Home » Archives » November 2007

ON AND OFF…PERO OFF NA TALAGA NGAYON :(

November 30, 2007

Syet, totoo na 'to. Over na. The end na. Off na…Wala na kami ni model, my love. :(

Pero sabi nga ng mga friends ko, ilang beses na raw nila sa akin narinig 'to. Pero sabi ko nga, goodbye for life na 'to. For real na, huhu it sucks!!! Waahhh gusto ko magngangangawa, huhuhu! :'(

Maga lang naman mga mata ko ngayong paggising ko. Humahagulgul while alone in my room last night. Tangina, awang awa ako sa sarili ko. 

Kagabi na lang e para akong eng eng na umiiyak habang naglalakad sa ulan. Wala pa mandin akong payong kagabi. Mantakin n'yo yun? Pucha, kala ko sa pelikula lang nangyayari yun. Anak ng tokwa, na-experience ko kagabi.

Natatawa nga yung friend ko nung kinuwento ko sa kanya yun. Yun nga lang magkatext kami at sinabi ko sa kanya yun e na-imagine daw n'ya na parang gumagawa daw ako ng MTV, haha tama ba naman yun?! Hehe pero tama nga s'ya. Kase habang punas galore ako ng mga luha ko while while walking alone in the rain e kinakanta ko rin ang song ko for model, ang "I Didn't Mean to Make You Mine" ni Nina.

"i wish I never opened up my heart, I didn't mean to love you baby. I wish I never let it get this far, I didn't mean to love you baby…."

Alam n'yo yung feeling na gusto kong magkulong sa kuwarto at humagulgol dun pero di ko magawa dahil may trabaho pa ako? Puta, diba? May tutorial pa kase ako ng 6:15-8:15pm nun at di ako pwedeng umabsent  kaya naman awang awa ako sa sarili ko nun. Parang sasabog ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko nung mga panahong yun. Pero the show must go on, ika nga. Holy crap! 

Kaya naman pagkatapos ko sa raket ko e latang lata ako. Gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko't napaiyak ulit ako.  Dali-dali ko tuloy tinext ang isa sa mga boylets ko't hug n'ya kako ako. Walastik, desperada na talaga ako. Down na down talaga ako kagabi't I needed someone to cheer me up and a hug wouldn't hurt at all. 

E palibhasa estudyante ang lolo n'yo at foreigner pa, daming kaeklatan dun sa dorm nila. Medyo mahigpit kase sa curfew dun lately at alanganin na kung magkikita pa kami. Nanlumo tuloy ako't walang magko-comfort sa akin at naisnab pati ang beauty ko, tsk! Hehe wow mali! 

Nagdecide na lang tuloy ako makipagkita dun sa close friend ko. Habang hinihintay ko s'ya e bumili din ako ng isang kaha ng yosi at habang hithit buga ako ng usok e naaalala ko na naman ang greatest love ever ko. Matagal na akong di nagyoyosi pero wala akong alam na ibang paraan para ma-release yung lahat ng pain na nararamdaman ko noon kundi sa pagbuga ng usok.  

Pucha, ang tigas kase ng ulo ko e. Winarningan na ako ng mga friends ko  na iwasan na s'ya at putulin na ang communication namin. Ako naman si gagang inlababo, di s'y matiis. Tsong, isang text or tawag lang n'ya, nagkukumahog na ako. 

Sabi ko pa nga kay friend kahit anakan ako ni model e ok lang. Willing akong i-give up ang lahat para sa kanya. Ganun ako ka-dead na dead sa kanya.  

Di ko pa nga nasasabi sa kanya ang mga linyang gustong gusto kong sabihin sa kanya…Na kung dumating yung time na wala nang nagmamahal o nag-aalaga sa kanya e ako na lang ang ang gagawa nun para sa kanya nang wala ng tanung tanong…Na iiwanan ko lahat para sa kanya assuming na may bf or asawa ako that time…

I dunno if exagg ako pero ganun talaga ang nararamdaman ko. OA yata or baka nasasabi ko lang yun sa ngayon pero tsong, wala pa akong pinag-isipan ng ganung level sa tanang buhay ko.

As in unang kita ko pa lang sa kanya nun, may sparks na. Kala ko nga nun s'ya na talaga. Na s'ya na magiging daddy ng mga kids ko, hay…Kala ko lang pala yun. :(

Ewan ko kung may closure na 'to. Actually, ako yung nagpaalam na sa kanya. Alam ko din naman kase na dun na rin papunta. Ang cold n'ya kase sa akin lately.

Pero the last time we were together, ayun, nag-"I love you"-han pa kami. Wala na yatang mas sasarap pa sa 3 magic words na yun. Wish ko lang sincere s'ya when he tells me those words.

i dunno pero mas ok na rin ito na wala na kami. Sana lang mapanindigan ko na talaga this time.  Hirap na hirap na rin kase ako. Atleast nagawa ko na part ko. Alam naman n'ya how much I love him.  Pero wala e…Ala kaming chance…Ala kaming future…Sad but true…Matigas lang kase talaga ulo ko or namin kaya eto kami ngayon, nagkakasakitan. :(  

Goodybye, my love. Mamahalin na lang kita ulit sa next life ko. Sana dun pwede na…Sana dun tama na at ok na lahat at wala ng kokontra. Arrrrggggghhh!!! Sasabog na yata puso ko. Lord, help me pls. :(  

 

Posted by barenaked at 7:51 am | permalink | comments[2]

I DIDN’T MEAN TO MAKE YOU MINE

November 29, 2007

Hay, another LSS of mine. Kanta ko para kay model, my love.  :(

 

Nina - I Didn't Mean To Make You Mine

 

Don’t give me a second chance
It’ll be the same
You will be the consequence
And I will have the pain
You are something else
I have to survive
That is why I say
With tears in my eyes

I wish I never opened up my heart
I didn’t mean to love you baby
I wish I never let it get this far
I didn’t mean to love you baby
If I could have a single wish
I’d turn back time
I didn’t mean to make you
I didn’t mean to make you
Mine

Don’t look at me like I’m mad
I thought you would know
I was getting way too sad
It was gonna show
There was no way I could hide
I could hide the truth
So I took the risk
And fell for you

I wish I never opened up my heart
I didn’t mean to love you baby
I wish I never let it get this far
I didn’t mean to love you baby
If I could have a single wish
I’d turn back time
I didn’t mean to make you
I didn’t mean to make you
Mine

I didn’t mean to make you hold me
I didn’t mean to get so lonely
I didn’t mean to say all this to you
I didn’t mean to make you need me
I didn’t mean to love you like I do
Look at what we’ve put us through

Hay, need I say more? Todo na 'to. :(

Posted by barenaked at 9:21 am | permalink | comments[2]

ETO NA ANG TOTOONG "LOVE ENDOWED INTIMATELY"

November 21, 2007

Putaaaaa! Bakit ganon? Biglang nagparamdam na naman si model sa akin, grrrr! 

At naman, isang text lang n'ya, nagkukumahog nako, Goddemit! I told myself pa mandin na kakalimutan ko na s'ya. As in 1 week na kaming alang comm'n. Naman, congratulate me, friends! That's something, hehe! Mantakin n'yo di ako nagtext for a week? Tide is mirakol, men, hehe! :P

Kaya naman nung nagtext s'ya kanina at sinabing malapit lang daw s'ya sa amin e lost na naman ang beauty ko. Wrong timing pa mandin s'ya at kasalukuyan akong nasa mall nun at magkikita pa kami ng friend ko. Pero ayun at tinext ako't kitakits daw kami.

Di ko na naman alam tuloy kung matutuwa ako o malulungkot. Nananahimil na kase ako't sabay may "return of the comeback" na naman, leche, nasisira plano ko. Di ko s'ya matiiis, huhu! :(

Kadarating ko lang tuloy sa amin e nagmamadali na naman akong umalis. Nagulat pa ako dahil andun na s'ya sa labas ng gate at nililiko na auto n'ya. Walastik, ni hindi pa ulit ako nakakaligo, hehe!  

Pero in fairness, mas gusto ko na nagkikita na lang kami kesa text galore. Pag kase text e nag-aaway lang kami lagi at I end up crying na lang lagi, hay silly me…Sarap kong tuktukan, promise!  Pero pag magkasama naman kami e ok naman kami. Walang away.

 According to him, ang sarap ko daw kaseng asarin. Buwiset, tama ba naman yun?! E nag-eemote nga ako lagi sa mga friends ko pag nag-aaway kami't lagi ko s'yang sinasabihan na yoko na ulit magkita pa kami ever. 

Pero kanina e oks naman kami. Na-miss ko s'ya, wahhhhh! Nagpapa-baby tuloy ako sa kanya kanina at yoko na s'ya paalisin, hehe! Niyayaya ko pa s'ya matulog sa amin, pucha, bahala na kung mahuli kami, haha kapal ng mukha e.

Nabanggit pa naman n'ya kanina na baka mag-aral daw ulit s'ya. Tinanong ko kung ano, "secret" daw, hehe! Pero feeling ko e Nursing ang kukunin n'ya if ever. Sabi ko tuloy sa kanya e ako na lang teacher n'ya, haha! Ayaw daw n'ya at baka "Sex Education" daw ituturo ko sa kanya, nyahahaha! :P

See? Ganyan kaming dalawa. We have a love/hate relationship. Minsan ok, minsan hindi. But definitely, wala kaming future, that I can say. :(  

I call him my "greatest love turned disaster" if ever there's such a thing as "greatest love." Sabi kase ng close friend ko, wala daw "greatest love" chuva. Kalokohan daw yun. Bitter kase ang gaga e, nyahahaha! :P

But seriously, may concept ako ng "greatest love" and I think s'ya yun sa buhay ko.  Badtrip nga e. Sana di na lang s'ya. At wishing and hoping ako na mali nga ako. Hay pag-ibig nga naman, oo. 

Nakakainis lang kase na kung kelan ok na ako't gusto ko na s'ya kalimutan e biglang nabubuhay s'ya out of the blue. Pang-asar e. Kala ko nga last time e "the end" na kami. I always tell him pa naman na yoko maghiwalay kami na may bad blood between us. Pero dahil nga sa inis ko sa kanya last time e depressed ang lola n'ya for awhile at gusto ko na magpa-tattoo. Alangya, masokista nga yata talaga ako ah.

Pero wag ka't isang text lang n'ya kanina e lovey dovey na ulit kami. Putragis talaga! Ni wala man lang akong "pakipot factor", grrrr sunud-sunuran ako sa kanya, wahhhhh!

Hay Lord, eto na naman po tayo…Pasensya na…Tao lang…Nagmamahal lang.. Arrrrggggghhhh!!!

Posted by barenaked at 11:34 pm | permalink | comments[2]

LOVE ENDOWED INTIMATELY

November 20, 2007

Naks! Hayup sa title, hehe! LSS ko ngayon.

Weird kase I just found myself singing this song out of the blue. It's from Sugar Hiccup's Oracle album. As you know, I'm a Sugar Hiccup fan and I usually use my fave SH songs as my playlist in Friendster pero wala ang kantang ito dun, hehe weird!

 

Here goes the lyrics:

LOVE ENDOWED INTIMATELY 

  

Give me peace in the wind

Call me making no sound

Then keep, kiss, hold, miss,

See me punching holes in the wind

Sing through waves of the wind

dance me making me no sin

Then heal, feel, heart, steal

Come with me nside the whole of the wind

Then touch me, I made no sin

Don't leave me for I love thee

I'll keep you like gold of my kins

Find you like treasures I need to

live, talk, feel, walk

Love me inside the whole

of the wind

Fave ko ang lines na ito, "Then touch me, I made no sin, Don't leave me for I love thee." Naman…how sweet, hehe! Type ko pa mandin ang mga kaeklatan na "thee" na yan, hehe romantic ang dating sa akin. :)

Incidentally e napakinggan ko ang Sugar Hiccup sa "Unang Hirit" last week. Anak ng tokwa, di na ako fan, syet! Iba ang tunog nila ngayon, hay…Kakapanibago.

Kinanta pa mandin ang all-time fave ko na "Moden De". Tunog ewan, hay…Feeling ko binaboy ang kanta. Oh well, I know I'm too harsh pero naman, basta…ibang iba na s'ya sa tunog na "Melody del Mundo" at "Bea Alcala". 

In fairness, the new vocalist plays the violin. Kala ko nga e "Zelle" ang tumutugtog dahil violin ang intro. Paglingon ko sa TV e Sugar Hiccup pala kaya naman excited galore ako nun. Pero naman, olats pala. Yung violin lang ang trip ko.

Dali-dali ko tuloy tinext yung 2 friends na Sugar Hiccup fans at manood kako sila na Unang Hirit. Di nagreply yung isa pero nagreact yung isa at buwiset na buwiset din sa bagong tunog nila. Ibang iba naman kase, tsong.

Walang trace ng pagka-"Melody del Mundo" or "Bea Alcala" man lang. Solid Melody pa mandin ako. Wala nang mas gagaling pa sa boses ng babaeng yun, syet! Ibang klase ang boses.  Pero ngayon e di na ako fan ng bagong tunog ng SH, hay…

Dadaanin ko na lang tuloy sa pakikinig nga "Love Endowed Intimately" ng orig na Sugar Hiccup. Bigla ko s'yang nagustuhan, ewan ko ba…

"Then touch me, I made no sin. Don't leave me for I love thee." Naman…Para akong idinuduyan sa alapaap, hehe!

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit


Posted by barenaked at 1:56 pm | permalink | Add comment

FUNKY PENDANTS

November 14, 2007

Being the accessory junkie that I am, namakyaw ako ng handpainted guitar pendants. Aside from the fact that I play the guitar, I really am a fan of anything handpainted. Cutieee nila! :D

 

 

 

Got myself a Victorian pendant too. Meron pa akong ibang designs like Elvis Presley, Marilyn Monroe, Imelda Marcos and of course, my fave pop art Ninoy Aquino. 

 

 

Eto mga guitar pendants ko together with my "celebrity"  and Victorian-inspired pendants.

 

 

Pina-customize ko din mga geisha at sumo wrestler drawings ko. Hehe "wear thy art" ang drama ko. ;) Sensya na di malinaw ang mga pix. Pinakuhanan ko lang kase ng pix dun sa seller dahil sira pa rin cam ko, huhu! :(

 

 

Eto naman sila with my 2 Audrey Hepburn pendants. Dalawa yung Aubrey dahil ibibigay ko sa friend ng ate ko yung isa. Binigyan n'ya kase ako ng accessory holder. :)

 

 

Secret na lang magkano lahat nagastos ko, hehe! Accessories at bags kase talaga weakness ko. :) You can just imagine kung paano ako magshopping. Pakyawan blues lagi, hehe!

 

Kadarating lang pa mandin ng supply nila ng printed bangles, wahhhh super funky! Oorder na naman ako panigurado nito. Yari na naman sa shipping nito, hay…Pero oks lang kung sulit naman ang pera. :D  

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit


comments (4)

1. sachiko left…

Wednesday, 14 November 2007 9:56 pm :: http://blissfullybare.wordpress.com/

heya! long time no read! how is my fave blogger doing? love the new look and color of your blog.

i've a new blog.Kindly add me to your mega links!

thanks! http://blissfullybare.wordpress.com/

2. barenaked left…

Thursday, 15 November 2007 8:16 am

hello sachi! thanks! aliw when i visit your blog, buhay na buhay fetish ko for anything jap, hehe!

3. jaleesa left…

Sunday, 18 November 2007 6:39 am

hi malagu,

kalokah ang mga collection natin these days ah :) i love them!!! i-devote talaga ang time sa pagko-collect ha *hehehe*

btw,

i've tagged you:

http://thesearemyconfessions.blog-city.com/12_months.htm

ingatz

4. barenaked left…

Sunday, 18 November 2007 8:26 am

haha, thanks, sis! marami pang kasunod yan, hehe! ;)

Posted by barenaked at 1:51 pm | permalink | comments[8]

     

November 2007
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments