BAG-AHOLIC ME
March 15, 2008Alam ng mga friends ko na bags at accessories ang mga faves ko. For bags, I want them funky or structured or what-have-you. Depende sat trip baga.
Unlike my Ate who’s into high-end bags like LV, Gucci, etc, ako naman e simpleng babae lang, hehe! (Palibhasa walang pambili, haha!). Ang trip ko naman e mga unique at hard-to-find bags. Artsy fartsy bags, in short.
Sakto pa naman ang pinagawan ako ng customized bag holder niMama. It has 4 layers. May 3 holders kada layer kaya naman ang dami talaga pwedeng ilagay.
Idea ni Mama ‘to. Sandamakmak kase mga bags ko at hilig ko pa mandin ang magpapalit-palit ng bag araw-araw kaya minsan e parang dinaanan ng bagyo ang kuwarto ko dahil di ako makapag-decide kung ano’ng bag ang gagamitin ko. Voila, bag organizer lang ang katapat n’ya, hehe!
As in nagulat na lang ako one day nung bumulaga sa akin yung pina-customize n’ya na bag holder for me. Na-mention na kase n’ya sa akin dati pero di ako ganun ka-eager kumuha at dedma lang ako. Yun pala, pinagawa na pala n’ya kahit wala pang go-signal ko, hehe! In fairness, sulit naman pala, hehe!
Of course, iba iba ang style ng bags na trip ko.
I have some funky ones tulad ng mga ito.
Old skul bags. (except the Tenshi Neko).
Beatles bag. Hanep sa hairstyle, hehe!
My fave Minmie bag.
Statement bags.
Metallics.
Leopard at zebra prints.
Something graphic.
Crocodile skin.
Snakeskin.
Sampols lang ang mga yan. Tamad na ako kunan yung iba ko pang bags, hehe!
Gusto ko ring magkaroon ng anime bag, Harajuku Lovers at Andy Warhol bags kaso ang hirap makahanap sa Pinas. Mayayari ako sa shipping kung bibili pa ako abroad, hay…
Nweiz, eto pa isang shot ng bag organizer ko using a different light. Alang pakialamanan, hehe!



















