VINTAGE LOVER
March 12, 2008Obviously, mahilig ako sa mga unique stuff. Vintage, old skul, rare items, etc.
Eto ang ilan sa mga koleksyones ko.
Accessories muna at oversized sunnies (aka bubuyog shades) , hehe!
As in galing pa sa Mommy ko yung 3 brooches. (yung 2 Victorian types at yung black brooch).
Eto naman ang mga old skul bags ko. (except the Tenshi Neko).
Rare ang mga ganitong bags nowadays pero binebenta ko sila, hehe! That is, kung may interesadong bumili. I bought them online kase pero maliit pala sila for me. Dapat e maliit na babae ang gagamit para mas oks. But then, oks lang kahit itago ko na lang sila for myself. Koleksyones na lang ang bagsak nila, hehe!
Next is my Elvis Presley fridge magnets. Classic din ito. Si Daddy ang unang pumasok sa isip ko nung binili ko ito. Idol n’ya kase si Pareng Elvis.
Back view.
Ibibigay ko na lang ito kay Daddy tutal e may koleksyones sila ng sandamakmak na fridge magnets sa Tate. Olats nga at di ko mahanap yung Elvis Presley pendant ko, hay…Saan kaya napadpad yun? Na-misplace ko, hay…
In fairness, considered vintage na rin yang Marilyn Monroe pendant ko. I guess pati na rin yung Ninoy popart, Imelda Marcos et al pendants ko. (Bala magtampo e, hehe!)
Eto pa si Mareng Audrey Hepburn together with my Jap art drawings na pina-customize ko into pendants.
Eto pa ang kung anik-anik. Old skul din.
Of course, I have some vintage toys too pero napost ko na yung iba sa blog ko. Pero di ko pa naipo-post yung one of my great buys na rare 1989 Tomy Boxing Part 2. Tsaka na lang yun, hehe! Di ko pa kase nakukunan ng vid.
Speaking of vintage, ewan ko ba pero biglang kong na-appreciate ang mga oldies but goodies songs ngayon. Impluwensya ni Daddy, hehe! Lagi n’ya lase kinakanta ang mga lumang songs sa Magic Sing. At wag ka, gumawa pa s’ya ng sarili n’yang listahan para ready na s’ya bumanat ng kanta anytime, hehe adik!
Ito ang current playlist ko sa Friendster. Mga fave songs ni Daddy. Weird nga kase nung napakinggan ko yung "Are You Lonesome Tonight?" version ni Elvis Presley e parang mas nagandahan pa ako sa cover ni Daddy. Haha ewan ko ba, di ko alam kung biased ba ako or what. Or baka stage daughter ako, hahaha!
Check out my "oldies but goodies" playlist, hehe!
http://jonnahjill.imeem.com/playlist/P6pRWEn5/oldies_but_goodies_music_playlist/
Pucha, di ko ma-embed, grrrrr! Paki-click na lang, hay…
Ganda naman yung music, diba? Sakto sa entry ko ngayon, hehe!















