Home » Post Item » WE’RE OVER

WE’RE OVER

June 12, 2008

Yes, people of the Philippines, la na kami ng love of my life…Bumaha na ng luha kahapon…

Tangna, di ko ma-take! May 3rd party involved. Ang bilis nagbago ng mga bagay bagay…Nasalisihan na pala ako, tsk!

Ang kapal ng kumag at pilit n’ya dine-deny. E kitang kita naman sa Friendster n’ya ang ebidensya ng kagaguhan n’ya. 

Pero prior to that, di ko s’ya matiis e. Di ako tumupad sa usapan namin na wag muna kami magtext at magtawagan. After 1 day e tinext ko rin s’ya. Pero ramdam ko na ang panlalamig n’ya. Alam ko na di na s’ya babalik…

Tinatawagan ko rin s’ya pero kina-cancel n’ya mga calls ko. As in I was begging him na magkita kami at magusap. Lahat lahat na ng kamartiran at kagagahan, ginawa ko pero wa epek.

I know he was trying to be tactful pa rin sa text at first. Pero nung nangulit na ako sobra e dineretso n’ya sa akin at tinext n’ya ako ng, “I don’t love you anymore.” Ouch! Pucha! Sapul! Tangina he said it like it was just a normal thing to do.

Pero makulit ako e. Mahal ko s’ya. Sobra…As in sinusuyo ko pa rin s’ya kahit ipinagtatabuyan na n’ya ako. 

Umaasa pa rin ako na maaayos din lahat. Na siguro natatakot lang s’ya sa pag-pressure ko sa kanya. Para kase kaming si Heart Evangelista at Jericho Rosales sa estado sa buhay. Hinding hindi s’ya magugustuhan sa amin kaya patago lang kami kung magkita. 

Wala akong future sa kanya at alam ko yun from the start. Pero ewan ko ba, nalilinya ako lagi sa mga walang future na lalake. He’s very much younger than me too. Pero tsong, never naging issue sa amin yun. Yun nga lang, pressured s’ya sa akin na ayusin n’ya buhay n’ya.

Lahat lahat ginagawa ko for him. As in nagpapaganda ako. Amboy yun e. He’s goodlooking and young, I’m sure marami pa s’yang mami-meet na iba kaya I make it a point na to look good for him din. 

Pero tsong, never ko inexpect na magkakaroon ng 3rd party sa part n’ya. S’ya kase yung mahigpit between us. As in mino-monitor n’ya where I go, sino kasama ko…He checks on my cp din lagi.

Ako naman yung sobrang tiwala sa kanya. Confident kase ako na mahal n’ya talaga ako. We were so in love before…Ibang level yung samahan namin before hanggang sa umasim na lang dahil sa sunod-sunod na away.

Madalas ko s’ya i-nag. Dapat n’ya ayus-ayusin ang buhay n’ya kako. I mean, pucha, 30 na ako. We have a big age gap. But then, naiintindihan ko din naman s’ya kung tamad s’ya dahil nung kasingedad ko rin s’ya e wala pa ding direksyon ang buhay ko…

Pero ang sa akin lang, kung mahal n’ya talaga ako, mag-eeffort s’ya at gagawin n’yang inspiration yung relationship namin para magsipag-sipag. Dahil sa totoo lang, nung naging kami, dun lang ako natutulong magipon talaga. Bulagsak kase ako sa pera e. Shopping dito, shopping doon ang inaatupag ko. But since naging kami, aba, biglang ibang level na rin ako magisip.

Yun lang naman ang prob namin e. Yung pagpressure ko sa kanya at pagna-nag. Other than that, pucha, nananahimik lang ako…As in sa kanya lang umiikot ang buhay ko. Work-SM-House-BF lang ang routine ko.

As in wala na nga akong night life. I was faithful to him. Iwas tukso ako. Sa totoo lang, makabagong babae ako e. I’m into casual sex. I have sex for fun. I don’t mind having one night stands pero tsong, once I’m in a relationship, pucha, behaved na behaved ako. As in no hanky panky. Kaya I was expecting him to be faithful to me as well.

Ni hindi na nga ako tumitingin sa iba. Di ko na pinapansin kung sinu-sino pang nagsusulputang number sa cp ko. Focused lang ako kay bf, wala ng iba. Kaya tsong, respeto lang, diba? Wala sanang mambababae…

Kaya naman imagine my horror nung makita ko Friendster n’ya at nalaman o na dinelete na pala n’ya ako. Parang pucha, baket? Ano kasalanan ko?

Pagsilip ko pa sa profile n’ya e kung anu-anong kalechehan pa nakita ko. May kaduda-dudang comment dun from one gurl na tinatawag s’yang “Brad” (na duda ko e brad as in  brod)…Yung hobbies and interests n’ya nagiba, naging “texting my brad”. Fuck that shit! At naman, nakabandera si gurl sa Featured Friends n’ya. As in kaisa-isa s’ya sa trono. Pucha, nagpanting na naman mga mata ko  sa nabasa ko. Tangna, tinext ko s’ya dali dali. As in nangiginig mga daliri ko habang tinetext s’ya sa sobrang bwiset. 

Tinanong ko s’ya kung sino ang lecheng babaeng yun. Kesyo close friend daw n’ya at nameet lang n’ya nung June 6 sa party ng kinakapatid n’ya. Mukhang totoo naman dahil June 6 nga lang n’ya inadd sa FS n’ya. Dunno lang if nameet nga ba n’ya sa party or what.

Eto comments ni girl sa kanya:

* Posted 06/8/2008 2:56 am    * .,hi brad,, ehe      .,aaammmm wla lng…ehe      .,dota tau.? ehe      .,t.c.mwhuah!

==============================

* Posted 06/9/2008 3:04 pm
    * .,oi brad! syempre kc un iba tao bka icipin nla 22o un.,gago cla eh.,aha

      .,cge2 e2 matino..

      .,aammm c brad…
      .,adik sa yosi
      .,laks sa alk
      .,bestfren nya c arnie, (aha)
      .,mapanguto
      .,laks mmbola
      .,malande, (aha)

      .,o yan… la naku maicip eh..ehe
      .,t.c.mwhuah!!!!!!!!
=================================

Tangna, diba? Ano yun? Kalandian n’ya bf ko while I was suffering and waiting in vain for him??? Fair ba yun??? Deserve ko ba yun? Leche sila!  

In fairness dito sa bagong babae n’ya, cute s’ya. Chinita beauty at bata pa. Mukhang kasingedad n’ya. Alam ko mga tipo ni bf e. Mahilig s’ya sa mga ganung beauty.  

Ang lakas ng loob n’ya na makipaghiwalay sa akin dahil may bago na s’ya. Look at the turn of events.

May 27- 2nd month namin at we dined out. We had an argument at napaiyak ako sa sobrang selos sa ex n’ya. Nawalan ako ng gana to eat kaya pina-take out ko na lang food ko. I also told him not to text me first. I saw his face at mukhang naiiyak s’ya kahit I told him na magusap kami but he said no, umuwi na lang daw ako. (Apparently, di pala n’ya ako narinig na ininvite ko s’ya na magusap kami. Dunno if true).

May 28- I was cold to him.

May 29- Okay na ulit kami and I called him up sa cp n’ya. He said, “I miss you” to me and I said, “I love you.” He replied, “I love you more.” (He always says he loves me more.)

May 30- We were supposed to meet pero tinamad ako. He texted me na lumabas daw ako ng haws at tingnan ko yung rainbow. Told him I was busy doing nail art sa toenails ko. But lumabas din ako sa terrace at pinanood namin ng mga 3 pamangin ko yung rainbow. I even took a shot of it. 

With matching hirit pa ang gago. Wish we were together daw while watching the rainbow. Ako naman si gaga, kilig na kilig,tsk!

May 31-June3- Away bati kami as usual. I nag him about his laziness.  

June 4- I watched Prince Caspian together with my 8yo niece. Oks pa kami ni bf. Magkatext pa kami.

June 5-So-so day.  

June 6- We were supposed to meet after my 5-7pm tutorial with my Italian student. Prior to that, I asked him if magkikita ba kami. Nasa akin daw if I want. So yun, after 7 e tinext ko s’ya at sinabihan na magkita kami. Di s’ya nagreply. I called him up, cannot be reached s’ya. Tumambay muna ako sa SM thinking he would reply soon at bakasakaling magkita pa kami. When I went home, I received a text from him telling me na nag-away daw sila ng Mama n’ya. At dahil bwiset na bwiset ako sa kanya nun e sinumbatan ko naman s’ya na na ang daming n’yang excuses lagi. Na kung di s’ya tulog, low batt s’ya or badtrip s’ya or watever. Daming kaeklatan in short. 

June 7- I texted him pero nagreply ang gago na wala daw s’ya sa mood magtext at next time na lang daw s’ya mag-a-unli. Gulat tuloy ako dahil unexpected yung sagot n’ya. I asked why and he said na marami daw s’yang probs at we need to cool things off daw muna. Cool off? WTF?! E euphemism lang yun ng “break up” sa bokubularyo ko, hay…I texted him tuloy at sinabi ko na i don’t believe in cool offs…Na kung makikipag-cool off din lang s’ya sa akin e mas mabuti pang maghiwalay na lang kami. Aba ang buwiset sumagot ng, “ok, sige…….” 

All along akala ko susuyuin n’ya ako or something. Or atleast maaayos din eventually. Ganun kase kami. Away-bati. Ako tuloy yung di nakatiis at tinext ko s’ya at sinabing pwede naman maging kami pa rin without the label na “cool off”. That term scares me kase dahil ang dami pwedeng mangyari during that period. Pero yun, wa epek ang pagsusumamo ko. 

June 9- I texted him again pero yun nga, he needs space daw.  As in wa epek talaga ang charm ko, olats. Pero no choice ako but to wait in vain. I texted him what exactly he meant by the word “cool off”. He said na wala muna kaming communication. As in no texts or calls. And then I asked how long. Dunno daw until when. Pucha, kinabahan ako bigla sa statement na yun. Alanganin e. Papunta na yun sa wala talaga. 

Pero ako naman si gaga na inlababong tunay, fighter pa rin talaga. Kahit alam kong iiwanan na n’ya ako e in denial pa rin  ako. Feeling ko kase e baka nape-pressure lang talaga s’ya sa akin at badtrip lang s’ya sa family n’ya kaya yun, pilit ko pa rin s’yang iniintindi. 

Di rin ako nakatiis at yun na, ala pa mang 24 hrs ang nakakalipas e tinext ko s’ya around 2am. Di kase ako makatulog nun at naiisip ko pa rin s’ya. Feeling ko e may unfinished biz pa rin kami. Got no reply from him. Inisip ko na lang na baka tulog na s’ya. 

Paggising ko the next day e may text s’ya from me around 3:30am. Kesyo he needs more space pa rin daw. Chuvanes kaeklatan ever. Pilit ko s’yang iniintindi kaya I was begging him na sagutin naman n’ya mga fone calls ko or magkita kami or whatever. Alam ko kase na marami kaming probs na dapat ayusin at willing naman ako to compromise para maayos yung relasyon namin. 

Dumating sa point na I asked him if he has fallen out of love with me already. He said na ganun nga raw yung palagay n’ya. Ouch! Solid! Sakit nun. I asked him why. Nagkapatong patong daw kase yung probs namin at puro away daw kami lately. 

Though masakit e pilit ko pa ring i-justify yung reason n’ya. Totoo naman kase na palagi kaming nag-aaway lately at matagal-tagal na kami di nagkakausap ng masinsinan to clear things out. Pero deep inside, nawi-weirduhan ako kase alam ko how much he loves me before at parang di ko maarok na biglang ganun na lang. As in I asked him pa nga kung wala na ba talaga. Zero na raw. Pucha, ang sakit, diba?

Pero gaga talaga ako. Pilit ko pa rin pinagsisiksikan yung sarili ko sa kanya dahil confident ako na walang 3rd party sa part n’ya. Na pwede pa naming maayos yung relationship namin. Na kailangan lang naming magcompromise at maaayos din ang lahat eventually. As in never say die ang drama ko kahit awang awa na ako sa sarili ko’t feeling basang sisiw na ako.  

Nandun yung nagkakabadtripan na kami sa text pero pilit ko pa ring maging mahinahon. Naiirita na kase s’ya sa kakulitan ko. Ako naman e patuloy pa ring nagpo-profess ng undying love ko for him. Pero wala e. Matigas na talaga yung puso n’ya. 

Dumating pa sa point na susuyuin ko s’ya kako. Na ako yung manliligaw sa kanya. I was really begging him to give me another chance at gagawin ko lahat kako ng gusto n’yang gawin ko. Kulang na lang e sungkutin ko talaga ang buwan at mga bituin at ialay ko sa kanya para lang balikan n’ya ako. But still, to no avail.  

The least I wanted was maging friends man lang kami. (I know kaplastikan yun dahil I’m never friends with any of my exes).  But paeklat ko lang yun just to be closer to him again. Don’t worry daw at friends pa rin naman kami. So yun, ok na e. Gud enuf na for me kahit papano kesa sa wala, diba?

I even asked him kung may kapalit na ba ako sa puso n’ya. Kesyo wala daw and I believed him naman. I was really confident na he will never cheat on me. Napagusapan na kase namin yun before. Na we hate twotimers at maging honest na lang kami sa isa’t isa kung dumating man yung point na may ma-meet kaming iba. All along, nakatatak na sa isip ko yun. Na walang mangagaliwa sa amin ever. I mean, confident ako na I won’t twotime him ever pero as far as I’m concerned, di rin n’ya gagawin yun sa akin based sa pagkakakilala ko sa kanya. 

I even asked for a close friend’s advice kung ano ba ang dapat kong gawin at ano sa tingin n’ya ang magiging ndin namin ni bf prior to our “break up”. Feeling n’ya e may iba na si bf.  Ako yung nagbubulag bulagan na nagsabi sa kanya na di n’ya magagawa sa akin yun ever.

Ito pa namang si friend e saksi sa lovey dovey moments namin ni bf before. Nameet na n’ya kase si hinayupak. And boto s’ya sa kanya actually kahit alam din n’yang wala din ako future sa kanya. Witness kase s’ya kung gaano kami ka-sweet ni bf. Alam n’ya how much we loved each other then. 

Ito pa namang si bf e super sweet. As in dedma sa age gap namin kahit very evident pag makikita mo kami together. Pero wala s’yang paki at nilalambing n’ya ako in public. He would kiss and hug me in front of a lot of people . And sabi nga ni friend, kitang kita daw sa mata namin how in love we were. 

Bukambibig ko pa naman lagi si bf sa kanya. Napansin nga n’ya na in an instant e nakalimutan ko si model (my ex before bf na iniyakan ko rin nang todo). As in binuhos ko talaga yung atensyon at pagmamahal ko kay bf. Nagpakabayaning gf ako for him. 

Kaya naman imagine my horror nung makita ko kung anu-anong kalechen n’ya sa Friendster n’ya.

Kani-kanina nga lang e sinilip ko ulit yung profile n’ya. (I know I shouldn’t but I couldn’t help it).  Aba ang mga ungas, talagang pinaninindigan na ang relasyon. Yung primary pic n’ya e edited at nasa right side yung pic ni bf while nasa left side naman yung pic ng babae n’ya. At wag ka, may bago na namang testi s i girlaloo for him. Pucha, mainit init pa ‘to kaya nanggagalaiti ao sa galit.  (At take note, yung pic ni bf dun e galing pa sa cp ko. I always take his pix kase).

# Posted 06/11/2008 3:17 pm

(in graphics form) he may not seem perfect to you…but he’s perfect for me!  

===================================

Tangina! Kapal ng mukha talaga nila! Binabandera nila ang kataksilan nila, mga puke ng ina nila!

At eto pa, nabasa ko bulletin board post ni bf kahapon dahil pinasilip ko dun sa cuz ko who happen to be here sa haws namin kahapon.

Eto ang bulletin board post n’ya entitled “Believe Me”

“You have no idea how hard it was for me to switch over from the mind-set that i was in, to the one that would allow me to move on and accept you into my life. It took me almost one week, after getting with you, before I was finally able to accept the fact that you are someone entirely different. That you are not like the last one, nor will you act as such.I am now looking forward to each and every new day wondering what new things will happen. That i get to see you every day helps me greatly,as well, and I am still in the middle of this whirlwind,that is now my life. There are not enough ways for me to thank you for coming into my life and healing my broken heart. It was as though God planned this before either of us were brought into existance on this earth. That he knew years later, we`d find each other and that I`d feel complete for the first time. Not a day goes that I dont thank God for bringing us together. I feel as though it was destiny but wonder just the same if you feel this way too.”

Badtrip, diba???? “That you are not like the last one, nor will you act as such.” What the hell is that???!!!

Kaya naman talagang nanginginig ako sa galit nung mabasa ko yung post n’ya. Kaya pala dinelete n’ya sa Friendster n’ya…Para di ko mabasa yung post n’ya. Pero yun, I found a way.  ]

Kaya yun I bombarded him with texts ulit. Alam ko nakukulili na s’ya pero what do you expect? Alam ko wa epek na sa kanya mga texts ko. Malamang nga e di na rin n’ya binabasa ang ito at diretso delete na s’ya. Pero la ako paki. Kailangan ko ilabas galit at sama ng loob ko.

Ito pa ang nakakabuwiset. Huling huli mo na nga e pilit pang ide-deny na may ibang babae na s’ya. S’ya pa ang may ganang magalit at sobrang kulit ko daw. Bahala na raw ako magtatatalak at magpapalit na raw s’ya ng sim. Titi n’ya! Go ahead kako. Sigurado naman ako na makukuha ko number n’ya kahit ilang beses pa s’ya magpalit ng sim. You see, kapitbahay namin s’ya dati. And to top it all off, friend s’ya ng bro at cuz ko.

Yup, as in bro ko. Kaya patago lang yung relasyon namin. Unang-una, my family won’t approve of him. As I’ve said, Heart-Echo kami sa status ng buhay namin. Di nila hahayaan na sa kanya lang ako mapunta. Baka mapauwi ng Pinas ng wala sa oras si Daddy. Or baka mapaaga ang punta ko sa Tate. Pangalawa, walang talo talo sa magkakaibigan, diba? Nasa US din bro ko now pero had he known, sigurado namang kokontra din yun panigurado dahil obviously, maghihirap lang ako sa piling n’ya. Pangatlo, we have a big age gap. I really don’t mind pero alam n’yo naman ibang tao, masyadong mapanghusga. I’m sure big deal yun for other people. Pang-apat, he’s a loser. Alam n’yo ba yung show sa ETC na “Parental Control”? Yung mga guys/gals na walang future sa buhay yung bf/gf nila? Ganung level s’ya. Walang ibubuga. As in siguradong magkakaron ng “parental control” sa part ko pag nalaman nilang may relasyon kami.

But still, ayun, I took a chance with him. Actually, ayoko talagang maging kami nung una. Nakikinita ko na kase ang ending. Alam kong wala ding mangyayari. Alam ko kase na maraming kokontra sa part ko. I couldn’t even post pics of him or us sa Friendster ko dahil makikita ng mga kapatid ko especially my bro. Yari kami panigurado. As in nakaka-chat ka webcam pa n’ya bro ko.But then, nagpumilit s’ya na maging kami. I gave in eventually and decided to give it a shot. 

In fairness sa kanya, marami naman kaming happy moments together. He really made me happy nung time na ok pa kami. He’s sweet, funny and he really took care of me. Minsan nga, feeling ko ako yung mas bine-baby n’ya. 

Ngayon lang ulit ako nagbday na hindi umiiyak. We were so sweet then. Para kaming may mga sariling mundo nun at naghaharutan kami sa park.  

He’s very appreciative as well. He always tells me I’m beatiful. (Jomari Chan’s “Beautiful Girl” is his song for me). Pinupuri n’ya ako when let’s say,  my shirt looks good on me  or when my hair is up. 

He loves it when I smile. Wala daw akong mata, hehe! Weakness n’ya kase yun sa girls. Nakita ko pics at vids ng mga ex n’ya sa cp n’ya at lahat e chinita. (Pinadelete ko lahat at ginawa naman n’ya).

We would always dream about how our future kids would look like. Ako gusto ko kamukha n’ya e. Fil-Am kase features n’ya. Ganda ng mata, tangos ng ilong. And he has nice teeth at cutie din s’ya magsmile. Pero s’ya gusto n’ya sa akin magmana sa mata, kutis at height.  

I’d like to believe na minahal din naman n’ya ako kahit papano and naging totoo naman s’ya sa akin pero with the recent developments, nagdududa na ako.  

Di ako makapaniwala na nagbago na lang s’ya out of the blue. I know may mga pagkukulang din ako which probably led him to fall out of love. Matalak talaga kase ako sa text. Pero pucha, kailangan e. Dahil kilala ko yun, kung tamad ako, s’ya naman e height ng katamaran. But then, sa text lang ako matalak. In person naman e sweet ulit kami’t parang walang nangyaring away.

Sabi n’ya bossy daw ako. Matalak. At nasasakal at nape-pressure s’ya sa akin ng todo. Pucha, 30 na ako. Iniisip ko na rin ang future. What does he expect? Pabayaan ko na lang s’ya na humilata maghapon? Pucha, di naman pwede yun. 

Pero yung mambabae s’ya or iwanan n’ya ako para maging free sila ng babae n’ya, yun ang di ko ma-take. Sobrang unfair. Sobrang nakakasakit ng ego. And to think, I was begging him to come back to me pero inuulol na pala n’ya ako. Fuck that!  

Nagmukha akong gaga, tanga, martir, basang sisiw. Name it. Pero ginawa ko for him. I was really holding on to our relationship. Maraming beses na rin ako sumuko pero s’ya yung nagturo sa akin to be a fighter. Na wag daw akong magisip isip ng kung anu-ano at i-enjoy na lang yung relasyon namin dahil maaayos din ang lahat eventually.  

Pero s’ya yung umatras sa laban. Iniwan na lang n’ya ako bigla sa gyera. Sure, nagfa-fluctuate din yung love ko for him dahl lagi kami nagaaway. Pero pag nangyayari yun e sinasabihan ko s’ya para he cud make up for it. Yung natitirang love ko for hin yung reason kaya I stood by him. I wanted him to realize na mahal ko s’ya kahit ano pa s’ya, Na I will love him at his worst. Tanginang love! Tangina!  

He’s gone…He left me already…At alam kong di na s’ya babalik ever.

He hurt me so much. He was my life. Kasama na s’ya sa future plans ko. But he chose another woman over me.

I dunno if I still love him…Maybe I still do. Mixed yung emotions ko. I’m angry, disappointed, sad, etc. Pucha, halo halo na.  

I’m not his baby gurl anymore. And I won’t be the future Mrs. Jones anymore.

Funny nga coz during the time na cool off kami e may nakita ako sa magazine na customized shirt with the message, “Future Mrs. Jones”. Pucha, ginupit ko yun at tinago ko sa drawer ko yun. Wishing and hoping pa rin ako na babalik din s’ya sa akin kahit alam kong malabo na talaga. As I’ve said in denial ako. But damn,  I won’t be his wife anymore. 

Others tell me na makakaresbak din ako sa kanya. But honestly, di ako ganung klaseng tao. For me, the sweetest revenge is yung di s’ya makatulog at night knowing he fucked up on me…Na maalala n’ya ako from time to time while he’s with his new girl…Na maisip n’ya ako while they’re having sex….Na pagsisihan n’ya na iniwan n’ya ako…Oks na ako dun…

He’s gone…I just pray na sana makarecover ako kagad…

Thought model was my GL(greatest love). Di pala. Mr. Jones was my GL. Or is…Sana mali ako sa sinabi ko kay friend na, “Once a GL, always a GL.” Nagkamali na ako kay model. Sana mali din ako with my dear ex-bf. Sana my GL is yet to come… 

Posted by barenaked at 9:41 am | permalink

Previous Comments

sorry to hear about all that… sana maka-recover ka kaagad :)

at di ka pa ba nakakahalata? wag ka na mag BF na gwapo at may halong banyaga, niloko ka nilang lahat, hehehe! :p

Posted by graymalkin at June 14, 2008, 6:00 am

ang haba ng entry mo ate…

grabe naman yung post niya sa bulletin ng fs… tsk…tsk… tsk…

wala talagang respeto sayo yun ate… sobrang kelangan mo na talaga siyang kalimutan…

Posted by laryuki at June 14, 2008, 7:07 am

@kingster, haha korek! yun nga din ang nahalata ko, hehe! pero si model, purong pinoy yun e. kayumangging kaligatan pero guapo din, hehe! :P

nahahalata ko lang na yung mga feeling kong patay na patay sa akin yung pang mga nanloko sa akin, hay…

@koya larr, hay naku, sinabi mo pa. nanggagalaiti talaga ako sa galit nun. tapos ang kapal ng mukha, kesyo close friends lang daw sila, grrrr!

pero ito na ang height ng kakapalan n’ya, dati dinelete lang n’ya ako sa FS n’ya thinking na di ko mababasa yung entry n’ya. but since nabasa ko na, ayun, pinangangalandakan na. as in nandun na mismo sa profile n’ya. at wag ka, di restricted ang profile n’ya kaya mababasa ng kung sinu-sino ang kataksilan n’ya…

pero i promised myself na di ko na sisilipin ever ang FS n’ya. nababadtrip lang kase ako lalo.

Posted by barenaked at June 14, 2008, 12:20 pm

i think dapat mo na sigurong kalimutan ang lalaking iyon..move on!!..in the first place hindi mo kawalan, kawalan niya..IN FAIRNESS YOU’VE GOT LOOKS TOO..base dun sa mga dati mong post na may photos mo..makakatagpo ka pa ng cute, hot & handsome guy na mas deserving sa luv mo..and you will live happily ever after..xoxo

Posted by bebot at June 14, 2008, 2:19 pm

amen! sana magkatotoo nga, hay…

pero tama ka, di ko kawalan…na-jackpot na rin naman n’ya ako kung tutuusin pero ayun, sumuko agad at nagpatalo sa tukso, tsk!

tsaka di na ako umaasang babalik pa s’ya at kung dumating man yung point na magbalik s’ya (which i doubt), di ko na s’ya tanggapin. sinira n’ya lahat, hay…

Posted by barenaked at June 14, 2008, 4:50 pm

gagu yun a … sorry .. nadala lang. :)

Posted by airwind at June 16, 2008, 1:20 am

gago talaga, hay…

Posted by barenaked at June 16, 2008, 9:08 am

Add a comment








     

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments