Home » Post Item » BYE BYE, LOVERBOYS

BYE BYE, LOVERBOYS

February 25, 2008

Syet! Bakit unti-unti nang naglalaho ang mga loverboys ko? Hay…:(

Nung una, si model, my GL (greatest love, ewwww!). As of Feb 16 e wala na kami. Pero I think this is it na talaga.  Kase wala pa ring nanunuyo till now e. Mukhang nauntog na talaga s’ya this time, hay ulit…

Kahapon nga magkatext kami e naninibago ako. Gustong gusto ko kase maglambing pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Feeling ko din kase e mapapahiya ako kaya kinontrol ko na lang ang sarili ko. Hay…GL, so near…and yet so far…:(

Kanina naman e nagulat ako’t bumalik na pala sa bansang sinilangan n’ya si "pseudo bf".  As in for good na raw sai ng cuz n’ya sa akin. Pero nung tinawagan ko naman sa cp si pseudo bf e wag daw akong mag-aalala at babalik daw s’ya ng end of March or first week of April. Wahhhh bat ganun? :(

Supposed to be pa naman e magkikita sana kami nung Friday. Kaso yun nga, naudlot. Pero yun, pinakilala n’ya sa akin yung cuz n’ya na roommate din n’ya sa dorm. Itext ko daw at ginawa ko naman. Di pa kami nagmi-meet at puro text pa lang kami so far pero baka magmeet kami maya ng pinsan n’ya.  

In fairness, nalungkot ako bigla. As in naiyak pa ako at one point. Hay…Mami-miss ko kase s’ya. As in. Super cool, sweet at funny kase yun.

Hanggang ngayon nga e vague pa rin sa akin kung bakit biglaan ang pag-alis n’ya ng Pinas. Pero sa tingin ko e sinipa na yun sa univ. We don’t exactly talk about his studies pero according to some of his friends na nameet ko ko e "notorious" nga raw ang image n’ya at may "warning" na raw s’ya sa univ. 

Feeling ko tuloy e about his studies talaga ang naging problema. Tsaka sa tingin ko din kase e mas gusto pa n’ya ang mag-gym kesa mag-aral. Imagine, he goes to the gym 4 hrs everyday?! Sobrang vain at adik sa katawan n’ya. 

Nung minsan nga na magkasama kami e nabanggit nga n’ya na may exam daw s’ya. I asked him kung nag-aral na ba s’ya. Nagulat ako nung sinabi n’yang di daw s’ya papasok at maggi-gym daw s’ya at wala daw akong dapat ipagalala dahil may excuse slip na raw s’ya. Weird noh?

Pero kanina talaga e nawindang ako nung nagtext sa akin yung cuz n’ya at sinabing babalik na raw sa bansa nila si foreigner boylet. Nalungkot ako bigla na ewan. I immediately asked why at na-wrong send pa ako at na-send ko pala kay pseudo bf. Nagtext tuloy s’ya bigla sa akin at sinabing mami-miss daw n’ya ako. Wahhhhh! :(

Bakit ganun? Bakit biglaan? Clueless pa rin ako hanggang ngayon.

Ako tuloy yung di mapakali kanina at text nang text sa kanya. Nung di ko na mapigilan e tinawagan ko na s’ya sa cp. Di kami magkaintindihang mabuti dahil maingay nung time na yun at nagmamadali s’ya. 1 minute and 15 secs lang kami nagkausap. Hay…

Kaninang pagkatapos ko tuloy sa tutorial ko ng 12 noon e tinext ko yung cuz n’ya at tinanong kung ano’ng oras ang flight ni boylet. 10am daw. Wahhhhh, ala na s’ya sa Pinas, huhu! At pagcheck ko nung "dialled calls" ko e 9:26am ko pala s’ya tinawagan. Kaya pala nagmamadali s’ya. 10am na flight n’ya, huhu! 

Nakakainis sila! Huhu, pareho lang sila ni model. Bakit sila nangiiwan? Di talaga ako love ni Lord, hay… :(

Mami-miss ko si pseudo bf, promise! Super sweet pa naman yun sa akin. He calls me "honey" or "baby" kahit in public. At kahit mas matangkad ako sa kanya, deadma lang yun at holding hands kami pag maglakad. Tapos kahit in front of his friends, kumikiss s’ya sa akin, wahhhh! Mami-miss ko s’ya…Ang kakengkoyan n’ya. Yung pagsasayaw at pagkanta namin together sa harap ng salamin…Hay…

Naglaho pa mandin mga pictures namin na magkasama kami sa cp ko. Nasira kase ang memory card ko that time at kailangang i-reset.  Yung mga solo pics na lang n’ya tuloy ang nasa cp at pc ko. Hay… 

As for GL, love ko pa rin naman s’ya till now. Kaya lang wala e. Sumuko na s’ya. Alangang namang ipilit ko pa ang sarili ko. Sawa na akong magkaawa sa kanya. It’s about time na bigyan ko naman ng konting "pride" ang sarili ko.

Kasalanan ko rin naman bakit kami naghiwalay. Demanding kase ako. Dati kase e pinapatulog ko s’ya sa amin nugn nagkataong solo flight ako sa bahay. Kaso di nga raw pwede at biglaan naman ang pag-aya ko sa kanya. Ayun, naginarte ako. Nabuwisit ang lolo n’ya. Yan…ako kase e…yan tuloy napala ko…Hay…

Eto tuloy at naglaho na 2 sa mga loverboys ko. Marami pa naman akong ibang reserba pero si model at pseudo bf ang faves ko sa kanilang lahat. Wala na…No more na…Nagkalimutan na…Ikikiskis ko na lang yung ano ko sa pader…Hahaha jk! (Alangya, humirit pa e, hehe!).

Incidentally e nag-pm sa akin si "first bf". As in my first bf when I was in college. Nabasa n’ya panigurado yung Friendster shoutout ko na, "…and history books forgot about us and the Bible didn’t mention us…not even once…" Nagulat ako nung may offline message ako from him na, "you are my sweetest downfall. i love you first." Ang lolo n’yo, nakikisabay pa, hehe! (Actually, I loved you first yung tamang lyrics. Past tense na). 

Leche! Di na ako affected sa mga kaeklatan n’ya sa buhay. Matagal na akong nakapag-move on.  Pero once upon a time e patay na patay din ako sa kanya…Pero yun nga, may hangganan  din ang lahat…At yoko na ng sequel sa lovestory namin. Wala na akong balak ibalik ang nakaraan. 

One time pa naman e naka-webcam s’ya at nakita ko ulit s’ya after 48 years. Ayun, mukhang "tatay" na talaga s’ya. Ang taba. Ang laki ng tiyan…Tsk!  Wala na talaga s’yang appeal sa akin whatsoever. Tsaka naman…Ang tagal na naming hiwalay, haller!

Oh well, ganun lang talaga ang buhay…Sorry na lang pag nauntog na ako kase kahit lumuha ka ng dugo, hinding hindi na kita babalikan. Walastik, kinarir ko pa mandin yung article ko about "first bf". As in one of my fave entries ko sa blog ko. Makapagbagbag damdamin ang pagkakasulat.

"Why only now? He had me then but what did he do? He left me.

He said he misses my voice. He said he misses the times when I’d sing and play the guitar for him - and all the facial expressions and stares that go with it.

Had he chosen me, I wouldn’t mind singing a lifetime for him. Had he chosen me, I wouldn’t mind playing the guitar till my fingers hurt. I would just do anything and everything for him. But he left me."

Naman…Pucha, san ka pa? Hay love nga naman oo…Tsk! 

Eto buong entry ko about him:

http://barenaked.i.ph/blogs/barenaked/2005/01/20/a-finished-chapter/ 

Basta ako, kay model at pseudo bf lang ako may paki. Wala na akong paki kay first bf. Alangya, biased noh? Walastik kase, tsong. Sobrang sakit yung dinaanan ko nun nung iwanan n’ya ako. Mamatay-matay ako…As in pati pagaaral ko affected din…Hay…

Yun yung time na dinalaw ako ng roommate ko sa boarding house para maliwanagan ang isip dahil decided na akong magfile ng LOA nun dahil di ko ginagawa ang thesis ko nun at nakatiwangwang lang…At naman, habang kinakausap ako ni roommate e walang tigil sa pag-agos yung luha ko nun kahit di ako nagsasalita. Pucha! Hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko yung sakit na yun.

Syet! Walang karapatang bumalik sa buhay ko yung mga taong ganun. Ni ayaw ko na s’yang makita ever. In the first place, wala na kaming dapat pagusapan pa. Ni hindi ko nga sinave yung number n’ya nung binigay n’ya sa akin. Basta ang alam ko, nakapag-move on na ako. Period. (Syet, ba’t parang galit ako? Haha!).

Hay..So long…Farewell, loverboys!

GL, sa next life na lang kita mamahalin. :(

Pseudo bf, sana magkita tayo ulit kung magawi ka ulit sa Pinas. Email me, dear. :(

First bf, wala lang…pasensyahan na lang…Haha lol!

Syet, bitter ba ako? Hahaha! :P  

 

 

Posted by barenaked at 4:02 pm | permalink

Previous Comments

“Ikikiskis ko na lang yung ano ko sa pader…Hahaha jk! (Alangya, humirit pa e, hehe!).

nominated na sana for best drama yung post, kaso may punchline pa rin, hehehe :p

Posted by graymalkin at February 26, 2008, 11:49 pm

hahaha! natatawa nga rin ako sa sarili ko nun habang tina-type ko yung linyang yan, hehe! oh well, that’s me…hehe! :P

Posted by barenaked at February 26, 2008, 11:55 pm

sobrang kawawa naman yang ate…

dont worry at dahil lab kita eh tutulongan nalang kitang ikiskis sa pader yang ano mo… yang kung ano man yang iKIKIskis mo hahaha lol :D

Posted by laryuki at February 27, 2008, 4:29 am

hahaha lol! mali nga e. sa “unan” ko pala dapat ikiskis, hehe! :P

Posted by barenaked at February 27, 2008, 9:10 am

pano po ba magpasa ng application for the position of loverboy?

Posted by jaiskizzy at February 27, 2008, 5:47 pm

wala nang apply apply… testing na kaagad ate… hahaha lol =D

Posted by laryuki at February 27, 2008, 7:32 pm

@koya larr, haha alangya, sagutin daw ang tanong for me? hehehe! :P

@jaiskizzy, send ka lang ng resume sa akin, hahaha! :P

pero nabasa ko profile mo. mukhang pasado ka sa akin, hehehe! mukhang artist at weird ka. ganun mga tipo ko e.

“had dyed hair red and painted nails black”…why not? hehehe! ;)

Posted by barenaked at February 28, 2008, 7:36 am

drive test na ate… hahaha lol :P

Posted by laryuki at February 29, 2008, 1:58 am

i like how you speak your mind, barenaked. im curious about what conversations with you would be like.

Posted by nudeunclothed (aka jaiskizzy) at February 29, 2008, 3:38 pm

@koya larr, hoy! wag ka makisawsaw, hahaha lol! :P

@jaiskizzy, thanks! try me, hahaha! ;)

Posted by barenaked at February 29, 2008, 4:16 pm

uy d ako nakikisawsaw…

kulang sa akin yun bwahahaha lol =D

Posted by laryuki at March 4, 2008, 11:02 pm

i am very excisted once i reading your aritic .it is unique about i read many blogs.

Posted by cheap ugg boots at October 25, 2011, 8:22 am

I dont understand whether he was getting real remedial assist alternatively not. . 16 Left by Fake Watches Sep. . Beats Studio Jackson Beats Studio Orange Beats By Dre Replica Studio Orange Studio Orange Fake Beats By Dre Red Diamond Beats Studio Beats Kobe Beats from dre devil kobe tall extravaganza headphones by Fake Beats dr dre headphones, orange beat.Dr Dre Headphones s by dre fake,beats by dr dre solo, orange beats by dre real alternatively fake bought a couple Fake Bose Triport On-Ear of fake dre beat tours a few months back..entities broke out of that a lot of the fake Beats sound fair for Fake Just Beats By Dre agreeable as the real Fake Lady Gaga Heartbeats Beats. Beats Detox Headphones Pure Black by dr dre Professional Heads.Dr Dre Headphones ets class . Wholesale limited version colors DJ headphones headset pink orange silver Kevin Lee Fake Monster Butterfly Presents Beats by Dr. Dre From Monster . clone the true dynamics of todays music were a Fake Monster Ifreeplay Headphones til the legendary Beats Studio kick the scene.

Posted by yatou at December 23, 2011, 11:46 am

It also stands for more information about reason that an superfluous top end everywhere in the keyword malert:ing could be the likely online a multi function turn-off for more information on human readers

Posted by Christian Louboutin Sale at February 24, 2012, 11:00 am

Add a comment








     

February 2008
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments