VINYL TOYS
February 6, 2008Wahhhhh, ang cute ng bagong labas na vinyl toys ng Burger King. Kaso walang Burger King outlet pala sa SM Clark. SM San Fernando na yung pinakamalapit sa area sa amin, olats.
Kala ko pa mandin e meron sa SM Clark, kakain sana ako dun everyday para lang makumpleto sila, hehe adik!
O, diba? How adorable! Kakagigil sila, hehe!
Sa mga di familiar, here’s some info about vinyl toys.
"For close to 50 years, the world’s toymakers have been using vinyl to make some of the best known and most popular toys and children’s products. There’s a good reason for that choice: vinyl - otherwise known as PVC or polyvinyl chloride - is one of the most thoroughly tested, well-researched plastic materials on the market today. Moreover, vinyl has been carefully and continually examined by the world’s leading governmental health authorities. Those groups, too, continue to give vinyl their approval for even the most demanding and health-sensitive children’s products.
A good safety record isn’t the only reason the toy industry uses vinyl. Its exceptional durability makes it a smart choice for products that must withstand extremely demanding use conditions. Its ability to be formulated in almost infinite ways means that it can be used for both flexible and rigid applications. Its ability to withstand household cleaners means that vinyl toys can easily be kept safe and hygienic. And, its favorable cost gives toy manufacturers a decided advantage in a highly competitive market. But the most important reason lies with the ultimate consumers: parents and their children. Vinyl gives them safe, affordable, durable toys and allows manufacturers to bring them exciting new products quickly and economically."
Eto pa ibang pics. Super cutie nila, argggghhh so cutieeee!
Amazed na naman ako as usual sa details nila, hehe! Galing e. Work of art talaga.
Sarap nilang titigan noh? Hehe!
Kakainggit naman koleksyones nito.
Eto pa isa. Kakalunod din, hehe!
Check out the details. Ang galing!
Eto pa isa.
S’yempre di rin papatalo ito.
Naman. San ba makakaiskor ng mga ganitong toys sa PInas? Kahit sa Ebay.ph, ala akong mahagilap e. Bihirang bihira lang makahanap. Hay, sayang. Gusto ko pa naman sanang magkolek, tsk!
GERMAN SAUSAGE
February 4, 2008Nameet ko na si German textmate kagabi. Actually, kaninang madaling araw to be exact, hehe!
In fairness, ang guapo ng lolo n’yo. He exceeded my expectations. As in dati pala s’yang model sa Germany. Pucha. pwedeeee!!!
And oh, Pinoy by blood pala s’ya. Born and raised lang pala s’ya sa Germany. Pero when you see him, mukhang mixed breed.
Pero sa iba, he looks Brazilian daw. For me, di naman e. Definitely, di s’ya mukhang pure Pinoy pero di ko ma-pinpoint kung ano exactly yung nationality n’ya assuming na wala akong alam whatsoever sa kanya. One thing for sure, he stands out sa crowd.
Prior to our meet-up kanina, I stopped texting him na. (Btw, ung Fil-Greek student ko yung nagbigay ng number n’ya sa akin). When I asked German kase if may gf na s’ya e medyo magulo yung sagot n’ya. Basta may "someone special" daw s’ya. In short parang meron na ewan. So sabi ko sarili ko, pucha, no chance na ‘to.
Medyo suplado din s’ya sa text kaya di rin ako ganun ka-eager magtext sa kanya. Nweiz, there was a time nagtext ako sa kanya at ask ko if busy s’ya. Yup daw sabay hirit ng. "Dis is hs gf". Magsimula nun e di na ako nag-text sa kanya. Yoko na umeksena syempre.
The following day, may nagtext sa akin ng, "Ma’am ______?" I replied, "Yes. Who’s this?" Tapos di na s’ya nagtext. I kept texting him/her pero dedma ever.
At that time, feeling ko German was just checking on me. Kino-confirm siguro if teacher nga talaga ako. Text galore pa rin ako dun sa number pero di na s’ya nagreply. The following day, naka-receive na naman ako ng text from the same number, kesyo gf "daw" s’ya ni German at wag ko na daw s’ya itetext at nawa’y makahanap daw ako ng kamatch ko dahil she met her match na daw kay macho guapitong German. Ako naman e dedma lang at di nagreply. But of couse, ala na akong balak magparamdam nga kay hunk papa dahil yoko ng gulo.
Kay nga nagulat na lang ako kanina nung biglang nagtext s’ya out of the blue at kinukumusta ako. Sakto pa naman e I was out with a friend at nagko-coffee kami at that time. Nagreply naman ako at sinabing tinext ako ng "gf" n’ya kako to stop texting him. At since madali naman akong kausap, di ko na nga s’ya tinext.
He replied and said, "she" did?" As in may quotation marks yung "she" n’ya so on my part, I assumed na just one of his girls lang yung nagtext sa kanya. Tapos yun na, he said na di naman daw n’ya gf yun blah blah blah. Ako naman wala akong paki kung may gf s’ya or wala e. Labas na ako dun.
So yun, text text pa rin kami ng matagal nun. Sakto nung pauwi na ako e nagtext s’ya bigla at meet daw kami. Oks lang naman sa akin pero since wala kaming mapagkayariang ok na usapan e nakauwi na ako’t lahat nung nangungulit s’ya na magkita kami. Tamad na ako that time pero talagang super kulit ang lolo n’yo at napa-oo din ako eventually.
Naintriga pa ako nung dinescribe n’ya sarili n’ya. I asked him kase how he looks like. If mukhang German ba s’ya or Pinoy or mixed breed ba. Mixed daw. Tapos yun, he described himself na. Ito exactly yung text n’ya, "6′0, athletic build, Mr. University finalist 2006". Pucha, my kinda guy siguro ‘to sa loob loob ko, hehe!
Alangan namang palampasin ko yung pagkakataon to meet him, diba? Haha pucha, kaya go, go, go ako nun at bahala na kako. Dinala ko tuloy yung susi sa haws para ako na lang yung magbukas ng pinto. Nagtataka nga si Mama at aalis pa ako samantalang almost 1am na nun. Yari kako sa sarili ko. Pero sabi ko nga after lunch pa naman ang sked ko ngayon so oks lang magpuyat.
So yun, super kabado tuloy ako nung umalis pa ako ng haws. S’yempre dyahe baka super macho at guapo s’ya at di n’ya ako mataypan. Nako-conscious pa mandin ako kase ang taba ko ngayon, huhu!
(Pero at the back of my mind, di rin ako gaanong nag-expect na matitipuhan ko s’ya dahil nadisappoint ako nung nakita ko yung Fil-Greek student ko dati. Kala ko Greek god, very Pinoy pala ang looks at not my type.).
So yun, naghahalo yung kaba at excitement kung matutuwa ba ako pag nakita ko s’ya or madi-disappoint ako. Nung tinanong ko pa mandin s’ya kung ano ang outfit n’ya e gusto n’ya na ako muna yung magdescribe kung ano yung suot ko. Feeling ko tuloy e sisipatin n’ya muna ako from afar at pag di n’ya ako type e di s’ya magpapakita.
Pagdating ko tuloy sa tagpuan e nakita ko na s’ya malayo pa based on his clothes. Yun nga lang, di ko gaanong makita yung itsura n’ya dahil medyo madilim. Nung medyo naaaninag ko na s’ya e nakita ko rin s’ya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy ako lalo, wahhhhh! Naka-miniskirt pa mandin ako nun.
Pero naman tsong, nung tumabi na ako sa upuan n’ya at makita ko na ang face value n’ya e super jackpot ako sa loob loob ko, haha! Ang guapo! As in! He exceeded my expectations!
Yun nga, mixed breed ang dating n’ya. Makinis, ang tangos ng ilong, etc. Tapos yun, very European ang upbringing. Walang paligoy-ligoy magtanong.
Wow mali pa nga ako kase English ako nang English sa kanya sa text at sa personal. Walastik, he speaks Tagalog and Kapampangan fluently pala, haha olats! Yun nga lang, parang strange for me at first to speak to him in Kapampangan and Tagalog. Parang di bagay sa kanya, hehe!
Nung una e, halo-halo kaming mag-usap. English, Tagalog and Kapampangan. Pero we settled for Kapampangan in the end.
Nweiz, back to what I was saying, ayun, very straightforward s’ya. As in the first time we met, he asked me something kagad pero secret na lang yun kung ano, haha pucha pa-tweetums pa ako sa sarili kong blog, haha plastic!
Tapos yun, chika chika muna at first. Tapos na-mention nga n’ya sa akin na kala daw n’ya nung una e "gay" ako, hehe!
Tapos yun, chika…and more chika ever kami nun. Then he asked me if I wanna go for a walk. Ako naman e masunuring bata kaya oks lang naman sa akin, hehe! So yun, chika at walk galore kami nun tapos yun…secret na lang kung ano ang mga sumunod na pangyayari, hehehe!
……….Nung tapos na kami e he asked me if nagyoyosi daw ba ako. Sabi ko minsan, pag trip ko pero ina-avoid ko as much as possible kako. Then nilabas n’ya Marlboro Lights n’ya at magyosi daw kami. Inabutan n’ya kagad ako ng isang stick. Habang nagyoyosi kami e tumambay muna kami sa daan at umupo dun. Tapos pinakita n’ya mga pix sa phone n’ya. Family, friends, ex-gf et al.
Pinakita din n’ya sa akin yung mga pix n’ya nung super ganda pa katawan n’ya. Naman, the abs, etc. Tumaba na nga raw s’ya ngayon. In fairness, maganda pa rin naman katawan n’ya ngayon pero kung iko-compare sa dati n’yang katawan e mas oks yung dati. Pero pagdating sa face value talaga, wala akong maipipintas. Parang ang sarap n’yang titigan na lang maghapon at magdamag, hehe!
Nabanggit ko nga din sa kanya na comfy kagad ako sa kanya. Di kase s’ya maere. Tapos wala nang paligoy-ligoy kung magsalita. Very upfront baga.
Sa tingin ko naman e comfy din naman s’ya sa akin. Nagulat nga ako nung malaman ko na teacher din pala s’ya. At naman, same university pa kami nagwo-work pala. Hehe small world! (Nabaggit na pala sa akin ni Fil-Greek student dati pero di ko narinig maigi siguro).
Pilit nga n’ya akong kinukulit kung sino yung nagbigay nung number n’ya sa akin pero yoko talagang sabihin, hehe! Nag-promise kase ako kay Fil-Greek student na never kong babanggitin yung name n’ya kahit na ano’ng mangyari. Yoko kaseng sumabit s’ya.
Tapos yun, nag-confide naman sa akin ni German na yung "special someone" na tinutukoy n’ya e ex-gf n’ya pala. But of course, I pretty much expect na marami s’yang "friends with benefits". Pucha, kung ganun ka ba naman kaguapo at macho, why not, diba? Dapat shine-share yung mga ganung blessings sa iba, haha lol!
(Minsan, naiisip ko, di kaya ako lumaki sa Europe? Haha!)
In summary, oks naman ang aming pagkikita. Hanggang sa susunod uli. That is, kung may susunod pa, hehe! Hmmm ano kaya? Hehehe!
MY GASHAPON BABIES
February 2, 2008Drum roll pls…I’m presenting my gasha babies for the first time. Haha pucha, parang launching movie e. (Btw, halo-halo na bale sila. Gasha, keychains, anime, Disney stuff, etc.).
Another shot of my gasha lot. Same same lang, hehe!
Made by Bandai, Tomy, Tomytec, Yujin, etc. sila.
Teka, huling hirit na ‘to, hehe!
Close-up shots naman tayo this time.

Ang ku-cute nila noh? Kakagigil, hehe!
Lipat naman tayo dun sa middle area.
Right side naman tayo.
Kulang pa sila yung lagay na ‘to. And among my toys, gasha ang mga faves ko. Naastigan kase ako sa details nila. Nakaka-amaze dahil very meticulous ang pagkakagawa.
Actually, may gusto nga akong bilhin na gasha aside from Ikkitousen (yung mga boobsie galore na gasha). Kamukha ko daw kase yung isang anime gal sabi ng cuz at niece ko. Aliw siguro yun kase parang mini-me, hehe! Kaso 450 ang pucha. Pero pag-iisipan ko muna kung buy ko s’ya pero malamang e hindi. Napakamahal naman kase magbenta nung seller na yun sa Ebay. (Walastik, 450 per piece ang gasha n’ya, yaiks!)
Olats nga lang at wala akong matyempuhan na gasha sa garage sale malapit sa subdivision namin. Tiba-tiba sana ako, tsk! Medyo mahal kase sila. As in super tipid ako ngayon at tinitiis ko wag bumili ng mga luho ngayon. (so goodbye, bags/accessories/belts, etc. muna ang drama ko ngayon). Toys ang pinakaluho ko ngayon, hehe!
Syet, tinamaan na ako ng gasha mania, hay…Pero tsong, I love ‘em kaya sulit naman ang gastos ko pag nakikita ko sila.






























