ON AND OFF…PERO OFF NA TALAGA NGAYON :(
November 30, 2007Syet, totoo na 'to. Over na. The end na. Off na…Wala na kami ni model, my love.
Pero sabi nga ng mga friends ko, ilang beses na raw nila sa akin narinig 'to. Pero sabi ko nga, goodbye for life na 'to. For real na, huhu it sucks!!! Waahhh gusto ko magngangangawa, huhuhu! :'(
Maga lang naman mga mata ko ngayong paggising ko. Humahagulgul while alone in my room last night. Tangina, awang awa ako sa sarili ko.
Kagabi na lang e para akong eng eng na umiiyak habang naglalakad sa ulan. Wala pa mandin akong payong kagabi. Mantakin n'yo yun? Pucha, kala ko sa pelikula lang nangyayari yun. Anak ng tokwa, na-experience ko kagabi.
Natatawa nga yung friend ko nung kinuwento ko sa kanya yun. Yun nga lang magkatext kami at sinabi ko sa kanya yun e na-imagine daw n'ya na parang gumagawa daw ako ng MTV, haha tama ba naman yun?! Hehe pero tama nga s'ya. Kase habang punas galore ako ng mga luha ko while while walking alone in the rain e kinakanta ko rin ang song ko for model, ang "I Didn't Mean to Make You Mine" ni Nina.
"i wish I never opened up my heart, I didn't mean to love you baby. I wish I never let it get this far, I didn't mean to love you baby…."
Alam n'yo yung feeling na gusto kong magkulong sa kuwarto at humagulgol dun pero di ko magawa dahil may trabaho pa ako? Puta, diba? May tutorial pa kase ako ng 6:15-8:15pm nun at di ako pwedeng umabsent kaya naman awang awa ako sa sarili ko nun. Parang sasabog ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko nung mga panahong yun. Pero the show must go on, ika nga. Holy crap!
Kaya naman pagkatapos ko sa raket ko e latang lata ako. Gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko't napaiyak ulit ako. Dali-dali ko tuloy tinext ang isa sa mga boylets ko't hug n'ya kako ako. Walastik, desperada na talaga ako. Down na down talaga ako kagabi't I needed someone to cheer me up and a hug wouldn't hurt at all.
E palibhasa estudyante ang lolo n'yo at foreigner pa, daming kaeklatan dun sa dorm nila. Medyo mahigpit kase sa curfew dun lately at alanganin na kung magkikita pa kami. Nanlumo tuloy ako't walang magko-comfort sa akin at naisnab pati ang beauty ko, tsk! Hehe wow mali!
Nagdecide na lang tuloy ako makipagkita dun sa close friend ko. Habang hinihintay ko s'ya e bumili din ako ng isang kaha ng yosi at habang hithit buga ako ng usok e naaalala ko na naman ang greatest love ever ko. Matagal na akong di nagyoyosi pero wala akong alam na ibang paraan para ma-release yung lahat ng pain na nararamdaman ko noon kundi sa pagbuga ng usok.
Pucha, ang tigas kase ng ulo ko e. Winarningan na ako ng mga friends ko na iwasan na s'ya at putulin na ang communication namin. Ako naman si gagang inlababo, di s'y matiis. Tsong, isang text or tawag lang n'ya, nagkukumahog na ako.
Sabi ko pa nga kay friend kahit anakan ako ni model e ok lang. Willing akong i-give up ang lahat para sa kanya. Ganun ako ka-dead na dead sa kanya.
Di ko pa nga nasasabi sa kanya ang mga linyang gustong gusto kong sabihin sa kanya…Na kung dumating yung time na wala nang nagmamahal o nag-aalaga sa kanya e ako na lang ang ang gagawa nun para sa kanya nang wala ng tanung tanong…Na iiwanan ko lahat para sa kanya assuming na may bf or asawa ako that time…
I dunno if exagg ako pero ganun talaga ang nararamdaman ko. OA yata or baka nasasabi ko lang yun sa ngayon pero tsong, wala pa akong pinag-isipan ng ganung level sa tanang buhay ko.
As in unang kita ko pa lang sa kanya nun, may sparks na. Kala ko nga nun s'ya na talaga. Na s'ya na magiging daddy ng mga kids ko, hay…Kala ko lang pala yun.
Ewan ko kung may closure na 'to. Actually, ako yung nagpaalam na sa kanya. Alam ko din naman kase na dun na rin papunta. Ang cold n'ya kase sa akin lately.
Pero the last time we were together, ayun, nag-"I love you"-han pa kami. Wala na yatang mas sasarap pa sa 3 magic words na yun. Wish ko lang sincere s'ya when he tells me those words.
i dunno pero mas ok na rin ito na wala na kami. Sana lang mapanindigan ko na talaga this time. Hirap na hirap na rin kase ako. Atleast nagawa ko na part ko. Alam naman n'ya how much I love him. Pero wala e…Ala kaming chance…Ala kaming future…Sad but true…Matigas lang kase talaga ulo ko or namin kaya eto kami ngayon, nagkakasakitan.
Goodybye, my love. Mamahalin na lang kita ulit sa next life ko. Sana dun pwede na…Sana dun tama na at ok na lahat at wala ng kokontra. Arrrrggggghhh!!! Sasabog na yata puso ko. Lord, help me pls.








