MY NTH BDAY
May 3, 2008Kahapon ay nth bday ko. Secret na lang sa mga di nakakaalam, haha! Yoko kase ipagkalat, dyahe, hay…
Nweiz, oks naman ang bday celeb ko. In fairness, di ako stressed or badtrip or whatever nun. I hate my bday kase. For some reasons kase e laging may palpak pag bday ko during the last few years. In fairness, this year e oks naman.
However, medyo alanganin nung bisperas ng bday ko. Badtrip na badtrip kase ako nun at parang nakikinita ko na na may hassle na naman sa bday ko this year.
Sakto pa naman at may pasok nung mismong bday ko. As in sa sobrang bwisit ko nga e gusto ko na umabsent nun at magpa-sub na lang sa mga klase ko. Nagkataon lang na may meeting kami nun kaya yun, pumasok na rin ako. Buti naman at naayos lahat ng aberya at naging smooth naman ang special day ko.
Lagi ko ngang sinasabi na di naman ako naghahangad ng kung anu-ano sa bday ko. Sabi ko nga kay Lord na sana e ibalato na lang n’ya ang bday ko sa akin. Na day ko yun, na moment ko yun at sana e maging ok ang lahat lahat. Buti naman at di ako nabigo this year.
Kaka-touch pa kase binilhan ako ng cake ng mga co-teachers ko. Surprise baga nila sa akin nung lunchbreak namin. Nagkataon pa manding la ako datung kaya yun, sabi ko next week na lang ako manlilibre, hehe wow mali!
Sa bahay naman e may konting salo-salo kami. Actually, di ako naghahanda talaga pag bday ko. Di ko trip yung ganun. Basta may spaghetti e oks na ako.
Pero this year e iba ang menu, hehe! Nag-decide na lang ako na bumili ng palabok para di na magluto si Mama.
Yung sisig, lechon manok at cake e sagot ng mga kapatid ko.
O, diba? Solb kahit papano. Kahit konti lang yung food e masarap lahat. Wala akong tulak kabigin, hehe!
After naman ng celebration sa house namin e lumarga pa ako, hehe! Enjoy as usual.
Pagkagising ko naman the following day e nagulat ako’t may Air 21 package akong nakita sa table namin. Nagulat ako since ako lang naman yung umoorder OL sa amin at wala naman akong inorder lately. Dali-dali ko tuloy tiningnan kung sino yung sender at voila, from an Ebay seller pala na binibilhan ko ng toys like Furbys at Tamagotchis.
Nice noh? How thoughtful! May gift s’ya for me.
Alam n’ya kase na na-snatch ako nung minsang tinext n’ya ako’t ininform na may Tamagotchi s’ya na for sale. Nabanggit ko tuloy na tipid mode muna ako. Humirit s’ya na baka bigay na lang daw n’ya sa akin yung mga Keroro n’ya na for sale.
Kala ko naman e nagbibiro lang s’ya nun. One time naman e tinext ko s’ya dahil nakita ko mga Tamagotchi stuff n’ya na for sale sa Ebay. Tapos he asked me kung ano daw ba gusto ko, kung Sakura or Tamagotchi. Sabi ko Tama dahil rare sila sa Pinas. Kaya naman parang bata akong tuwang-tuwa kanina nung pagbukas ko ng package ko’t nakita gift n’ya sa akin.
Binigyan n’ya ako ng Tamagotchi trading cards.
Closer shot.
May mga cards din from different anime like "Ah My Goddess" at "Sakura".
Closer view.
Card book for the trading cards.
Sailormoon bag.
At Keroro.
O , diba? Ang saya saya, hehe!
Alangya, para akong bata noh? Hehe! I love Tamagotchi stuff kase colorful sila. Basta yun, mahilig ako sa mga makukulay na kung anik-anik.
Tsaka kahit ano pa gift na laman nung package, ma-aappreciate ko. Unexpected kase talaga. Kaka-touch.
So, there you go, naging "Happy Bday" talaga.





















