MY VINTAGE HANDHELD GAMES
December 27, 2007Since I’m a lover of anything vintage (except men, lol!) , share ko lang mga game and watch ko.
Naiskor ko lahat ang mga ito sa Ebay.
All of these are made in Japan at considered rare na.
First is a 1982 Popy "Secret Killer". Ang "Buy It Now" price n’ya sa Ebay dati ay $99.99. Whoa!
Check out this link : http://cgi.ebay.com/POPY-80s-SECRET-KILLER-GAME-WATCH_W0QQitemZ270179177315QQihZ017QQcategoryZ1182QQrdZ1QQssPageNameZWD1VQQcmdZViewItem

And of course, the classic, the master at ang walang kupas na 1983 Nintendo Mario Bros. Multi-Screen Game and Watch.
Tatlo pa lang sila so far. Sana madagdagan pa. Ewan ko kung saang lupalop na mga G&W ng Kuya ko. Kapanahunan n’ya ang mga ito e, hehe!
Nweiz, post ko pa ibang toys ko next time. Syet, sana manalo ako sa bidding sa mga Tamagotchi plushies! Mukhang marami akong karibal dun, tsk! Goodluck sa akin!
AALOG-ALOG NA XMAS
December 25, 2007Miss ko na mga kapatid ko, wahhhh! Three of them are in NY na, hay kakapanibago. Aalog-alog kami ngayon sa bahay.
In fairness, ang poporma ng mga kapatid ko ngayon. Dati, simpleng babae lang yung dalawa pero ngayon, aba, humahataw na rin, hehe! (Si bunso naman e maporma na dati pa)
Eto si Bo, my 21yo sis and the sweetest person I know.
Ito naman si Tey, my 20yo bro na ubod ng pasaway, hehe! Kahit sa Tate e llakwatsa galore pa rin ang inaatupag. S'ya ang bunso namin.
Next is Cha, my 25yo sis na ubod ng tangkad, hehe! (Nasapawan kami ni Bo.) She's 5'9.
O si Mommy naman.
Sakto at bumisita din mga cuz namin sa kanila.
This is cuz Anne with Bo.
Eto naman si Cha with my fave cuz, Joy. Ang lalaking babae, hehe! :p
Weird kase di ako sanay na konti lang kami pag Xmas. Wala tuloy kaming Monito Monita ngayon sa house. Ang konti na lang kase namin.
Nagpalitan pa rin naman kami ng mga gifts kaso nabawasan ng isa since di na nga kami nagbunutan. Hay hanggang kelan kaya ganito?
MAGKARIBAL
December 16, 2007Eto na nga ba ang sinasabi ko…nagpaparamdam na yung student ni friend sa akin. He's aking me out on a date.
Nagulat nga ako nung biglang tumawag si friend sa akin. Nagpapasama kase s'ya sa akin na ibenta yung baril n'ya. Alangya, ano'ng malay ko sa mga bang bang? Hehe!
Nweiz, kala ko about yung baril yung reason kaya tinawagan n'ya ako sa cp. Settled na kase ang lahat at oks na ang meeting place namin et al. Yun pala tinext s'ya ng student n'ya about me. Na mag-date nga raw kami. Walastik, napatawag tuloy s'ya nang ala sa oras sa kin.
Pagkakita namin ni friend e pinabasa n'ya kagad sa akin yung text ni Koreano. Yun nga, watch daw kami ng movie. Sa pagkakabasa ko naman sa text n'ya e feeling ko sama-sama kaming tatlo nila friend na manonood ng sine. Di daw.
As in tinanong daw n'ya si boylet if kaming dalawa lang ang lalabas. Oo daw. Yari na naman 'to kako. Pano si friend? Selosa pa mandin yun…
Surprisingly, oks naman ang reaction ni friend nung sinabi ni Korean BBQ sa kanya. Don't worry daw at ise-set daw n'ya ang date namin. (Milagro, hehe!)
Tinanong ko din naman s'ya if oks lang sa kanya na pumayag akong makipag-date sa pantasya n'ya dati. Oo daw. Di naman daw n'ya ganun ka-type si boylet kaya oks lang daw. (Sana di labas sa ilong yun, hehe!):P
Tina-target ko pa namang maging tutor ako ni boylet para dagdag raket din yun for me. Pero sabi ko nga kay friend, yoko na i-mix ang business with pleasure. Nakakasira ng diskarte. Nadala na ako kay Baby Jjamppong ko.
Ewan ko din kung magiging comfy si Koreano if tutor n'ya ako at the same time e dine-date n'ya rin ako on the side. Baka magkalituhan na naman. Basta sabi ko kay friend, raket ang priority ko as of now. (Nweiz, baka bigyan na lang n'ya ako ng ibang student na pwedeng itutor din bukod kay boylet).
In fairness, dami kong boys ngayon mapa-foreigners man o Pinoys. Ang haba ng hair ko. Abot hanggang Zimbabwe, hehe!
Pero yun nga, nadya-dyahe lang ako kay friend kase ako ang type ng mga pantasya n'ya. Yoko lang din kase na dumating yung time na lalake ang pag-awayan namin. Nananahimik lang din naman kase ako. Sobrang low profile. Ni hindi man nga ako nagpapa-cute sa mga yun e. Basta nabighani na lang sila. (Nyahaha, what a term, haha!)
Ba't naman kase kami pa ang nagiging "magkaribal" of all people? Basta ako sabay lang ako sa agos. Yoko ng gulo.
Eto nga't kate-text lang ni friend sa akin. Pinapakumusta daw ako ni boylet. Kamusta din kako sa kanya.
Ang weird nga lang ni Koreano kase di n'ya hinihingi number ko. Sagot naman ni friend, "Di nga hinihingi, dine-date ka naman kaagad." (Or baka naman ayaw lang n'ya ibigay, hehe who knows? Haha magduda daw ba? Hehe!)
Sabagay Smart kase sim n'ya, hmpp! Di ako makakapagparamdam din sa kanya gaano nito. Di ko kase tine-text ang mga friends ko gaano na di naka-Globe, hehe kurips!)
)
Syet, magka-Jjamppongan na naman kaya nito? Mukhang oo daw sabi ni friend. Oh well, we'll see…
KAMANDAG
December 15, 2007Mineet ko friend ko kanina para tulungan syang maghanap ng boarding house para sa student n'ya na pinagnanasahan n'ya. Late na ako dumating kaya ang siste e inintroduce lang kami sa isa't isa kanina at nag-kamayan (as in shake hands).
At since may raket pa ako ng 6pm nun e nagmamadali na kaming sumakay ng jeep. When I asked my friend kung ilang taon si loverboy e sinabihan ako na hulaan ko daw. E ako pa naman, nadyadyahe sa ganyan. Baka kase ma-offend pag mas matanda yung masabi kong edad. Pero yun, pinilit nila akong dalawa na hulaan ko daw. Pinag-isipan ko pa tuloy at maigi at in the end e, 25yo ang sagot ko. Mali daw.
34yo na raw si Korean BBQ. Nagulat tuloy ako. Mukhang mas bata kase s'yang tingnan. Ako tuloy yung pinagtripan ni friend this time at pinahula naman n'ya yung edad ko kay loverboy. 22yo daw. Haha nice!
In fairness pag nalalaman ng mga Koreans na 29yo na ako e nagugulat sila. Lagi kaseng nasa early 20's range ang binibigay nilang sagot, hehe good! (Syet, sana forever na ganun yung sagot nila, hehe!)
Bigla tuloy tinanong tuloy ako ni loverboy if may bf ako. Sabi ko wala. Ask n'ya tuloy if married na ba ako. Di rin kako. Biglang napatingin tuloy si friend sa akin ng masama at parang interesado sa akin ang boylet n'ya.
Maya't maya din e pinapaalalahanan n'ya ako na reserved na raw si boylet for her. Ako naman e natatawa lang na ewan. Di ko naman kase type ang student n'ya.
Nabanggit pa mandin ni Korean BBQ na fave n'ya ang arrozcaldo at pork adobo. Ah ok 'to, sa loob loob ko. Makaka-bonding namin sa kainan si boylet since fave namin ni friend ang arrozcaldo, goto, etc. Humirit pa si Koreano na next time daw e lumabas kaming tatlo.
Napatingin ulit tuloy si friend sa akin at worried na worried. Feeling kase n'ya e type ako ng pantasya n'ya. Sabay humirit s'ya in Kapampangan na ipaubaya ko na lang daw si boylet sa kanya. Maya't maya tuloy e kini-comfort ko s'ya na wag s'yang mag-alala at kanyang kanya ang kanyang loverboy.
Pagbaba naman namin ng jeep e hinintay muna naming makasakay ulit ng panibagong jeep si lalake. Super concerned pa mandin si friend at pinagbilin pa n'ya si boylet sa driver para di lumampas sa pupuntahan n'ya. ito namang si Korean BBQ e kaway ever sa akin at very warm ang reception sa akin habang nasa loob ng jeep at nagpapaalam. Samantalang very dry yung pagpapaalam n'ya kay friend.
Nanlumo tuloy si dear driend. Feeling daw n'ya e type nga ako ni loverboy. Ako naman e pilit na pinapalakas ang loob n'ya at di naman siguro kako. (Pero deep inside e feeling ko tama s'ya). Iba kase talaga yung pagkakakaway n'ya sa akin. Feeling close baga samantalang very dry yung pagpapaalam n'ya kay friend.
Napa-"Feeling ko lalake ang pag-aawayan natin" statement tuloy s'ya sa akin nung naglalakad kami sa mall. Nagkataon pa mandin na di s'ya type ni Baby Jiamppong kahit ano'ng pagpapa-cute ang gawin n'ya at mukhang di rin s'ya type nito as a tutor kaya parang feeling n'ya e lahat ng grasya e nasa akin ngayon.
Once upon a time pa mandin e meron din s'yang natipuhan na waiter nung time na magkasama kaming kumain sa isang resto sa mall. In fairness, nagpalitan sila ng number at magiliw yung waiter sa kanya. Pero nung tinext n'ya yung guy at di nagreply e sinabi ko sa kanya na ako na lang kako yung didiskarte at ibigay na lang n'ya yung number ni waiter sa akin.
Ito namang si gaga e ayaw ibigay sa akin yung number ng boylet n'ya. Alam daw n'ya kase kamandag ko, hehe! Nakakatakot daw. Alangya, di ko tuloy alam kung compliment yun or insulto, hehe!
Kanina tuloy kasama namin yung bagong apple of her eyes e inulit na naman n'ya ang "kamandag statement" n'ya sa akin. Ako naman e natatawa lang na ewan. Alam ko kase na selosa talaga si friend at natatakot s'ya na baka ako pa ang maging "ultimate karibal" n'ya sa mga type n'ya.
Sakto pa naman at kaninang magkasama ulit kami e nag-text si Baby Jiamppong ko at nabasa n'y mga texts n'ya sa akin. Inggit na inggit na naman s'ya, hehe! Di pa naman nagpa-tutor si Jiamppong ko sa kanya kanina at feeling nga n'ya e ako pa rin ang hinahanap-hanap n'ya, hehe! Ala kakong chance, sabi ko. Di ko na s'ya itu-tutor ever. Baka iba ang matutunan n'ya sa akin, hehe!
Ewan ko ba pero parang nagse-self pity si friend na ewan. I mean, di ko naman sinasadya kung anuman yung mga nangyayari sa paligid namin ngayon. Ni hindi ako yung gumagawa ng first move. In short, nananahimik lang ako sa tabi. Low profile baga.
Ano'ng magagawa ko e makamandag talaga ako? Haha kapal ng mukha e. Pero pucha, tsong. Jackpot talaga ako kay Baby Jiamppong! Solid!
Kamandag nga ba ang tawag dun? Or swerte lang ako? I would like to think both. Pero I like the word "kamandag" better, hehe!
CAREER VS. KARIR
December 13, 2007Syet, ngayon ko talaga na-realize na ang hirap pagsamahin ng career at libog. Anak ng tokwa naman kase, bat ang daming tukso sa mundong ibabaw? Hay…
Di talaga maiwasan na minsan e magkagustuhan…magkalandian…magka-chorvahan at kung anik-anik pa sa line of work ko. Ang daming pang-Koreanovela na students ko e, grrrr! At the same time, I'm only 29. I'm just a few years older than most of them so minsan, barkada ang turing nila sa akin. Cool daw kase ako, naks nagbuhat na ng sariling bangko, hehe!
Oks yung initial stage e. Palitan ng number…Tantyahan…Flirting et al..Pero pucha, nagkakailangan na pagkatapos pakinabangan ang isa't isa. Ang hirap ibalik sa dati yung sitwasyon na "uy, estudyante kita at teacher mo naman ako at kailangan nating maging pormal pag nag-aaral."
Idagdag pa d'yan pag one-on-one pa na class. Leche, magkakalintikan na talaga. Di na pag-aaral ang aatupagin, hay…
Pero naman, tao lang ako…Nagkataon lang na kagalang-galang dapat ang projection ko sa labas pero pusang gala, di ako ganun, men. Tipikal na tao na nakakaramdam din ng kung anu-ano.
Mahirap talaga pag nag-cross kayo sa border. Pucha, this is the second time around…Masarap ang bawal e…Exciting…Nakakanerbyos na ewan…Iba ang adrenaline rush…Isa sa mga pantasya ko…Pang-porno pati ang mga eksena, hehe!
Pero pucha, is it all worth it? He's very much younger than me…Pucha, ang ganda ko, syet, haha!
I honestly don't know the answer. Iginagalang pa rin kaya n'ya ako? Mukhang oo naman. Mas open s'ya sa akin ngayon kaso sumobra nga lang yata, haha!
I mean, I really don't mind. I'm pretty openminded. Pero pucha, pag naaapektuhan na yung trabaho, dun ako medyo na-o-off. Di yata talaga pwedeng pagsabayin ang career at libog or else mapupunta sa "kariran". Yun nga lang yata yun.
Oks naman kami kanina. May mga moments lang na biglang matatawa kami na ewan. Or biglang mapapag-usapan namin. Or biglang sasabihin namin na ang hirap mag-aral ngayon. Di kami maka-focus.
Syet, magkikita ulit kami bukas. Pano kaya nito? Same same pa rin ba?




























