LORD, ETO NA NAMAN PO TAYO…
June 8, 2008Hay…Palpak na naman ang lovelife ko…Tsk!
Wala na kami ni bf, wahhhhh! More than 2 months lang kami…Actually, matagal-tagal na rin yun considering the fact na away-bati kami…Di kami magkasundo. Lahat na lang pinagaawayan namin.
Pero tsong, in fairness sa akin, I was in a monogamous relationship with him. Alleluiah, that’s something! Malamang e magpalipat-lipat na naman ako ng kandungan nito, hay…
Kala ko s’ya na e. Marami na kaming pangarap…Mag-live in..Have a baby after 2 years…At kung anu-ano pa…
Pati sa pagba-blog, nanahimik muna ako. Gusto ko munang i-enjoy yung relationship namin kaya di ko na minention sa mga entries ko. Nweiz, ang importante naman for me is yung masaya kami…which we were…
Kaso ewan, biglang parang nagiba na yung ihip ng hangin. Nagkandagulo-gulo na…Nagkalamigan na…Nagka-ewan na, hay…
Kung tutuusin ilang beses na kaming nagkahiwalay pero nagkakabalikan din naman kami in the end. Hanggang sa dumating na lang yung point na sinabi ko sa kanya na yoko ng makipaghiwalay nang basta basta na lang.
Maldita kase ako e. Madalas e nakikipaghiwalay ako sa kanya dati kahit na mababaw lang ang reason. Confident kase ako na susuyuin n’ya ako. Hanggang sa na-realize ko na mali yun kaya sinabi ko sa kanya na yoko na ng ganun.
For awhile e ok naman kami. Feeling ko nga e naging closer kami but then sa una lang pala yun. Maraming bagay talaga kaming di mapagkasunduan. Lahat na lang pinagtatalunan namin. “Love” na lang siguro yung reason kaya nag-stay pa rin kami kahit na di na talaga kami magkasundo. Pero kakapagod din pala…Or napagod din s’ya…Ewan, ang labo…
Yoko kase ng cool off. Feeling ko walang kuwenta yun. Ang cool off e same din ng break-up sa bokubularyo ko. Or atleast papunta na rin dun…And he wanted to cool things off muna…
Leche! Ano na namang kaeklatan yun?! Pilit ko s’yang iniintindi pero lumalayo s’ya. Pucha, pano ko s’ya aabutin? Hay labo…
Yoko pati ng mga bagay na di klaro. It’s either we’re together or we’re not. Nothing in between.
Daming pwedeng mangyari e. Dun sa time na cool off period or whatever…Pwede namang mag-hang on e…Pero tangina, walang cool off, cool off! Kalokohan yun for me.
Puta? Bat ganun? Bakit ang sakit sakit? Ilang beses na nangyari ‘to and yet, laging msakit pa rin…
Na-imagine ko na kase yung future ko with him. Kala ko s’ya na e. Na I would be the future Mrs. Jones. Na we would have beautiful kids someday.
He’s 1/4 American and 3/4 Pinoy. Ganda ng mata, tangos ng ilong…Gusto ko kamukha n’ya mga babies namin…Pero gusto naman n’ya na sana magmana sa mata, kutis at height ko ang mga future kids namin…Hay those were the days…Sarap mangarap…Pero mapupunta din pala sa wala…
I love him…Until now…Pero pano naman ako lalaban kung iniwan na ako ng kakampi ko? I ain’t his baby gurl anymore…I ain’t “beautiful girl” anymore. (Yup, that’s his song for me. Jose Mari Chan’s “Beautiful Girl”.)…Wala na…I think our relationship is really over and wala ng balikan pa na mangyayari ever…Puta, it sucks!
Hay, Lord! Help me, pls…Sasabog na yata ang dibdid ko sa sakit…








