. Nanlumo ako at kala ko e di na ulit kami magkakausap. Di na tuloy ako makatiis at bumuwelta ako pabalik. Bahala na kako sa sarili ko.

 

Pagbalik ko naman e di ko na s'ya makita. Bigla tuloy akong nagsisi. Dapat e gumawa na ako ng move para magkausap ulit kami.  Di ko alam ang gagawin ko nung panahong yun. Sakto naman at paglingon ko sa kabilang daan e andun pala si model.

 

Pagkakita n'ya sa akin e kinamayan n'ya kagad ako. (walastik, dapat kiss, haha!). Kainis pa at saktong sa dinami-dami ng araw na pwede kaming magkita e ngayon pa nangyari kung kelan naman di ako maganda. As in di ako naka-make-up at naka-shirt lang ako at kita in all their glory ang mga braso de mercedez ko.  Badtrip!

 

Napa-"Metaba ka" (Tumaba ka.) tuloy si lab of my life dati. Sabay hirit naman akong "Ikaw kase e." Haha manisi daw ba? Hehe! December pa kase huling pagkikita naming dalawa. As in  walang "closure" na namagitan. Kala ko nga e paiwas lang s'ya sa akin at nagpalit talaga s'ya ng number intentionally. 

 

Pero ang version naman n'ya sa akin e nawala daw ang fone n'ya kaya't nawalan kami ng contact.  Nabanggit din n'ya na madalas daw s'yang magawi sa may subdivision namin. Di na ako nagtanong kung bakit pero deep inside e pinapanalangin ko na sana na ginagawa n'ya yun on purpose at bakasakaling magkrus ang landas namin ulit. 

 

Ako naman din e napapatingin lagi sa mga auto na katulad nung sa kanya pag may dumadaan sa subdivision namin. Umaasa din akong isang araw e  baka s'ya ang nagda-drive at magkaroon ulit ng "return of the comeback"…Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon, oo. Nagkita kami by accident sa mall. 

 

Tinanong pa nga n'ya ako kung kasama ko daw bf ko. Duh! Sarap sapakin e, grrrr! Solo flight lang ako kako. We exchanged numbers after that. Windang na windang tuloy ang beauty ko pagkatapos.

 

As in ayaw ko nang patapos yung moment na magkasama kami at kung pwede nga lang din e wag na ako pumasok sa work nun, hehe!  As in ang hirap magconcentrate after. Tuliro ako habang nagtuturo. 

 

Biglang nag-flashback din sa akin lahat lahat. Both the good and bad times.  Naalala ko the first time we met…The first time we kissed…The first time he said "I love you" at kung anu-ano pa.

 

Geez! It's been 10 months since we last saw each other pero nothing has changed. Love ko pa rin s'ya, wahhhhhh! Kala ko oks na ako…Pucha, biglang nanumbalik na naman ang lahat pagkakita ko sa kanya kanina.

 

Damn! I hate this feeling…Alam ko magpapakagaga na naman ako nito for him.

 

At since nagtext s'ya akin kanina if may bf ako ngayon e nagreply ako na wala kako. At since matagal na rin naman ang nakakalipas, binanggit ko na rin sa kanya yung ginawa kong pagpili sa kanya over adik. Halos sabay ko kase silang nakilala ni adik nun at nag-decide ako to be with him instead. (Baka di kayanin ng powers ko ang dala-dalawang dyowa, sakit yata ng katawan yun, haha!) :P

 

Eto tuloy at magkikita ulit kami ni model next week. Hay…Di ko alam kung tama 'tong ginagawa ko pero ewan ko ba't di ko s'ya totally maalis sa sistema ko. Marami-rami na rin akong naging dyowa pero silang dalawa ni adik yung matindi ang impact sa akin. 

Ewan ko din bakit pero siguro e dahil tinanggap ko sila nang buong buo at nilunok ko ang pride ko just to be with them.  

 

Yun nga lang kay model ko na i-imagine ang future ko nun. Sabi ko nga nun sa sarili ko, syet, siguradong matangkad mga anak namin kung nagkataon. 6'2 kase ang height n'ya.

