Home » Post Item » KAMANDAG

KAMANDAG

December 15, 2007

Mineet ko friend ko kanina para tulungan syang maghanap ng boarding house para sa student n'ya na pinagnanasahan n'ya.  Late na ako dumating kaya ang siste e inintroduce lang kami sa isa't isa kanina at nag-kamayan (as in shake hands). 

At since may raket pa ako ng 6pm nun e nagmamadali na kaming sumakay ng jeep. When I asked my friend kung ilang taon si loverboy e sinabihan ako na hulaan ko daw. E ako pa naman, nadyadyahe sa ganyan. Baka kase ma-offend pag mas matanda yung masabi kong edad. Pero yun, pinilit nila akong dalawa na hulaan ko daw. Pinag-isipan ko pa tuloy at maigi at in the end e, 25yo ang sagot ko. Mali daw.

34yo na raw si Korean BBQ.  Nagulat tuloy ako. Mukhang mas bata kase s'yang tingnan. Ako tuloy yung pinagtripan ni friend this time at pinahula naman n'ya yung edad ko kay loverboy. 22yo daw. Haha nice! :P

In fairness pag nalalaman ng mga Koreans na 29yo na ako e nagugulat sila. Lagi kaseng nasa early 20's range ang binibigay nilang sagot, hehe good! (Syet, sana forever na ganun yung sagot nila, hehe!) ;)

Bigla tuloy tinanong tuloy ako ni loverboy if may bf ako. Sabi ko wala. Ask n'ya tuloy if married na ba ako. Di rin kako. Biglang napatingin tuloy si friend sa akin ng masama at parang interesado sa akin ang boylet n'ya. 

Maya't maya din e pinapaalalahanan n'ya ako na reserved na raw si boylet for her. Ako naman e natatawa lang na ewan.  Di ko naman kase type ang student n'ya.

Nabanggit pa mandin ni Korean BBQ na fave n'ya ang arrozcaldo at pork adobo. Ah ok 'to, sa loob loob ko. Makaka-bonding namin sa kainan si boylet since fave namin ni friend ang arrozcaldo, goto, etc. Humirit pa si Koreano na next time daw e lumabas kaming tatlo. 

Napatingin ulit tuloy si friend sa akin at worried na worried. Feeling kase n'ya e type ako ng pantasya n'ya. Sabay humirit s'ya in Kapampangan na ipaubaya ko na lang daw si boylet sa kanya. Maya't maya tuloy e kini-comfort ko s'ya na wag s'yang mag-alala at kanyang kanya ang kanyang loverboy.

Pagbaba naman namin ng jeep e hinintay muna naming makasakay ulit ng panibagong jeep si lalake.  Super concerned pa mandin si friend at pinagbilin pa n'ya si boylet sa driver para di lumampas sa pupuntahan n'ya. ito namang si Korean BBQ e kaway ever sa akin at very warm ang reception sa akin habang nasa loob ng jeep at nagpapaalam. Samantalang very dry yung pagpapaalam n'ya kay friend. 

Nanlumo tuloy si dear driend. Feeling daw n'ya e type nga ako ni loverboy. Ako naman e pilit na pinapalakas ang loob n'ya at di naman siguro kako. (Pero deep inside e feeling ko tama s'ya). Iba kase talaga yung pagkakakaway n'ya sa akin. Feeling close baga samantalang very dry yung pagpapaalam n'ya kay friend. 

Napa-"Feeling ko lalake ang pag-aawayan natin" statement tuloy s'ya sa akin nung naglalakad kami sa mall. Nagkataon pa mandin na di s'ya type ni Baby Jiamppong kahit ano'ng pagpapa-cute ang gawin n'ya at mukhang di rin s'ya type nito as a tutor kaya parang feeling n'ya e lahat ng grasya e nasa akin ngayon.

Once upon a time pa mandin e meron din s'yang natipuhan na waiter nung time na magkasama kaming kumain sa isang resto sa mall. In fairness, nagpalitan sila ng number at magiliw yung waiter sa kanya. Pero nung tinext n'ya yung guy at di nagreply e sinabi ko sa kanya na ako na lang kako yung didiskarte at ibigay na lang n'ya yung number ni waiter sa akin. 

Ito namang si gaga e ayaw ibigay sa akin yung number ng boylet n'ya. Alam daw n'ya kase kamandag ko, hehe! Nakakatakot daw. Alangya, di ko tuloy alam kung compliment yun or insulto, hehe! 

Kanina tuloy kasama namin yung bagong apple of her eyes e inulit na naman n'ya ang "kamandag statement" n'ya sa akin. Ako naman e natatawa lang na ewan. Alam ko kase na selosa talaga si friend at natatakot s'ya na baka ako pa ang maging  "ultimate karibal" n'ya sa mga type n'ya.

Sakto pa naman at kaninang magkasama ulit kami e nag-text si Baby Jiamppong ko at nabasa n'y mga texts n'ya sa akin. Inggit na inggit na naman s'ya, hehe! Di pa naman nagpa-tutor si Jiamppong ko sa kanya kanina at feeling nga n'ya e ako pa rin ang hinahanap-hanap n'ya, hehe! Ala kakong chance, sabi ko. Di ko na s'ya itu-tutor ever. Baka iba ang matutunan n'ya sa akin, hehe! :P  

Ewan ko ba pero parang nagse-self pity si friend na ewan. I mean, di ko naman sinasadya kung anuman yung mga nangyayari sa paligid namin ngayon. Ni hindi ako yung gumagawa ng first move. In short, nananahimik lang ako sa tabi. Low profile baga. 

Ano'ng magagawa ko e makamandag talaga ako? Haha kapal ng mukha e. Pero pucha, tsong. Jackpot talaga ako kay Baby Jiamppong! Solid! :D

Kamandag nga ba ang tawag dun? Or swerte lang ako?  I would like to think both. Pero I like the word "kamandag" better, hehe! :P

Posted by barenaked at 12:39 am | permalink

Add a comment








     

December 2007
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments