FOREYNJERS
January 30, 2008Wala lang, napansin ko lang lately na puro mga foreigners ang natitipuhan ko. Napansin nga din daw ni friend kanina na lahat ng natataypan ko sa mall e foreigners, hehe ewan ko ba. Biglang nag-iba yata ang taste ko simula nung maka-"jjiamppong" ako ng ng mga banyaga, hehe!
Ang tipikal concept ko naman ng "guapo" e "tall, dark and handsome". Pasok pa rin naman ang Pinoys dun lalo na sa "moreno" na kulay. Yun kase ang type ko sa mga guys. Kayumangging kaligatan, naks, hehe! Oh well, aside from that, makinis at malalaki ang katawan ang mga type ko talaga.
Pero sexy talaga for me ang mga "mulatto". Yung mga tipong "black na tisoy". Gandang ganda ako sa mga kulay nila.
Leche nga at naudlot ang "putukan" sana nung New Year, grrrr!
May mulatto kase kaming nakasalubong ni friend sa mall noon. Malayo pa lang e titig na titig na sa akin si foreigner at nag-smile pa nung magkatapat kami. Ako naman e nakipagtitigan at smile galore din kaso olats, hanggang ganun lang ang nangyari. Pero tsong, kung nagparamdam lang sa akin yun, pucha, hinding hindi ko s’ya tatanggihan, haha pantasya ko yun e, haha lol!
So far e nakaka-3 lahi pa lang naman ako. Iba’t ibang putahe, haha lol! Kasama na yung Pinoys dun so 2 lahi ng mga foreigners pa lang ang naja-"jjiamppong" ko. Pero lately talaga e mga foreigners ang mga pinapagpantasyahan ko pag nagma-mall ako tulad na lang kanina. "Mixed breeds" at "foreynjers" na naman lahat yung mga natipuhan ko. NI wala man lang kahit isang purong Pinoy, ewan ko ba, weird!
Di ko lang alam kung phase lang ba ito or what. "Flavor of the month" baga, haha lol! Pero kung pagpapalahi lang ang usapan e "Europeans" ang mga type ko. Oks din naman ang mga "Americans" (oh well, depende din sa over-all impact) pero ewan mas trip ko ang mga Italians, Greeks, etc. (Syet, sarap mangarap, haha Greek god!)
May kinakarir nga akong German ngayon. Pucha, guapo kaya yun? "Daw" sabi nung Fil-Greek student ko. S’ya yung nagbigay nung number sa akin ni "German sausage". (Pucha, German sausage nga kaya yun? Haha!).
Textmates kami ngayon ni "German Moreno", haha lol! Pero ewan, may dyowa-dyowahan yata s’ya ngayon na Pinay. Di ko nga alam kung purong Pinoy yun at German citizen lang ba or what. Pero kahit ganyan lang, si "model" pa rin ang "greatest love" ko…hay…love na love ko yun, promise!
Walang binatbat ang mga "Korean BBQ" at kung anik-anik na "international cuisine" kung "love" ang pag-uusapan, hay…My GL…Miss na kita. Kung kani-kaninong kandungan tuloy ako napapadpad…
Tsk, defense mechanism ko kaya yun?








