MAGKARIBAL
December 16, 2007Eto na nga ba ang sinasabi ko…nagpaparamdam na yung student ni friend sa akin. He's aking me out on a date.
Nagulat nga ako nung biglang tumawag si friend sa akin. Nagpapasama kase s'ya sa akin na ibenta yung baril n'ya. Alangya, ano'ng malay ko sa mga bang bang? Hehe!
Nweiz, kala ko about yung baril yung reason kaya tinawagan n'ya ako sa cp. Settled na kase ang lahat at oks na ang meeting place namin et al. Yun pala tinext s'ya ng student n'ya about me. Na mag-date nga raw kami. Walastik, napatawag tuloy s'ya nang ala sa oras sa kin.
Pagkakita namin ni friend e pinabasa n'ya kagad sa akin yung text ni Koreano. Yun nga, watch daw kami ng movie. Sa pagkakabasa ko naman sa text n'ya e feeling ko sama-sama kaming tatlo nila friend na manonood ng sine. Di daw.
As in tinanong daw n'ya si boylet if kaming dalawa lang ang lalabas. Oo daw. Yari na naman 'to kako. Pano si friend? Selosa pa mandin yun…
Surprisingly, oks naman ang reaction ni friend nung sinabi ni Korean BBQ sa kanya. Don't worry daw at ise-set daw n'ya ang date namin. (Milagro, hehe!)
Tinanong ko din naman s'ya if oks lang sa kanya na pumayag akong makipag-date sa pantasya n'ya dati. Oo daw. Di naman daw n'ya ganun ka-type si boylet kaya oks lang daw. (Sana di labas sa ilong yun, hehe!):P
Tina-target ko pa namang maging tutor ako ni boylet para dagdag raket din yun for me. Pero sabi ko nga kay friend, yoko na i-mix ang business with pleasure. Nakakasira ng diskarte. Nadala na ako kay Baby Jjamppong ko.
Ewan ko din kung magiging comfy si Koreano if tutor n'ya ako at the same time e dine-date n'ya rin ako on the side. Baka magkalituhan na naman. Basta sabi ko kay friend, raket ang priority ko as of now. (Nweiz, baka bigyan na lang n'ya ako ng ibang student na pwedeng itutor din bukod kay boylet).
In fairness, dami kong boys ngayon mapa-foreigners man o Pinoys. Ang haba ng hair ko. Abot hanggang Zimbabwe, hehe!
Pero yun nga, nadya-dyahe lang ako kay friend kase ako ang type ng mga pantasya n'ya. Yoko lang din kase na dumating yung time na lalake ang pag-awayan namin. Nananahimik lang din naman kase ako. Sobrang low profile. Ni hindi man nga ako nagpapa-cute sa mga yun e. Basta nabighani na lang sila. (Nyahaha, what a term, haha!)
Ba't naman kase kami pa ang nagiging "magkaribal" of all people? Basta ako sabay lang ako sa agos. Yoko ng gulo.
Eto nga't kate-text lang ni friend sa akin. Pinapakumusta daw ako ni boylet. Kamusta din kako sa kanya.
Ang weird nga lang ni Koreano kase di n'ya hinihingi number ko. Sagot naman ni friend, "Di nga hinihingi, dine-date ka naman kaagad." (Or baka naman ayaw lang n'ya ibigay, hehe who knows? Haha magduda daw ba? Hehe!)
Sabagay Smart kase sim n'ya, hmpp! Di ako makakapagparamdam din sa kanya gaano nito. Di ko kase tine-text ang mga friends ko gaano na di naka-Globe, hehe kurips!)
)
Syet, magka-Jjamppongan na naman kaya nito? Mukhang oo daw sabi ni friend. Oh well, we'll see…