 

Kanina ngang nagkita kami e feeling girl na girl ako nung magkatabi kami. Kitang kita kase ang height difference namin. Dream ko kaseng magkaroon ng dyowa na 6'2. I know it sounds mababaw pero pag matangkad kase ang babae, ang hirap humanap ng guy na mas matangkad. (Mostly kase e 5'6-5'9 ang height ng mga ex ko. Pag naka-heels ako e mas matangkad pa ako sa kanila since I'm 5'7.5" kaya naman si model ang tumupad ng pangarap ko na yun, hehe! ).

 

Excited ako na natatakot ako na nagkrus ulit ang landas namin. Masaya na malungkot. Pero pucha, magkikita ulit kami next week. Syet, bahala na.  Bahala ng magkalintikan…To hell with goddamn rules! Mahal ko s'ya.

 

Kanina tuloy pauwi ako ng bahay e pumunta muna ako sa salon at nagpagupit ako ng hair at nagpa-cellophane with color pa. Di lang yun, pinaayos ko pa kilay ko, hehe!  Long overdue na ito pero biglang ginanahan akong magpa-beauty ulit kanina. Outlet ko din siguro yun. 

 

Habang kinukulayan nga ang hair ko e nagmumuni-muni ako't tinext ko ang mga friendly friends ko about model. Iba-iba reaction nila. Oh well, di ko sila masisisi. Pero in the meantime e, go go go muna ako. Pucha, bahala na si Batman. Puso na muna ang paiiralin ko.

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit


comments (5)

1. jaleesa left…

Tuesday, 16 October 2007 6:39 am

kiligz naman ang story na 'to sis malagu. update mo ulit kami ha :)

kalokah ang music mo ha. sumasayaw ang nephew ko habang pinapakinggan nya ang grease soundtrack mo *hehehe*

2. barenaked left…

Tuesday, 16 October 2007 8:36 am

wahhhh, no comment na ako kay ex-file. sana di na lang ulit kami nagkita. nabuhay ulit yung mga dapat ng ibaon sa limot na feelings or emotions or whatever, sigh… :(

as for the grease soundtrack, love na love ko din yan nung bata ako, hehe! actually, till now naman, hehe! wala pa ring kupas. kaso iba na ulit playlist ko sa friendster e, hehe!

3. laryuki left…

Friday, 19 October 2007 3:17 pm :: http://laryuki.multiply.com

hay naku ate… sinasabi ko lang sayo… eto ka nanaman…

4. barenaked left…

Friday, 19 October 2007 3:18 pm

wahhhhhhhh, koya, huhuhu! :( :( :( :(

5. laryuki left…

Friday, 26 October 2007 2:35 pm :: http://laryuki.multiply.com

hay naku ate… hindi lang batok ang aabutin mo sakin sinasabi ko lang sayo…

Posted by barenaked at 12:48 pm | permalink | Add comment

GREASE 1

October 2, 2007

At dahil sa tinatamad akong magblog lately, patalastas muna, hehe! Ito ang current playlist ko sa Friendster. Songs from one of my all-time fave movies, Grease 1. 

Weird lang kase ang pag-shift ko ng music sa Friendster. From Cynthia Alexander, nag-the Late Isabel ako tapos Radioactive Sago Project sabay soundtrack naman ng Grease ngayon, hehe! 

Pero ako naman e paiba-iba talaga ng playlist sa Friendster. Mula Sugar Hiccup to Tori Amos to Autumn's Grey Solace, etc. Pero biased lang talaga ako sa mga mala-gothic na intro at haunting, female vocals. 

But of course, di mawawala ang mga Super Mario at Voltes V tunes ko sa Imeem ko, hehe! Iba't ibang versions yung mga ginagawa kong playlist, hehe aliw! Gagawin kong playlist ulit ang mga yun depende sa trip ko. Pero in the meantime e "Grease" muna ang trip ko ngayon. It brings back memories of my good ol' days.

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 12:42 pm | permalink | comments[2]

     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments