THE 15-MINUTE NOSE JOB
March 17, 2008Just watched "The Rachael Ray Show" kanina. I was amazed with the non-surgical nose job. As in agad kong naisip si Ate, hehe!
Habang pinapanood ko nga yung segment ne "The 15-Minute Nose Job" e naalala ko din si Lani Misalucha. I guess yun yung pinagawa n’ya sa nose n’ya kaya very natural-looking ang kinalabasan. "Calcium" kase ang ini-inject sa nose. At good for 1 year s’ya.
The procedure looks easy, painless and safe. Lalagyan lang ng cream yung nose para maging numb then iinject na yung "calcium chorva" sa nose. And voila, instant kagad ang effect! Sabi nga ni Rachael Ray e 2 minutes lang daw at makikita mo ang results, hehe! (May sinampolan kase yung doctor sa show while tangan-tangan n’ya yung kamay nung girl for support, hehe!).
In fairness, pati ako na-amaze sa resulta. Very natural-looking kase. Parang gusto ko rin tuloy, hehe! Weird kase di pa ako kuntento sa nose ko, hehe vain!
Pero actually, madalas mabati yung ilong ko. Matangos daw, hehe! As in kahit pati strangers, lagi akong sinasabihan na matangos daw ang aking nose.
One time nga e tinanong ako nung bagong aesthetician sa derma ko if totoo daw ba ilong ko. Alangya, di ko tuloy alam kung compliment yun or insulto, hehe! Nabanggit n’ya na ang tangos daw kase ng ilong ko. (or baka biglang kambyo lang s’ya noh? Haha!) Sabi ko nga sa kanya, natural yung akin sabay lapirot ng ilong ko, hehe!
Eto latest pic ko. Di pa ako kuntento sa ilong ko e. Parang malapad sa harap, haha! Alangya, inokray yung sarili e, hehe!
I mean, pwede na rin ang nose ko. Pero kung may mai-improve pa s’ya e why not, diba?
Nweiz, check out this 15-minute nose job vid from Youtube. S’ya yung doctor na napanood ko sa Rachael Ray Show. May extrang Pinay pa na kliyente, hehe!
Pwedeeee, diba? Makikita kagad ang results. Magkano kaya ang ganyang procedure sa Pinas? Gusto ko din.
BAG-AHOLIC ME
March 15, 2008Alam ng mga friends ko na bags at accessories ang mga faves ko. For bags, I want them funky or structured or what-have-you. Depende sat trip baga.
Unlike my Ate who’s into high-end bags like LV, Gucci, etc, ako naman e simpleng babae lang, hehe! (Palibhasa walang pambili, haha!). Ang trip ko naman e mga unique at hard-to-find bags. Artsy fartsy bags, in short.
Sakto pa naman ang pinagawan ako ng customized bag holder niMama. It has 4 layers. May 3 holders kada layer kaya naman ang dami talaga pwedeng ilagay.
Idea ni Mama ‘to. Sandamakmak kase mga bags ko at hilig ko pa mandin ang magpapalit-palit ng bag araw-araw kaya minsan e parang dinaanan ng bagyo ang kuwarto ko dahil di ako makapag-decide kung ano’ng bag ang gagamitin ko. Voila, bag organizer lang ang katapat n’ya, hehe!
As in nagulat na lang ako one day nung bumulaga sa akin yung pina-customize n’ya na bag holder for me. Na-mention na kase n’ya sa akin dati pero di ako ganun ka-eager kumuha at dedma lang ako. Yun pala, pinagawa na pala n’ya kahit wala pang go-signal ko, hehe! In fairness, sulit naman pala, hehe!
Of course, iba iba ang style ng bags na trip ko.
I have some funky ones tulad ng mga ito.
Old skul bags. (except the Tenshi Neko).
Beatles bag. Hanep sa hairstyle, hehe!
My fave Minmie bag.
Statement bags.
Metallics.
Leopard at zebra prints.
Something graphic.
Crocodile skin.
Snakeskin.
Sampols lang ang mga yan. Tamad na ako kunan yung iba ko pang bags, hehe!
Gusto ko ring magkaroon ng anime bag, Harajuku Lovers at Andy Warhol bags kaso ang hirap makahanap sa Pinas. Mayayari ako sa shipping kung bibili pa ako abroad, hay…
Nweiz, eto pa isang shot ng bag organizer ko using a different light. Alang pakialamanan, hehe!
VINTAGE LOVER
March 12, 2008Obviously, mahilig ako sa mga unique stuff. Vintage, old skul, rare items, etc.
Eto ang ilan sa mga koleksyones ko.
Accessories muna at oversized sunnies (aka bubuyog shades) , hehe!
As in galing pa sa Mommy ko yung 3 brooches. (yung 2 Victorian types at yung black brooch).
Eto naman ang mga old skul bags ko. (except the Tenshi Neko).
Rare ang mga ganitong bags nowadays pero binebenta ko sila, hehe! That is, kung may interesadong bumili. I bought them online kase pero maliit pala sila for me. Dapat e maliit na babae ang gagamit para mas oks. But then, oks lang kahit itago ko na lang sila for myself. Koleksyones na lang ang bagsak nila, hehe!
Next is my Elvis Presley fridge magnets. Classic din ito. Si Daddy ang unang pumasok sa isip ko nung binili ko ito. Idol n’ya kase si Pareng Elvis.
Back view.
Ibibigay ko na lang ito kay Daddy tutal e may koleksyones sila ng sandamakmak na fridge magnets sa Tate. Olats nga at di ko mahanap yung Elvis Presley pendant ko, hay…Saan kaya napadpad yun? Na-misplace ko, hay…
In fairness, considered vintage na rin yang Marilyn Monroe pendant ko. I guess pati na rin yung Ninoy popart, Imelda Marcos et al pendants ko. (Bala magtampo e, hehe!)
Eto pa si Mareng Audrey Hepburn together with my Jap art drawings na pina-customize ko into pendants.
Eto pa ang kung anik-anik. Old skul din.
Of course, I have some vintage toys too pero napost ko na yung iba sa blog ko. Pero di ko pa naipo-post yung one of my great buys na rare 1989 Tomy Boxing Part 2. Tsaka na lang yun, hehe! Di ko pa kase nakukunan ng vid.
Speaking of vintage, ewan ko ba pero biglang kong na-appreciate ang mga oldies but goodies songs ngayon. Impluwensya ni Daddy, hehe! Lagi n’ya lase kinakanta ang mga lumang songs sa Magic Sing. At wag ka, gumawa pa s’ya ng sarili n’yang listahan para ready na s’ya bumanat ng kanta anytime, hehe adik!
Ito ang current playlist ko sa Friendster. Mga fave songs ni Daddy. Weird nga kase nung napakinggan ko yung "Are You Lonesome Tonight?" version ni Elvis Presley e parang mas nagandahan pa ako sa cover ni Daddy. Haha ewan ko ba, di ko alam kung biased ba ako or what. Or baka stage daughter ako, hahaha!
Check out my "oldies but goodies" playlist, hehe!
http://jonnahjill.imeem.com/playlist/P6pRWEn5/oldies_but_goodies_music_playlist/
Pucha, di ko ma-embed, grrrrr! Paki-click na lang, hay…
Ganda naman yung music, diba? Sakto sa entry ko ngayon, hehe!
MANGA BABES
March 8, 2008At dahil alang magawa kanina dahil brownout e naisipan ko na lang mag-drawing out of the blue. Matagal na kase yung last na na drinaw ko . Ang gusto ko sana at first e magkulay na lang kaso di ko makita ang mga oil pastels ko kaya naisipan ko na lang kopyahin yung isang page dun sa bagong Manga book ko.
In fairness, sulit ang pera ko sa Manga book na ito. Puro anime babes, hehe my kinda thing. It has 64 color pages of anime gals plus a peek on Yasuyuki Trurugi’s sketchpad.
May bibilhin pa sana akong Manga book sa NBS nun kaso pagbalik ko, wala na yung book na gusto ko, huhu! Dapat binili ko na s’ya the first time I saw it. Medyo gutay-gutay na kase yung pages pero overall, type ko yung mga drawings. Hay sayang din yun.
Nweiz, eto ang first attempt ko na mag-draw ulit ng Manga after a damn long while.
Medyo palpak yung right side na anime babe. Kinulangan kase ako ng space kaya magulo yung pagkaka-draw ng hair n’ya. (Ito ang number one prob ko pag nagda-draw, hirap ako sa pagtantya ng space). But then, oks na rin ito. Magpa-praktis na lang ako at try ko mag-draw atleast one manga babe once a week.
According to Sandy bebe naman e oks na raw yung drawing ko. Ang galing ko daw, haha! Fan ko talaga ang pamangkin ko, hehe! Eto nga at busy din s’ya sa pagda-drawing habang nagba-blog ako, hehe! At wag ka, dun din s’ya sa sketchpad ko nagda-draw, hehe!
Hay…Manga…so colorful…so cutie…Actually, I’m a manga artist wanna-be, hehe! Pero ewan, la yata akong chance sa art na ito. Pahirapan lagi sa pag-drawing ng face value nila especially the eyes, hay…Pero sabagay, habang may buhay, may pagasa. Libre lang naman ang mangarap, hehe!




























