NAIL ART
May 29, 2008Nagpa-nail art ako 2 days ago. First time ko. Satisfied naman ako sa kinalabasan.
Koreana ang gumawa sa nails ko. Hirap nga s’ya dahil very short ang nails ko. Actually, partida na nga yan kase di pa nga sila pudpod yang lagay na yan. Yoko pa naman magpahaba ng nails dahil ang hirap ng maintenance plus the fact na naggigitara ako’t sagabal lang sila.
P15 each nails so bale 150 lahat.
O, diba? Ang landi, hehe!
This is me and my nail art. Malabo nga lang ang shots, hay…
Eto nga’t gusto ko tuloy karirin, hehe! As in bumili ako ng pang-nail art ko din. Pinagpapraktisan ko nga mga co-teachers ko ngayon. Eto ang sampol.
Ako yung gumawa nung sa co-teacher ko sa right side while yung student ko na mahilig magbutingting yung gumawa dun sa black painted nails. Malabo lang ang pagkakakuha but they’re much nicer in actual. Alangya, nagbuhat na talaga ako ng sariling bangko noh? Hehe!
I’m thinking of putting up a nail art biz nga. Perfect s’ya for me since mahilig ako sa mga kaeklatan at makukulay na kung anik-anik. Medyo takot ako’t baka mag-flop.
Pero sa tingin ko naman e malaki ang market for nail art. Nung una pa nga e gusto ko bumili ng digital nail art machine but I heard na out na raw ang digital sa Korea. They prefer yung mano-mano style since mas natural daw yung dating plus mas maraming choices daw sa designs.
Di ko pa nata-try yung digital though. Ita-try ko s’ya one of these days to see for myself. Walastik naman kase, dapat talaga digital yung first ever nail art chuva ko. Yun nga lang wala daw yung boss ng mga peeps sa salon kaya yun lumipat tuloy at nagdecide na sa mall na lang pumunta. And the rest is history ika nga, hehe!
Prior to my nail art chuva e bumili naman ako ng nail art stickers. Mumurahin lang sila, hehe! Gusto ko lang masampol. Eto sila. ]
Di natural yung dating at halatang stickers lang sila pag malapitan, hehe! Ang hirap pang tanggalin at parang bumabaon sa nails after, olats. Gotta try the digital thing asap para makita ko yung difference sa personalized nail art.
Hay ano kaya? Papasok na ba ako sa nail art biz? I wanna do biz with Koreana e. Ite-train daw n’ya ako if I want plus may starter kit chuva na included na reasonable naman yung price for me. Ewan, bahala na…As of now e praktis muna ako. Pagpapraktisan ko yung toenails ko tutal e kaka-pedicure ko lang ng black. Gagayahin ko yung design sa fingernails ko. Sana wag pumalpak. Goodluck sa akin, hehe!



















