Home » Archives » April 2008

JAP ART

April 29, 2008

At dahil sa tinatamad akong mag-blog lately, patalastas na lang muna. Post ko mga drawings ko 48 years ago, hehe! As usual, Jap art na naman, my fave. :)

Di sila kagandahan compared sa ibang mga nagawa ko pero pwede na rin. Tutal naman e makikisilip lang naman kayo sa sketch pad ko kaya pagtyagaan n’yo na lang, hehe! :P

Ang una e Rated PG, hehe! ;)

In fairness, ang dumi n’ya, huh? Kumalat kase yung pencil chuva at nadumihan yung sides. Nabasa pati s’ya ng kung ano before.  Di ko na rin binura yung mga dumi at basta kinunan ko na lang ng pic, hehe tamad! 

Next ay isang Sumo wrestler na naman. Ito yung pinakapanget sa mga ginawa ko, I think. Niremedyuyuhan ko na lang kase yung sides at nilagyan ng kung anik-anik para magamit yung empty space.

There you go. Hay ang dumi na nila. Tagal kase natambak at nabasa pa, tsk!  

Posted by barenaked at 4:58 pm | permalink | Add comment

TANGINANG MGA SNATCHERS NA YAN!

April 12, 2008

guys, be careful. na-snatch bag ko kanina at around 2:30am. and guess where? sa putragis na subdivision panamin! as in i was a few steps away nalang sa amin…

modus operandi: habang naglalakad ako emay 2 lalakeng naka-motor na nagtanong
sa akin kung may kakilala daw ba ako namichelle na naka-pajero. feeling ko they
were referring to my ate na michelle angname kaso crv ang sasakyan nya. but just
the same, sabi ko di ko alam. ako pa nga yung nagmagandang loob at tinanong ko
kung ano’ng street ba hanap nila. they mentioned our street at sabi ko nga diretso lang kako. nagpa-thank you pa ang mga mokong. ako naman si gaga, kampanteng naglakad na pauwi at tipong nakaka-6 steps pa lang nang biglang narinig ko’t naramdamang may bumaba sa motor kahit di ko kita. bigla na lang may humahablot sa bag ko. di ako normally matapang sa ganyan but because of the adrenaline rush e lumaban ako’t pilit na inaagaw bag ko. surprisingly, di ako sumigaw ng "magnanakaw" or "snatcher". ang sinisigaw kong pangalan e "daddy". nasanay kase ako na lagi nagpapahangin sa labas si daddy or bukas ang pintuan kaya "daddy" yung sinisigaw ko. kami naman nung snatcher e nag-aagawan pa rin sa bag ko. sa sobrang
pwersa nga e natanggal yung handle ng bag ko. sigaw pa rin ako nang sigaw kaya
pilit n’ya tinatakpan ng kamay yung bibig ko para di ako marinig ng mga neybors. pero nanghina na ako nung matanggal yung handle ng bag ko. dun ko din na-realize na delikado na at baka may dala silang panaksak or something. humahagulgol tuloy ako nung nakita ko silang humarurot na paalis…

 

dun na nagising sila daddy at biglang lumabas ng bahay. sa sobrang hagulgol ko nga e narinig ako ng ate at lola ko na umiiyak kahit bukas ang aircon sa room namin. nanlalambot ako na ewan…ang sakit ng katawan ko…pagtingin ko e ang dami ko palang sugat at galos sa mukha, tuhod, paa, kamay at siko… :(

 

napaupo na lang ako sa labas at di pa rin makapaniwala…humahagulgol pa rin. wala akong pakialaman kahit nagising yung ilan sa mga neybors namin. tulo lang nang tulo mga luha ko…my ate hugged me at pilit akong kino-comfort na buti na lang daw at bag ko lang yung tinangay. atleast daw e safe ako. pinapasok na rin n’ya sa bahay at kumuha ng gamot at s’ya mismo naglagay ng gamot sa mga galos at sugat ko…nakaka-touch na ewan…halo-halo na emotions ko nun…shock, inis, nerbyos, etc. nun lang ako umiyak nang ganun sa tanang buhay ko…

 

i started calling some of my friends. dun ako sa may gate namin nakapwesto.
nakaka-trauma na ewan…may nakita lang ako lalake na naglalakad sa daan e
ninenerbyos ako. feeling ko may gagawin sa akin…

 

eto tuloy at sinabihan na naman ako sa amin na magdala ng sasakyan. tamad kase
ako magdrive at di ko talaga hilig…

 

di pa naman ako nag-trike nun dahil di ako sanay na nagta-trike kahit disoras na ng gabi. nasa teritoryo ko kase ako…feeling ko safe ako kaya no need…

 

natangay ang fave everyday snakeskin bag ko…wallet na may lamang 3-4k cash,
driver’s license, ids at atm ko. and oh, my kikay kit, wahhhhh! andun ang pang-everyday make-up ko. loyal pa naman ako sa mga brands na yun. nawala din
yung isang hikaw ko. natanggal yung design. hook na lang yung natira sa isa…kanina nga raw e nakita ng neybor ko yung nawawalang hikaw ko sa daan, basag daw, hay…buti nga at di nakuha cp ko. i’m not sure if hawak ko s’ya sa isang kamay ko or nakalagay sa bulsa ko that time. malamang e nasa bulsa ko dahil baka nabitawan ko yun kung nag-aagawan kami nung snatcher sa bag ko.

 

2:30am nangyari kanina ito pero hirap akong makatulog..maaga din ako nagising…sakit din ng katawan ko. sakit nung mga sugat ko sa kamay at paa. buti nga at nagalusan lang ng konti yung mukha ko. but more than anything, very
traumatic yung experience. pag nakita ko yung hayup na nagda-drive ng motor na
nagsilbing look-out e mamumukhaan ko s’ya. takshapo! bisa kung mamalbal pinggan! hayop ang mga puke ng inang walang magawa sa buhay…adik, tamad, walang future, watever…hay…:(

 

 

Posted by barenaked at 12:52 pm | permalink | comments[13]

     

April 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments