Home » Archives » 19. May 2008

EYELASH EXTENSION

May 19, 2008

Finally, nagpa-eyelash extension na ako nun Friday kahit bumabagyo na’t lahat, hehe! Nagpa-hand paraffin din ako habang inaayos mga pilimata ko, hehe ang arte! 

Nweiz, ok naman ang kinalabasan. 

O, diba? Ang taray, hehehe!

Abot hanggang Zimbabwe ang pilikmata, hehehe!  

Aliw kase matagal ko nang pangarap na magkaroon ng mga nakapilantik na eyelashes and voila, eto na, natupad na sa wakas, hehehe!

Yun nga lang feeling ko e di masyadong halata pag nakaharap ako. Yun nga lang pag naka-side ako, talagang super pilantik ever sila, hehehe aliw!

Yun nga lang feeling ko biglang nabuhay ang mga mata ko. Naka-fold kase ang eyelids ko, hehe! Pero ngayong naka-extension ako e parang umaaliwalas daw bigla ang mukha ko at lumaki daw mga mata ko.

Feeling ko nga e parang naka-eyeliner ako, hehehe ang landi!

Aliw pati dahil ka-pilimata ko na yung mga toys ko, specifically yung mga Furbys ko, hehe! Sabi nga ng friend ko, parang sa anime daw itsura ko ngayon, hehe nice! Anime baby.

Pati nga 8yo niece ko na si Sandy e aliw na aliw at hinawakan pa n’ya mga pilikmata ko dahil di n’ya mapigilan. Lagi n’ya pati ako pinipicturan sa cp ko lalo na pag naka-side ako. Halatang halata kase pag ganun yung anggulo ko.

Yun nga lang medyo naninibago pa ako as of now. Hirap ako pag naliligo at naghihilamos. Pero sabi nila e sa una lang daw yun.

As of now e 4 na kaming teachers sa work na naka-eyelash extension. Hehe pahabaan ng pilikmata. 

Actually, gusto ko pa ngang mag-contact lens e. Haha todo na ang kaartehan ko talaga. Gray pa ang gusto kong color. Mukhang carry ko naman daw. Wish ko lang marunong akong maglagay at magtanggal, hehe di ko pa kase na-try ever.

Hehe goodluck sa akin. Contact lens naman ang next na puntirya ko.

In fairness, ang konti ng pix ko noh? Haha adik! Naaaliw kase talaga ako sa mga pilikmata ko ngayon. Ni hindi nga ako makapagpa-eyelash perm dati dahil wala rin namang ipe-perm kung sakali. Maigsi kase talaga. Nagmana ako kay Mommy. Sigh. 

Pero thank God for salons who offer eyelash extension. Solb na ang problema ko, hehe! Para pa akong eng-eng minsan kase feeling ko di masyadong halata mga pililmata ko pag nakaharap ako kaya pag nagsasalamin tuloy ako e nagsma-smile ako para lumitaw talaga, haha adik!

At talaga namang ako na nga model, ako pa photographer sa mga pix ko na ito. Hehe kinarir!  

Oks yung over-all impact n’ya kase it nakakaaliwalas ng mukha. Yun nga lang, medyo di pa ako comfy sa kanila. Eventually siguro e magging ok din ang lahat. Makabalik nga sa salon next week for a retouch, hehe let’s see…Contact lens na lang  ang kulang…Haha karir mode sa kaartehan talaga, hehe!

Posted by barenaked at 7:16 pm | permalink | comments[20]

     

May 2008
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments