Home » Archives » 22. June 2008

ANG MGA NAKARAAN

June 22, 2008

Naku po, kakasabi ko lang na wala na dapat sequel sa mga ex e muntik na naman akong mapasubo kagabi, tsk! Hay pucha, ang gulo ko talaga…

Panggulo naman kase si Joko Diaz e. Yup, as in Joko Diaz, the actor and the son of Paquito Diaz. Haha alangya, sinisi bigla si Joko  e, hehe!

Alangya naman kase, nananahimik ako at nanood ng “Wish Ko Lang” ng biglang bumandera sa TV si Joko Diaz. Hay bigla ko tuloy naalala si model. Kamukha n’ya kase si Joko Diaz. Actually, pinaghalong Joko Diaz at Jayvee Gayoso s’ya (the basketball player).  

Bigla ko tuloy s’ya naalala out of the blue. Oh well, di naman talaga s’ya totally nawala sa isip ko kahit before pa pero you see, nung naging kami ni L e tinodo ko ang powers ko sa kanya kaya inetchapwera ko na lahat ng guys nun at nagfocus na lang sa hinayupak kong ex. 

Kaya naman nung nakita ko si Joko Diaz sa TV e wala na, taob na naman ang Pampanga.

Pina-ring ko ang phone n’ya at voila, same pa rin ang number n’ya. Almost 3 months na kase kaming alang communication kaya di ko alam if bago na ba number n’ya or what. Prior to that e nagdadalawang isip pa ako kung magpaparamdam pa ba ako or di na. 

After much deliberation e naisip ko na ala namang masama kung magparamdam ako sa kanya. (Syet, plastic, haha!). Kaya yun, tinext ko na rin s’ya.  Ewan ko ba kung dahil brokenhearted lang ako kaya ganun or sadyang wala lang akong magawa sa buhay ko or KSP lang ba ako or what kaya tinext ko s’ya. 

Nag-text ako ng, “Musta?” Aba, di sumagot. So, nag-text ulit ako. Sabi ko, “Naalala kita bigla dahil nakita ko sa TV si Joko Diaz.”

Dun na s’ya sumagot ng, “Sino ‘to?” Aba, ang walanghiya, dinelete na pala ang number ko, hehe pahiya ako, haha syet! Then yun na, nagpakilala na ako. 

Wala namang kakaiba nung magka-text kami. Wala rin akong naramdamang kilig or something. More of curious lang ako musta na s’ya ngayon. Yun lang. (Ows? Yun nga lang kaya? Hehe!).

So yun, kumustahan text lang…Then at one point, nagtext s’ya ng “Pare, nasa Dau ako.” Ahhh, wrong send kuno, sa loob loob ko, hehe!

Unang-una, di naman “pare” ang tawag n’ya sa akin. “My dear” ang tawagan namin dati, hehe!  Pangalawa, kung nasa “Dau” s’ya, that means, nasa tapat lang ng subdivision namin s’ya.  In short, pwede n’ya ako daanan sa house namin.

So, yun na…Text text kami nun…pero nothing na kakakilig pa rin…Then he asked me if gusto ko daw ba makipagkita. Sabi ko, di pa ako nakakaligo e. (hehe wow mali!). Tapos after that, malabo na text text namin….

Pagkaligo ko naman e tinext ko s’ya. Di s’ya nagreply. Then nung tinatawagan ko s’ya, cannot be reached naman ang lolo n’yo so yun, nag-pajama na lang ako at umayat sa room. After a few minutes e naka-receive naman ako ng text from him at sinabi n’ya na nakauwi na s’ya. 

Good enuf na rin kahit papano na di kami nagkita. Medyo kinabahan din kase ako after.  Sabi ko, pucha, baka manumbalik na naman ang nakaraan. Part 3 na kami if ever. Yari na naman ‘to kako. 

Nung sinabihan ko nga mga friends ko e kumokontra sila. Kesyo bakit pa daw ako nagparamdam. Kaya nga raw ex e. Kase past na. Tapos na. Kesyo bakit ko pa daw binubuhay ang memories. 

Jinustify ko naman na tapos na yun at wala nang balikan na mangyayari. Na bigla ko lang s’ya naalala. Na nangumusta lang ako. Na wala ng love.

Pumalag yung isa kong friend. Kesyo kala ko lang daw na wala na pero once na nasa harapan ko na s’ya e baka manumbalik ulit ang lahat lahat.  Humirit pa s’ya na bakit daw ganun…na pag may existing daw na kapalit e pansamantala daw na makakalimutan mo yung nakaraan pero pag wala na kayo nung existing e bigla mo na lang maaalala yung nakaraan….Hay how true…

Ganun nga yata yung nangyari…Bigla kong naalala si model dahil wala na kami ni L…Although at the back of my mind e naiisip ko pa rin naman s’ya from time to time…Yun nga lang di ko na inentertain yung thought na magkaka-return of the comeback pa dahil masaya na ako nun kay L…hay love nga naman, oo….Napaka-kumplikado…

Pero since wala na kami, ayun, biglang naalala ko na naman s’ya. Sinisi ko pa si Joko Diaz although alam kong gusto ko lang talaga s’ya makumusta…Pero yun nga, takot din ako na magkita kami dahil pucha, sabi ko nga, baka halikan n’ya ako, wahhhhh at malamang e di na ako makapalag pag ganun, hay….So yun, oks na rin na di kami nagkita…

Mapunta naman tayo kay L. Kagabi e sinilip ko Friendster n’ya. Ayun, naka-restrict na ulit at “Single” yung nakalagay sa profile n’ya at “waiting for her” yung caption ng primary pic n’ya (na incidentally e ang last pic n’ya na kinunan ko  nung lumabas kami for our 2nd month together) while kaeklatan about love na naman yung shout-out n’ya na obviously e para dun sa bago n’yang babae.

Ewan ko ba pero may konting kurot pa rin sa puso ko nung makita ko profile n’ya. More of hurt siguro yung ego ko more than anything else pero wala na yung galaiti factor.

Kumbaga e talagang tanggap ko na na wala na talaga kami at malayong magkabalikan pa kami or balikan n’ya ako…

Nun ngang ask nga ako ni friend na what if bumalik daw ba si L, tatanggapin ko pa rin daw ba s’ya. I said “no” pero baka sinasabi ko lang yun sa ngayon at kainin ko naman ang mga sinabi ko once na andyan na s’ya sa harap ko at nilambing-lambing na ako. Ang hirap kase panindigan ng mga desisyon when it comes to love…Pabago-bago…kasehodang magmukha pang tanga, martir, etc. ang isang taong inlababo.

Pero sinabi ko kay friend na sa dinami-dami ng naging dyowa ko e kay L ako naging pinakamasaya although sa kanya yung shortest relationship ko na 2 months lang ang itinagal. Wala kase sa tagal ng relasyon yun…Nasa quality ng samahan….At we were so ok before…Kaya nakakapagtakang biglang umasim na lang yung samahan namin out of the blue dahil sa patong patong na problema coupled by a 3rd party involved.

Emote mode nga ako kanina sa text sa kanya…Nabanggit ko ulit yung walang kamatayang linya ko na akala ko si model ang GL ko pero mali pala ako…Si L pala ang GL ko ko pero wishing and hoping ako na mali ako dahil minsan na akong nagkamali kay model…Na sana e my GL is yet to come…Putragis, pampelikula lagi ang mga quotable quotes ko e, hehe! 

Sinabi ko rin na medyo ok na ako sa break up namin ni L pero nariyan yung magtetext ako sa kanya na gusto ko mag-abroad..na gusto ko ng bagong environment chuva…na halata namang gusto ko lang out of the blue dahil brokenhearted nga ako…

Pero tsong, tapos na e…Kung tutuusin milagro na rin na umabot kami ng 2 months dahil kala ko e isang linggong pagibig lang ang kahihinatnan namin…Pero umabot pa rin ng 2 months na rollercoaster ride of emotions but di maide-deny na one of the happiest moments of my life…Pucha, tsong…ano na namang kadramahan ang pinagsasasabi ko? Hahaha!

But seriously, naging masaya ako sa kanya and he took care of me naman…Sobrang sweet kase s’ya at dedma lang yun sa age gap namin…Ako yung medyo nako-conscious pag maraming tao pero s’ya e talagang kulang na lagn e papakin ako in public…Ganun s’ya ka-sweet…Wish ko lang e totoo sana lahat ng pinakita n’ya sa akin before…

I mean, kaming dalawa lang naman yung nakakaalam talaga what really transpired…Rather, s’ya lang yung nakakaalam talaga…Basta ako minahal ko s’ya…May times na nire-regret ko na I did pero pag naiisip ko yung good ol’ times namin before e nako-compensate yung sakit in a way…

Being in love is just the most wondrous thing on earth…Pero pag over na, sobrang sakit din…Daig pa ang namatayan, I guess…

Pero tsong, wala na e…Tapos na…At sabi ko nga wala na dapat sequel…

Sabi ko nga dun sa last 2 verses ng poem na ginawa ko way back 2004:

 

Living. Loving. Learning.Loving. Learning. Living.
Learning. Living. Loving.
Don’t know why, don’t even know which comes first.

Living. Loving. Learning.
We live just once. May love twice. But learn many times.
Living. Loving. Learning.
Just live. Just love. Just learn.

Need I say more? Go, go, go! Fight, fight, fight na lang e noh?  Putragis na love, syet!

Posted by barenaked at 10:35 pm | permalink | comments[5]

     

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments