Home » Archives » 25. June 2008

ANOTHER BASANG SISIW MOMENT

June 25, 2008

Puta, badtrip! Feeling basang sisiw na naman ako kanina, leche! Grrrr, it sucksssss! 

Kala ko ok na ako all along e. Ala ng iyakan blues…Ala ng text text, ala ng suyuan…Totally wala na…

I mean, I really ain’t over my ex yet. Pero tsong, “getting by” ang term ko. Yung tipong tanggap ko na na wala na s’ya at di na s’ya babalik at di ko na rin s’ya hinihintay na bumalik. Gud enuf , diba?

Getting by…Moving on…Kanya kanya na…Wala ng expectations…In short, separate lives na talaga.  

Pero pucha, kaninang umaga bago ako pumasok sa work e nabulabog na naman ang mundo ko. Alam n’yo yun, yung umagang umaga e badtrip na badtrip kagad ako? Ang reason? Narinig kong binanggit ni Mama (lola ko na Mama din ang tawag n’ya sa kanya) ang “nickname” n’ya habang sinesermunan ang cuz ko.

Nagpanting bigla ang tenga ko coz Mama doesn’t call him that way kaya nagulat ako why yung nickname n’ya yung tawag n’ya kay ex. You see, yun kase yung tawag ko sa kanya bago naging kami at very few people lang ang tumatawag sa kanya nickname na bininyag sa kanya.  

Incidentally e narinig ko usapan nila Mama and my cuz. Kesyo puro barkada daw kase inaatupag n’ya and my cuz was defending himself. Na di naman daw. Sabay hirit si Mama na nakita daw n’ya si pinsan na kasama si ex nung dinalaw n’ya sa hospital yung Lola namin ni cuz.  

Sabi ko, pucha, kung pala sumama ako kay Mama e baka nagkita kami ng hinayupak kong ex. Honestly, di ko alam kung ano magiging reaction ko pag nagkita kami. Malamang e tingnan ko lang s’ya ng masama. (Di kase ako yung eskandalosa type). 

Nweiz, nung nabanggit ni Mama yung nickname ni ex e nagkatinginan lang kami ni cuz. Ewan ko ba pero parang nanlambot ako na ewan pagkarinig ko sa palayaw n’ya. Biglang nag-flash na naman yung mga sakit na binigay n’ya sa akin. Puro negative yung pumasok sa isip ko nun.

Sa loob loob ko, pusang gala naman, Mama, pls don’t say bad words. Alam mo bang niloko ako ng hayup na yun? Alam mo bang pinagpalit ako ng gagong yun sa ibang babae????

Pero tsong, wala e…Yung tipong naiinis ako pero di ko mailabas sa pamilya ko. Ni hindi ko man ma-share kay Mama. Ang sakit, diba?

Pagpasok ko sa auto ni Ate tuloy e matamlay ako. Naiiyak ako na ewan pero pucha, di ko mailabas. Sa sobrang sakit e tinext ko yung pinsan ko na nakaupo sa likod ng auto ni Ate. Nag-eemote na naman ako sa lintek na kaibigan n’ya…Pero as expected e di sumagot cuz ko. It’s either wala s’yang load or ayaw na lang n’ya makialam. 

Prior to that kase e tinanong ko s’ya if nagkita na ba sila ni ex. Kesyo di pa daw at matagal na raw since last sila nagkita kaya nagulat ako nung nabanggit ni Mama na nakita n’ya si L sa ospital.

Naiinis ako sa pinsan ko. I’m sure nagkausap na sila ng gagong kaibigan n’ya at malamang e alam na n’ya yung side n’ya. Pero ang putragis na pinsan ko e feeling safe lang at laging paiwas kaya lalo ako nabubuwiset.

Tsong, friend ni ex ang bro at cuz ko pero mas close sila ni cuz. So I’m sure, alam n’ya what really transpired pero yun nga, ayaw magbigay ng info, nakakainis! Wala akong mapiga sa kanya. La s’ya silbi.

At since dedma tuloy si pinsan sa text ko kanina e nanahimik na lang ako sa auto. Gustong gusto ko kausapin yung pinsan ko na nakaupo lang sa likod ng sasakyan ni Ate pero di ko magawa-gawa dahil maririnig kami ni Ate who was driving then. Olats, diba???

Frustrated na frustrated tuloy ako kanina kaya pagbaba ko tuloy ng auto ni Ate nung nakarating na ako sa skul e matamlay lang akong nagpa-thank you sa kanya sabay larga na. Lumipat sa front seat si pinsan pagkababa ko pero ni hindi man lang ako nagpaalam sa kanya. Feeling ko kanina e sasabog na dibdib ko.

Pagka-swipe in ko tuloy sa ID ko e dumiretso ako sa restroom. Initially e pagme-make-up ang sadya ko kanina kaya diretsong CR ako. (Nagmamadali kase si Ate kanina at di na ako nakapag-make up bago umalis ng haws. But then, pag ala na akong time to put on make-up e sa auto ko na usually ginagawa yun. But since ala nga akong gana kanina e nag-eemote lang ako silently sa auto kanina). 

So yun, ang next step tuloy e mag-make up na lang ako sa restroom since maaga pa naman. Pero pucha, anak ng tokwa, biglang naalala ko na naman si ex kanina at habang naglalagay ako ng foundation sa mukha ko e biglang umagos na yung mga luha ko na pilit kong pinipigil tumulo sa auto kanina. 

Pucha, awang awa ako sa sarili ko. Buti na lang at solo flight ako sa restroom nun kaya kahit wa poise e oks lang. Habang nagpapahid ako ng foundation e walang tigil sa pag-agos pa rin mga luha ko. Pilit kong tinatakpan ng foundation yung mukha ko para lang matanggal yung mga luha ko pero, wa epek. Parang gripo na tumutulo mga luha ko. Pulang pula tuloy mga mata ko pagkatapos ko maglagay ng kolorete sa mukha.

Tsong, ang sakit nun. Feeling basang sisiw ako. Feeling walang kakampi. Just talking about it makes me teary-eyed now.  

Much as I would like to dwell on the good ol’ times e nandun pa rin yung sakit…Yung feeling of betrayal…Insecurity…Self-pity…It’s a struggle to say I’m getting by when deep inside, it’s killing me… 

Ok na ako, tsong e. Tanggap ko na. Pero may times na sumusumpong pa rin yung sakit. Yung kirot…Yung tipong ok na ako then mabubuksan na naman yung mga sugat then back to square 1 na naman ako.  It sucks! It makes me feel worthless…A loser…When I know for a fact I’m not pero dahil iniwan ako for someone else e nakakasakit ng ego…Feeling ko I’m not good enough…

Tsong, mabait naman ako e…Mapagmahal. Maalaga…Loyal…Name it, I have it. I can say without batting an eyelash na masarap akong magmahal. Pero pucha, ano pang kulang?  Bakit pa s’ya naghanap ng iba? Bakit n’ya ako iniwan? 

Aaalagaan ko naman s’ya till we’re old and gray. Iho-honor ko naman s’ya as my man. Ipagtatanggol ko naman s’ya sa pamilya ko if worse comes to worst. Pucha, what more can he ask for??? 

Bakit s’ya nakapag-move on na siguro while here I am still hurting? (Or maybe, baka ni hindi man s’ya nasaktan at all). Ang daming mga tanong sa isip ko until now…

Minahal ba n’ya talaga ako or laro lang ang lahat for him? Tsong, madali akong kausap e. As I’ve said, makabagong babae ako. If type kita at type moko, then let’s go for it. Di kita hahabulin. Di ako maiinlove.  And I won’t demand for anything. 

Pero pucha, relasyon yun, di lang sex.  2 months of good and bad times…2 months of beating the odds…2 months of my life…Yup, 2 months lang…Pero it felt like forever…Coz I loved him dearly…Coz he was my life then…. 

Tsong, wala s’yang karapatang saktan ako ng ganito. Oks lang sana kung nanlalake ako…Kaso hindi e…S’ya lang talaga yung lalake sa buhay ko…Nagpakatino ako for him…

God, I can go on and on like this but I guess, the pain will always be there…Oks lang magmahal at masaktan..Part ng buhay yun e. But yung maging feeling basang sisiw? Fuck that shit! It’s the worst feeling! 

Tsong, yoko na…Gusto ko na manahimik…Ayoko ng umiyak…Ayoko nang maging basang sisiw…

Lord, help me please!!!!  

 

 

Posted by barenaked at 6:19 pm | permalink | comments[11]

     

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments