Home » Archives » 16. June 2008

MOVING ON

June 16, 2008

I think this is it…I’m slowly moving on…Oh well, as if I have a choice…

So far, so good.. I’m getting by…June 11 kami officially nagbreak (bday pa mandin ng ate ko, tsk!). June 11-12, sinusumbatan ko pa rin s’ya sa text, sinisilip ko Friendster  n’ya at iniiyakan ko pa s’ya. But since June 13 hanggang ngayon, di na ako nagparamdam ever at di na rin ako umiiyak.

Naisip ko kase na waste of time and tears lang. In the first place, wala na kami e. 2nd, wala na kaming chance magkabalikan. At 3rd, assuming na balikan n’ya ako (which I doubt), yoko na rin. Wala na kase yung trust on my part. 

Sure, naaalala ko pa rin s’ya from time to time. Maraming good and bad memories e. As much as gusto ko na lang mag-dwell sa good ol’ times, di talaga makayanan ng powers ko na kalimutan na lang yung kagaguhan n’ya sa akin. 

Bigla na lang mag-e-echo yung mga putragis na dialogue n’ya sa akin na, “You don’t deserve me, you deserve someone better”. (At ikaw? You deserve someone better din kaya ipinagpalit moko?!),  “I don’t love you anymore”. (Tangina mo!), “Nasasakal na ako sa katatalak mo at pag-pressure mo sa akin”. (Pucha! Ano’ng gusto mo? Humilata ka na lang maghapon at magdamag at maghintay na lang ng grasya sa akin?!), “I tried my best na mag-stay pero hirap na hirap na ako”, (Bakit? Tingin mo di rin ba ako nahihirapan?), “Nakakahiya sa pamilya mo, sa mga tao. Nahihiya ako sa sarili ko.” (E di magsikap ka. In the first place, ikaw yung nagpumilit na magkarelasyon tayo, di ako.),  “That you are not like the last one, nor will you act as such.” (Bakit? Ganun ba kasama ugali ko??!!)at kung anu-ano pang ka-lechechan na dialogue.

I know I’m still bitter.  Do I still love him? Feeling ko di na. (But who knows? Maybe I’m just in denial).  Basta ang alam ko, sinaktan n’ya ako, niloko n’ya ako at pinaasa n’ya ako sa wala. (Or maybe ako lang yung nagpaasa sa sarili ko, hell I dunno).

Iniisip ko na lang yung basang sisiw moment ko kay model para madali ko s’yang makalimutan. Feeling ko walang makakatalo dun e. (Yung time na naglalakad ako sa ulan na walang payong habang umiiyak at pumasok pa ako sa raket ko kahit sasabog na yata ang dibdib ko sa sakit nun).  

Successful naman ako so far. Wala ng iyakan blues since June 13. I must admit though na madalas pa rin akong tamaan ng lungkot. As I’ve said maraming memories e. 2 months with him is like forever. I gave my all.

Madalas ko s’yang maisip before going to bed and when I wake up in the morning. Or pag naaalimpungatan ako in the middle of the night. Lagi kase kami magkatext as any couple are.

Yung pagte-text namin before I go to work or yung pagtext ko sa kanya pag nakauwi na ako ng haws. Yung pagsasabi ko sa kanya where I go at kung sino kasama ko at kung ano’ng oras ako makakauwi. (At the same time, talagang mino-monitor n’ya ako). Simple things which mean a lot to me.

Yung pagbabalot ko sa kanya ng food pag may handaan sa amin. Sakto bday ng ate ko nung June 11(when we officially broke up). Wala na akong ipinagbalot ng food nun dahil wala na kami, hay…

And kahapon, triple bday celeb ulit ng Ate ko, bf n’ya(June 14) at nephew ko(June 12) . Dami na namang food sa haws namin. Naalala ko s’ya. He loves sweets pa naman. As usual, may Pistachio cake (fave n’ya) at Sinful Chocolate Cake (the last cake na kinain namin together nung 2nd month namin nung May 27). Maraming memories na di ko pwedeng basta kalimutan or itapon na lang. 

I wanted to take care of him. Sabi nga ni friend, feeling ko ako lagi si Darna na magsasalba sa lahat ng problema ng bf ko. The reason why I wanted to live in with him is because gusto ko ako na lang magalaga sa kanya. Outcast kase yun sa family nila. Para s’yang di nag-eexist. Self confessed blacksheep s’ya  ng pamilya nila. 

Kung tutuusin, I live a comfortable life at home. Kain-tulog lang ang inaatupag ko sa amin. Naka-aircon kung matulog. Walang ginagawang kahit na anong gawaing bahay. Wala na akong mahihiling pa.

I was thinking pa nga na pag nag-live in kami e kukuha na lang ako ng gamit sa amin like tv, fan, pc, etc. I had qualms though of living in with him dahil feeling ko e lalong mapapaaga ang paghihiwalay namin kung nagkataon. Malamang e aso’t pusa pa rin kami if ever.

On his part e gusto n’ya na mag-live in kami para matigil na raw pagseselos ko. We were so in love before na pagli-live in kagad ang nasa isip nami.

For awhile talaga e desidido na kami to do it kahit alam kong magastos. I can afford it pero alangan namang sagot ko lahat, diba? Gusto ko muna s’ya magkaroon ng work or magaral s’ya ulit  So yun,  nag-apply s’ya sa work sa Ate ko. Imagine, ate ko ang nag-interview sa kanya, ha? Pero ayun, sumemplang s’ya. 

Tigas kase ng ulo n’ya. Ilang beses ko na s’ya sinabihan na tanggalin n’ya hikaw n’ya at magbihis s’ya ng kagalang-galang. As in binigyan ko pa s’ya ng tips na  magkaroon ng eye contact, shake the hands of my ate, etc.

Aba! Nagulat ako pagkakita ko sa kanya. (Nagkita kami after my work at at pagkatapos ng interview n’ya). Suot n’ya hikaw n’ya, naka-polo shirt s’ya (na may malaking print pa), naka-printed na jeans at naka-rubber shoes. Anak ng tokwa kako, assuming na ako ang interviewer e lagpak din s’ya sa sakin sa first impression pa lang. 

Kesyo ok naman daw ang interview. He felt relaxed daw dahil parang ako lang daw ang kausap n’ya while talking to my Ate. Magkakamata daw kaming magkakapatid. Pag nga raw nakatingin s’ya sa mata ng ate ko e parang ako lang daw ang kausap n’ya.

That’s besides the point kako. May work experience na rin naman s’ya pero pucha, yung suot n’ya ang magiging issue panigurado. E yung pinsan nga namin na nag-apply din e nagbihis pa rin ng pormal kahit sureball na pasok na s’ya. Formality baga.  

Paguwi ko tuloy ng house e fishing ako ng info sa ate ko. Alam ko kagad na di s’ya natanggap. Sakto pa naman e nag-apply din yung younger sis n’ya napagkaganda-ganda pa naman. Pati nga ate ko e nagreact na artistahin nga kapatid n’ya. (Yari na ‘to kako. Mukhang yung sis pa n’ya ang makakapasa sa work nito.).

Mga may face value pa naman ang hinahanap na employees ng ate ko. Si bf pa naman e guapo kung sa guapo kaya lang e may dark spots s’ya sa mukha dahil kinkutkot n’ya pimples n’ya dati. Ito namang sis n’ya e female version n’ya actually pero nuknukan ng kinis at puti. Beterana ng mga beauty pageants yun e.

But apparently, pareho silang na-reject ng sis n’ya. Gustong gusto ng ate ko sis n’ya but the problem is masyadong bata pa nga raw at wala pang work experience at baka maglaro lang daw s’ya sa work. But ayaw n’ya talaga kay bf. Mukhang ireponsable nga raw at di pumunta sa interview ng nakabihis ng maayos.

Looking back, blessing in disguise pala na di sila natanggap ng kapatid n’ya sa office nila Ate. Sama ko noh? Hehe pagbigyan n’yo na ako. Bitter-bitteran pa ako e. 

So yun, hamak na bum pa rin s’ya as ever. And to think, sinabihan ko friend ko na pag 2 months na kami at wala pang work si bf e iiwanan ko na s’ya. Pero tsong, i didn’t. I stuck it out with him. Gusto ko kase pa-feel sa kanya I will love him at his worst. Pucha, Darna strikes again noh? Nagpapabayani na naman ako as usual.

You see, nadevelop yung feelings ko for him e. I mean, type ko s’ya physically but totoy s’ya. And I was thinking, he’s too young for me. Friends sila ng bro ko. Maraming kumplikasyon. Maraming kokontra. Pero s’ya yung nagpumilit na maging kami. At bahala na ang naging drama ko after. Bumigay din ako.

Until now di pa rin ako makapaniwala na wala na kami. When I thought s’ya yung patay na patay sa amin between the two of us. Pero wala na, he’s gone…And we’ll never be friends again…Everything is over…

Kahapon nga e pumunta ako sa salon at nagpagupit na naman ako. Pucha, dadaanin ko na lang sa pagpapaganda kesa magmukmok ako, diba? Anak ng tokwa, naalala ko na naman s’ya. 

Nung May 25 kase e nasa salon ako’t nagpa-dye naman ako ng hair. We were so ok then. Magkatext pa kami nun at s’ya pa nga yung tampururot at bakit daw di ko s’ya tinatawag na “baby”. Sabi ko busy ako that time coz nasa KFC kami ng niece ko’t umoorder ako ng food nun kaya matipid ako sumagot. Babalik pa kako ako’t magpa-facial pa ako after namin eat ng  lunch ng pamangkin ko. Alam n’yo yun? Yung tipong nagpapa-beauty ako for him. Sakto at May 27 ang 2nd month namin together at I wanted to look good for him. Kaya pucha, di ko ma-take ang turn of events. 

Bigla na lang s’ya nagbago. Bigla na lang s’ya sumuko. Bigla na lang s’ya bumitaw. And what’s worse is iniwan n’ya ako coz he chose another girl over me.

That last time na magkatext kami e pinipilit n’ya na di pa n’ya gf si Brad n’ya. Kesyo magka-M.U. pa lang daw sila. Leche! Ke M.U. yan or gf or whatever, ala akong paki! Basta ang alam ko, sinaktan n’ya ako. Na iniwan n’ya ako for her. At binabandera n’ya sa Friendster ang bago n’yang babae para pangalandakan sa mundo na wala na kami at may bago na s’yang flavor of the month. 

Minsan nga naiisip ko, sawa na ba s’ya sa akin? Iniwan ba n’ya ako dahil matagal na kaming di nagse-sex? Active kase kami nung una e. Pero lately e na-dyeta na s’ya sa akin. 

Ewan ko ba. Bumaba na yata ang libido ko. Nagtatampo nga yun sa akin dahil bakit never ko daw s’yang yinakag? Bakit laging s’ya lang daw ang nagyayaya sa akin?  

I dunno. Siguro mas gusto ko pa yung magkasama kami, magka-holding hands, magka-hug habang nag-uusap kami. Yung tipong wholesome lang. Mas ok yun for me. Mas sweet.

Sabi nga ni friend na pucha, tinamaan na daw talaga ako. She even quoted one of Paulo Coelho’s books. Na na-transcend ko na yung physical chuva.

Ewan. I mean, the sex was great. How can you go  wrong with a very much younger man? (hahaha!). Ang libog e. Maagang namulat sa sex yun e. Yun nga lang, di s’ya marunong gumamit ng condom. Tinuruan ko pa ang lolo n’yo, hehe wow mali!

Natakot din ako for awhile. Delayed kase ako ng 1 week nung minsan. Pucha, kala ko magkaka-junior na kami. Yari kami kung nagkataon.

One time naman e sinumpong ako ng asthma after we did. Nataranta s’ya’t di n’ya alam ang gagawin n’ya sa akin nun. Kahit nakatutok na yung aircon sa akin e kinuha n’ya shirt n’ya at at pinaypayan n’ya ako.  

Basta yun, basically, I just wanted to be with him. Give him small kisses all over his face and neck pag naglalambing ako. Oks na ako dun. Kahit walang sex, solb na ako.

I was sure of myself. I love him. I wanted to take care of him. I wanted him to give him all the love na di n’ya nakukuha sa family n’ya. I wanted to protect him. I wanted to give him a better future. Lahat lahat, tsong…

I can afford to spoil him with material things if I wanted to but I chose not to. Gusto ko kase magsikap s’ya. Gusto ko umeffort naman s’ya kahit konti.

Funny pero katext ko mga ex ko when L and I broke up. I can be friends with them now since almost 1 decade na since naghiwalay kami. Sabi nga ni to Sir with love, dapat daw magbago ako ng strategy sa pagpili ng mamahalin next time.

Dapat daw e ka-age at ka-level ko ang pipiliin ko next time. Sabi ko kase kala ko gagamitin ni bf yung love n’ya for me para magsikap s’ya. What can I expect from L daw? He lacks experience daw. He’s young at di pa s’ya ganun ka-advance magisip unlike me. (which I know is true coz nung ka-age ko s’ya, wala pa akong paki sa mundo nun at wala pang direksyon ang life ko). 

Ewan ko ba. Hopeless romantic kase ako e. Pag mahal kita, mahal kita. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa. Kahit di ka pa magugustuhan ng pamilya ko. Kahit na wala kang pinag-aralan. Kahit hamak na tambay ka lang. Kahit di tayo magka-level. Hahamakin ko ang lahat para sa mahal ko.

And I don’t believe in that crap na “If you love him, set him free. If he comes back, he’s yours. If he doesn’t, he never was.” That is such a hyped statement. For me, pag mahal kita, ipaglalaban kita. Susuyuin kita. Di kita iiwanan. 

Now, kung talagang ginawa ko na lahat pero ayaw mo na talaga sa akin, then that’s the time na susuko na ako. Pero yung isuko na lang kita basta basta? Hell no. Di ko gagawin yun.  Kahit magmukha pa akong gaga, tanga, martir, etc. 

And that’s exactly what I did with L. Pero wala na, tsong e. I tried to understand him pero makapal na talaga ang mukha n’ya. S’ya pa yung galit sa akin. S’ya pa yung nagmamalaki sa akin. Ni hindi na n’ya ako nirespeto. Ni hindi na n’ya nirespeto yung nakaraan namin.  

Tinext ko nga s’ya dati ng, “O, ano? Tinext ka na ba ng bro ko? Di ka pa ba minura?” Pucha, nataranta ang lolo n’yo. Galit na galit sa akin. Kesyo bakit ko pa daw sinabi sa bro ko? Para ano pa? Para daw ba kasuklaman s’ya?

Tangina n’ya! Kapal ng mukha n’ya. Yun nga e. Bakit s’ya natatakot kako? Kung minahal n’ya kako ako, wala s’yang dapat ikatakot.

Ang gago, ako pa ang binaligtad. Ako pa ang thrineaten n’ya. Di naman ako takot kako.  Wala akong dapat ikatakot dahil wala akong inagrabyado at di ko s’ya niloko.  

But sa totoo lang, di ko sinabi sa bro ko. Nasa States s’ya ngayon. Sabi nga ni friend dapat daw e nagsumbong ako sa kapatid ko. Sabi ko no need. Lalo lang lalaki ang gulo. Tsaka alam n’ya kako ako, yoko ng gulo. Yoko ng eskandalo. Baka ikulong na nila ako sa bahay pag nalaman pa nila na I went out with him.

But had my bro known, alam ko di n’ya ako pababayaan. Baka nga masuntok n’ya si L. Ang laking tao pa naman ng bro ko, 6′2 at malaki ang katawan. Isang sapak lang siguro sa kanya, tumba na s’ya.  

Type pa mandin ng bro ko yung sis n’ya. Pero yun nga, walang talo talo sa magbabarkada, diba? Masha-shock siguro bro ko pag nalaman n’ya pero alam ko na ako yung papanigan n’ya.  Lalo na pag nalaman n’ya na may ibang babaeng involved at ipinangangalandakan pa ni L sa Friendster n’ya mismo, magkakalintikan na talaga. Magka-chat at magka-webcam pa naman sila from time to time. 

Basta ako, gusto ko na manahimik. Gusto ko na lang ma-accept ng buong buo para makapag-move on na ako. Atleast lumitaw na tunay na ugali n’ya. Atleast 2 months pa lang, bumitaw na s’ya. Pano pa kaya kung tumagal kami?

Yung 2 months nga lang felt like forever. I know kaya ko ‘to. Pucha, di na ako nasanay noh? Beterana yata ‘to sa hearbreaks, haha leche! Sad but true. Dinadaan ko na lang sa patawa pero pucha, it sucks.  

Nung nakita ko nga yung pic nung babae n’ya e parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Parang younger version ko s’ya. At mukhang mas bata s’ya kay bf ng konti. Bahala na sila. Alam ko di rin naman sila magtatagal. I’m giving them 2 months only. Magbe-break din sila. Mag-bahay bahayan na lang sila or magdota.

Sana, by that time, maalala n’ya ako not because he loves me but because nagsisisi s’ya na iniwan n’ya ako. There will never be another woman who will love him the way I did. (Pucha, kala ko di na ako iiyak. Biglang tumulo ang luha ko sa huling linyang ‘to, damn it!). 

He broke my heart. Sabi ko nga sa kanya, “People fall out of love because they choose to. Love is a decision. Otherwise, wala na sanang naghihiwalay kahit sa mga married couples pa. I chose to stick it out with you coz I loved you.  Sana sinabi mo na lang sa akin na u met someone para i could have done something. Kaso hindi e. You allowed her to consume you. U allowed another girl to get in the way. I know we had a lot of probs but that’s not how to solve a prob. Dinagdagan mo lang lalo yung sakit. You fell out of love coz you chose the easy way out.. You wanted something new, something different.  T’was my decision 2 stay though nahihirapan na rin ako…becoz love is worth fighting for. You could have fought the temptation but you didn’t. You allowed another girl to come into your life.  Sobrang sakit…Sobra…Sana alam mo yun…Ako, magmu-move on palang. Ikaw? You’ve moved on long before..Sabi ko di na ako iiyak but damn, I couldn’t help it. Feeling ko sinaksak mo ako nang patalikod. You don’t leave someone just because you meet someone whom you don’t even know what she’s up to…Leave someone because you’ve exhausted all means but still, you haven’t got any results. Never leave someone hanging…Never ever…Matalak man ako but rest assured that I will never leave you over a guy who’s better looking, richer, etc. T’was my decision to stay with you…To fought tempations…coz I promised I will never leave you. Ako yung may isang salita, not you…Pinagpalit moko over someone you think a makakasundo mo. Someone whom you think is better than me…Im not perfect but yung love ko lang for you ang maipagmamalaki ko…You should have given me a chance to fix what’s left in our relationship..but you didn’t allow me…coz you were blinded by this someone na di mo pa subok kung mamahalin ka the same way I did. You wanted to leave me coz nahihirapan ka na…Ganun ba ang love? Nang-iiwan pag nahihirapan na?  Sure, I pressure you to work and study coz it’s the best thing for you to do…but whether magwork or just bum around, my love will carry on…coz that’s how love ought to be…Accepting a person as a whole and acceptiing his or her limitations. I’ve always wanted to take care of you. As I’ve said, mahilig ako sa mga walang future na relationships. Hopeless romantic kase ako e. Gusto kong bf yung mga tao na misunderstood coz that’s how I am too…Kala lang ng iba pakawala or  party girl ako but all along, I just want somebody to love me as me…and when that person comes, I’ll do anything and everything for that person. Thought t’was you…boy was I wrong. Thought we had a solid relationship. Akala ko lang pala yun. We could have learned a lot from each other..I loved you…Maybe I still do…But you turned your back on me already. Nagmakaawa ako…Lahat lahat ginawa ko but to no avail…But still, thanks for everything. I call you my “L”, diba? Coz I used to have a GL, my greatest love. Yung ex ko before you…Mali pala…You are my GL. Or you were…Take care, baby…Be good…Be a fighter…Sayo nga lang ako natutong maging fighter e. Mahina kase ang loob ko…Ang weird ko nga…I feel mixed emotions now…Andyan yung sakit, sumbat, love, etc. As I’ve said, matalak lang ako but in the end, I still wish you all the best…Thanks for the love and the happiness you brought me before…Sorry for all the pain..Marami din akong regrets but I’m letting you go na…I can’t fight alone…Sana next time, just hold on to love more…I love you, goodbye…”

Yan yung mga texts ko sa kanya nung time na I was wooing him kaso wala na talaga. Pucha, kala ko ok na ako e. Di na ako umiiyak since June 13. Biglang nanumbalik lahat ng sakit ngayon….Habang tina-type ko ito e iyak ako nang iyak…Di ako makapaniwala na I’m capable of loving somebody that much.  

You said “I don’t love you anymore” like it was just a normal thing for you…You don’t have a broken heart and there’s nothing to heal coz you broke your heart on your own to let me out and let someone else in…Don’t just walk away to someone pag nahihirapan ka na…Sayo ko natututunan yun e…Dahil mahina ang loob ko noong first few weeks ng relationship natin…pero sabi mu dapat tuloy pa rin natin kahit pag nahihirapan na tayo…na walang bibitaw…Yun yung pinanghahawakan ko sayo kaya kahit nahihirapan na ako, di pa rin kita sinuko…

May mga panunumbat din ako sa kanya…Kumpletos recados…“Di agad nawawala ang love…but yeah, agad mawawala yun pag may ibang dumating…Malaking tulong yun…Kaya nawala yung love mo for me dahil choice mo yun…Pinili mo yung isa…Tinulungan ka n’ya to heal your broken heart? Galing! Nakapag-move ka in an instant while here was I waiting for you…I never broke your heart! You broke it yourself para papasukin mo yang Brad mo!”

You could just imagine yung rollercoaster ride of emotions ko sa kanya…nandun yung love, pain, sumbat, etc. Ngayon lang ulit ako naiyak habang nagba-blog ako…Pumunta ako twice sa restroom para lang umiyak…Ayokong makita ako ng lola ko na umiiyak ako…Biglang nag-flashback yung sakit…The good times and the bad times…Lahat lahat…

Tsong, yoko na…Huling iyak ko na ‘to sa kanya…Mananahimik na ako…

Please pray for me…I really need your prayers…

Posted by barenaked at 9:27 am | permalink | comments[7]

     

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments