Home » Archives » May 2008

NAIL ART

May 29, 2008

Nagpa-nail art ako 2 days ago. First time ko. Satisfied naman ako sa kinalabasan. 

Koreana ang gumawa sa nails ko. Hirap nga s’ya dahil very short ang nails ko. Actually, partida na nga yan kase di pa nga sila pudpod yang lagay na yan. Yoko pa naman magpahaba ng nails dahil ang hirap ng maintenance plus the fact na naggigitara ako’t sagabal lang sila.  

P15 each nails so bale 150 lahat. 

O, diba? Ang landi, hehe!

This is me and my nail art. Malabo nga lang ang shots, hay…

 

Eto nga’t gusto ko tuloy karirin, hehe! As in bumili ako ng pang-nail art ko din. Pinagpapraktisan ko nga mga co-teachers ko ngayon. Eto ang sampol.

Ako yung gumawa nung sa co-teacher ko sa right side while yung student ko na mahilig magbutingting yung gumawa dun sa black painted nails. Malabo lang ang pagkakakuha but they’re much nicer in actual. Alangya, nagbuhat na talaga ako ng sariling bangko noh? Hehe! 

I’m thinking of putting up a nail art biz nga. Perfect s’ya for me since mahilig ako sa mga kaeklatan at makukulay na kung anik-anik. Medyo takot ako’t baka mag-flop.

Pero sa tingin ko naman e malaki ang market for nail art. Nung una pa nga e gusto ko bumili ng digital nail art machine but I heard na out na raw ang digital sa Korea. They prefer yung mano-mano style since mas natural daw yung dating plus mas maraming choices daw sa designs. 

Di ko pa nata-try yung digital though. Ita-try ko s’ya one of these days to see for myself. Walastik naman kase, dapat talaga digital yung first ever nail art chuva ko. Yun nga lang wala daw yung boss ng mga peeps sa salon kaya yun lumipat tuloy at nagdecide na sa mall na lang pumunta. And the rest is history ika nga, hehe! 

Prior to my nail art chuva e bumili naman ako ng nail art stickers. Mumurahin lang sila, hehe! Gusto ko lang masampol. Eto sila. ]

Di natural yung dating at halatang stickers lang sila pag malapitan, hehe! Ang hirap pang tanggalin at parang bumabaon sa nails after, olats.  Gotta try the digital thing asap para makita ko yung difference sa personalized nail art.

Hay ano kaya? Papasok na ba ako sa nail art biz? I wanna do biz with Koreana e. Ite-train daw n’ya ako if I want plus may starter kit chuva na included na reasonable naman yung price for me. Ewan, bahala na…As of now e praktis muna ako. Pagpapraktisan ko yung toenails ko tutal e kaka-pedicure ko lang ng black. Gagayahin ko yung design sa fingernails ko. Sana wag pumalpak. Goodluck sa akin, hehe!  

Posted by barenaked at 7:51 pm | permalink | comments[15]

EYELASH EXTENSION

May 19, 2008

Finally, nagpa-eyelash extension na ako nun Friday kahit bumabagyo na’t lahat, hehe! Nagpa-hand paraffin din ako habang inaayos mga pilimata ko, hehe ang arte! 

Nweiz, ok naman ang kinalabasan. 

O, diba? Ang taray, hehehe!

Abot hanggang Zimbabwe ang pilikmata, hehehe!  

Aliw kase matagal ko nang pangarap na magkaroon ng mga nakapilantik na eyelashes and voila, eto na, natupad na sa wakas, hehehe!

Yun nga lang feeling ko e di masyadong halata pag nakaharap ako. Yun nga lang pag naka-side ako, talagang super pilantik ever sila, hehehe aliw!

Yun nga lang feeling ko biglang nabuhay ang mga mata ko. Naka-fold kase ang eyelids ko, hehe! Pero ngayong naka-extension ako e parang umaaliwalas daw bigla ang mukha ko at lumaki daw mga mata ko.

Feeling ko nga e parang naka-eyeliner ako, hehehe ang landi!

Aliw pati dahil ka-pilimata ko na yung mga toys ko, specifically yung mga Furbys ko, hehe! Sabi nga ng friend ko, parang sa anime daw itsura ko ngayon, hehe nice! Anime baby.

Pati nga 8yo niece ko na si Sandy e aliw na aliw at hinawakan pa n’ya mga pilikmata ko dahil di n’ya mapigilan. Lagi n’ya pati ako pinipicturan sa cp ko lalo na pag naka-side ako. Halatang halata kase pag ganun yung anggulo ko.

Yun nga lang medyo naninibago pa ako as of now. Hirap ako pag naliligo at naghihilamos. Pero sabi nila e sa una lang daw yun.

As of now e 4 na kaming teachers sa work na naka-eyelash extension. Hehe pahabaan ng pilikmata. 

Actually, gusto ko pa ngang mag-contact lens e. Haha todo na ang kaartehan ko talaga. Gray pa ang gusto kong color. Mukhang carry ko naman daw. Wish ko lang marunong akong maglagay at magtanggal, hehe di ko pa kase na-try ever.

Hehe goodluck sa akin. Contact lens naman ang next na puntirya ko.

In fairness, ang konti ng pix ko noh? Haha adik! Naaaliw kase talaga ako sa mga pilikmata ko ngayon. Ni hindi nga ako makapagpa-eyelash perm dati dahil wala rin namang ipe-perm kung sakali. Maigsi kase talaga. Nagmana ako kay Mommy. Sigh. 

Pero thank God for salons who offer eyelash extension. Solb na ang problema ko, hehe! Para pa akong eng-eng minsan kase feeling ko di masyadong halata mga pililmata ko pag nakaharap ako kaya pag nagsasalamin tuloy ako e nagsma-smile ako para lumitaw talaga, haha adik!

At talaga namang ako na nga model, ako pa photographer sa mga pix ko na ito. Hehe kinarir!  

Oks yung over-all impact n’ya kase it nakakaaliwalas ng mukha. Yun nga lang, medyo di pa ako comfy sa kanila. Eventually siguro e magging ok din ang lahat. Makabalik nga sa salon next week for a retouch, hehe let’s see…Contact lens na lang  ang kulang…Haha karir mode sa kaartehan talaga, hehe!

Posted by barenaked at 7:16 pm | permalink | comments[13]

MY NTH BDAY

May 3, 2008

Kahapon ay nth bday ko. Secret na lang sa mga di nakakaalam, haha! Yoko kase ipagkalat, dyahe, hay…

Nweiz, oks naman ang bday celeb ko. In fairness, di ako stressed or badtrip or whatever nun. I hate my bday kase. For some reasons kase e laging may palpak pag bday ko during the last few years.  In fairness, this year e oks naman. :)

However, medyo alanganin nung bisperas ng bday ko. Badtrip na badtrip kase ako nun at parang nakikinita ko na na may hassle na naman sa bday ko this year.

Sakto pa naman at may pasok  nung mismong bday ko. As in sa sobrang bwisit ko nga e gusto ko na umabsent nun at magpa-sub na lang sa mga klase ko. Nagkataon lang na may meeting kami nun kaya yun, pumasok na rin ako.  Buti naman at naayos lahat ng aberya at naging smooth naman ang special day ko.

Lagi ko ngang sinasabi na di naman ako naghahangad ng kung anu-ano sa bday ko. Sabi ko nga kay Lord na sana e ibalato na lang n’ya ang bday ko sa akin. Na day ko yun, na moment ko yun at sana e maging ok ang lahat lahat. Buti naman at di ako nabigo this year. 

Kaka-touch pa kase binilhan ako ng cake ng mga co-teachers ko. Surprise baga nila sa akin nung lunchbreak namin. Nagkataon pa manding la ako datung kaya yun, sabi ko next week na lang ako manlilibre, hehe wow mali! 

Sa bahay naman e may konting salo-salo kami. Actually, di ako naghahanda talaga pag bday ko. Di ko trip yung ganun. Basta may spaghetti e oks na ako. 

Pero this year e iba ang menu, hehe! Nag-decide na lang ako na bumili ng palabok para di na magluto si Mama.

Yung sisig, lechon manok at cake e sagot ng mga kapatid ko. 

O, diba? Solb kahit papano. Kahit konti lang yung food e masarap lahat. Wala akong tulak kabigin, hehe!

After naman ng celebration sa house namin e lumarga pa ako, hehe! Enjoy as usual. :)

Pagkagising ko naman the following day e nagulat ako’t may Air 21 package akong nakita sa table namin. Nagulat ako since ako lang naman yung umoorder OL sa amin at wala naman akong inorder lately. Dali-dali ko tuloy tiningnan kung sino yung sender at voila, from an Ebay seller pala na binibilhan ko ng toys like Furbys at Tamagotchis. 

Nice noh? How thoughtful! May gift s’ya for me. :)

Alam n’ya kase na na-snatch ako nung minsang tinext n’ya ako’t ininform na may Tamagotchi s’ya na for sale. Nabanggit ko tuloy na tipid mode muna ako. Humirit s’ya na baka bigay na lang daw n’ya sa akin yung mga Keroro n’ya na for sale. 

Kala ko naman e nagbibiro lang s’ya nun. One time naman e tinext ko s’ya dahil nakita ko mga Tamagotchi stuff n’ya na for sale sa Ebay.  Tapos he asked me kung ano daw ba gusto ko, kung Sakura or Tamagotchi. Sabi ko Tama dahil rare sila sa Pinas. Kaya naman parang bata akong tuwang-tuwa kanina nung pagbukas ko ng package ko’t nakita gift n’ya sa akin.

Binigyan n’ya ako ng Tamagotchi trading cards.

 

Closer shot.

May mga cards din from different anime like "Ah My Goddess" at "Sakura".

Closer view.

Card book for the trading cards.

Sailormoon bag.

At Keroro.

O , diba? Ang saya saya, hehe!

Alangya, para akong bata noh? Hehe! I love Tamagotchi stuff kase colorful sila. Basta yun, mahilig ako sa mga makukulay na kung anik-anik.

Tsaka kahit ano pa gift na laman nung package, ma-aappreciate ko. Unexpected kase talaga. Kaka-touch. :)

So, there you go, naging "Happy Bday" talaga. :)  

Posted by barenaked at 11:27 pm | permalink | comments[14]

     

May 2008
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments