MOVING ON
June 16, 2008I think this is it…I’m slowly moving on…Oh well, as if I have a choice…
So far, so good.. I’m getting by…June 11 kami officially nagbreak (bday pa mandin ng ate ko, tsk!). June 11-12, sinusumbatan ko pa rin s’ya sa text, sinisilip ko Friendster n’ya at iniiyakan ko pa s’ya. But since June 13 hanggang ngayon, di na ako nagparamdam ever at di na rin ako umiiyak.
Naisip ko kase na waste of time and tears lang. In the first place, wala na kami e. 2nd, wala na kaming chance magkabalikan. At 3rd, assuming na balikan n’ya ako (which I doubt), yoko na rin. Wala na kase yung trust on my part.
Sure, naaalala ko pa rin s’ya from time to time. Maraming good and bad memories e. As much as gusto ko na lang mag-dwell sa good ol’ times, di talaga makayanan ng powers ko na kalimutan na lang yung kagaguhan n’ya sa akin.
Bigla na lang mag-e-echo yung mga putragis na dialogue n’ya sa akin na, “You don’t deserve me, you deserve someone better”. (At ikaw? You deserve someone better din kaya ipinagpalit moko?!), “I don’t love you anymore”. (Tangina mo!), “Nasasakal na ako sa katatalak mo at pag-pressure mo sa akin”. (Pucha! Ano’ng gusto mo? Humilata ka na lang maghapon at magdamag at maghintay na lang ng grasya sa akin?!), “I tried my best na mag-stay pero hirap na hirap na ako”, (Bakit? Tingin mo di rin ba ako nahihirapan?), “Nakakahiya sa pamilya mo, sa mga tao. Nahihiya ako sa sarili ko.” (E di magsikap ka. In the first place, ikaw yung nagpumilit na magkarelasyon tayo, di ako.), “That you are not like the last one, nor will you act as such.” (Bakit? Ganun ba kasama ugali ko??!!)at kung anu-ano pang ka-lechechan na dialogue.
I know I’m still bitter. Do I still love him? Feeling ko di na. (But who knows? Maybe I’m just in denial). Basta ang alam ko, sinaktan n’ya ako, niloko n’ya ako at pinaasa n’ya ako sa wala. (Or maybe ako lang yung nagpaasa sa sarili ko, hell I dunno).
Iniisip ko na lang yung basang sisiw moment ko kay model para madali ko s’yang makalimutan. Feeling ko walang makakatalo dun e. (Yung time na naglalakad ako sa ulan na walang payong habang umiiyak at pumasok pa ako sa raket ko kahit sasabog na yata ang dibdib ko sa sakit nun).
Successful naman ako so far. Wala ng iyakan blues since June 13. I must admit though na madalas pa rin akong tamaan ng lungkot. As I’ve said maraming memories e. 2 months with him is like forever. I gave my all.
Madalas ko s’yang maisip before going to bed and when I wake up in the morning. Or pag naaalimpungatan ako in the middle of the night. Lagi kase kami magkatext as any couple are.
Yung pagte-text namin before I go to work or yung pagtext ko sa kanya pag nakauwi na ako ng haws. Yung pagsasabi ko sa kanya where I go at kung sino kasama ko at kung ano’ng oras ako makakauwi. (At the same time, talagang mino-monitor n’ya ako). Simple things which mean a lot to me.
Yung pagbabalot ko sa kanya ng food pag may handaan sa amin. Sakto bday ng ate ko nung June 11(when we officially broke up). Wala na akong ipinagbalot ng food nun dahil wala na kami, hay…
And kahapon, triple bday celeb ulit ng Ate ko, bf n’ya(June 14) at nephew ko(June 12) . Dami na namang food sa haws namin. Naalala ko s’ya. He loves sweets pa naman. As usual, may Pistachio cake (fave n’ya) at Sinful Chocolate Cake (the last cake na kinain namin together nung 2nd month namin nung May 27). Maraming memories na di ko pwedeng basta kalimutan or itapon na lang.
I wanted to take care of him. Sabi nga ni friend, feeling ko ako lagi si Darna na magsasalba sa lahat ng problema ng bf ko. The reason why I wanted to live in with him is because gusto ko ako na lang magalaga sa kanya. Outcast kase yun sa family nila. Para s’yang di nag-eexist. Self confessed blacksheep s’ya ng pamilya nila.
Kung tutuusin, I live a comfortable life at home. Kain-tulog lang ang inaatupag ko sa amin. Naka-aircon kung matulog. Walang ginagawang kahit na anong gawaing bahay. Wala na akong mahihiling pa.
I was thinking pa nga na pag nag-live in kami e kukuha na lang ako ng gamit sa amin like tv, fan, pc, etc. I had qualms though of living in with him dahil feeling ko e lalong mapapaaga ang paghihiwalay namin kung nagkataon. Malamang e aso’t pusa pa rin kami if ever.
On his part e gusto n’ya na mag-live in kami para matigil na raw pagseselos ko. We were so in love before na pagli-live in kagad ang nasa isip nami.
For awhile talaga e desidido na kami to do it kahit alam kong magastos. I can afford it pero alangan namang sagot ko lahat, diba? Gusto ko muna s’ya magkaroon ng work or magaral s’ya ulit So yun, nag-apply s’ya sa work sa Ate ko. Imagine, ate ko ang nag-interview sa kanya, ha? Pero ayun, sumemplang s’ya.
Tigas kase ng ulo n’ya. Ilang beses ko na s’ya sinabihan na tanggalin n’ya hikaw n’ya at magbihis s’ya ng kagalang-galang. As in binigyan ko pa s’ya ng tips na magkaroon ng eye contact, shake the hands of my ate, etc.
Aba! Nagulat ako pagkakita ko sa kanya. (Nagkita kami after my work at at pagkatapos ng interview n’ya). Suot n’ya hikaw n’ya, naka-polo shirt s’ya (na may malaking print pa), naka-printed na jeans at naka-rubber shoes. Anak ng tokwa kako, assuming na ako ang interviewer e lagpak din s’ya sa sakin sa first impression pa lang.
Kesyo ok naman daw ang interview. He felt relaxed daw dahil parang ako lang daw ang kausap n’ya while talking to my Ate. Magkakamata daw kaming magkakapatid. Pag nga raw nakatingin s’ya sa mata ng ate ko e parang ako lang daw ang kausap n’ya.
That’s besides the point kako. May work experience na rin naman s’ya pero pucha, yung suot n’ya ang magiging issue panigurado. E yung pinsan nga namin na nag-apply din e nagbihis pa rin ng pormal kahit sureball na pasok na s’ya. Formality baga.
Paguwi ko tuloy ng house e fishing ako ng info sa ate ko. Alam ko kagad na di s’ya natanggap. Sakto pa naman e nag-apply din yung younger sis n’ya napagkaganda-ganda pa naman. Pati nga ate ko e nagreact na artistahin nga kapatid n’ya. (Yari na ‘to kako. Mukhang yung sis pa n’ya ang makakapasa sa work nito.).
Mga may face value pa naman ang hinahanap na employees ng ate ko. Si bf pa naman e guapo kung sa guapo kaya lang e may dark spots s’ya sa mukha dahil kinkutkot n’ya pimples n’ya dati. Ito namang sis n’ya e female version n’ya actually pero nuknukan ng kinis at puti. Beterana ng mga beauty pageants yun e.
But apparently, pareho silang na-reject ng sis n’ya. Gustong gusto ng ate ko sis n’ya but the problem is masyadong bata pa nga raw at wala pang work experience at baka maglaro lang daw s’ya sa work. But ayaw n’ya talaga kay bf. Mukhang ireponsable nga raw at di pumunta sa interview ng nakabihis ng maayos.
Looking back, blessing in disguise pala na di sila natanggap ng kapatid n’ya sa office nila Ate. Sama ko noh? Hehe pagbigyan n’yo na ako. Bitter-bitteran pa ako e.
So yun, hamak na bum pa rin s’ya as ever. And to think, sinabihan ko friend ko na pag 2 months na kami at wala pang work si bf e iiwanan ko na s’ya. Pero tsong, i didn’t. I stuck it out with him. Gusto ko kase pa-feel sa kanya I will love him at his worst. Pucha, Darna strikes again noh? Nagpapabayani na naman ako as usual.
You see, nadevelop yung feelings ko for him e. I mean, type ko s’ya physically but totoy s’ya. And I was thinking, he’s too young for me. Friends sila ng bro ko. Maraming kumplikasyon. Maraming kokontra. Pero s’ya yung nagpumilit na maging kami. At bahala na ang naging drama ko after. Bumigay din ako.
Until now di pa rin ako makapaniwala na wala na kami. When I thought s’ya yung patay na patay sa amin between the two of us. Pero wala na, he’s gone…And we’ll never be friends again…Everything is over…
Kahapon nga e pumunta ako sa salon at nagpagupit na naman ako. Pucha, dadaanin ko na lang sa pagpapaganda kesa magmukmok ako, diba? Anak ng tokwa, naalala ko na naman s’ya.
Nung May 25 kase e nasa salon ako’t nagpa-dye naman ako ng hair. We were so ok then. Magkatext pa kami nun at s’ya pa nga yung tampururot at bakit daw di ko s’ya tinatawag na “baby”. Sabi ko busy ako that time coz nasa KFC kami ng niece ko’t umoorder ako ng food nun kaya matipid ako sumagot. Babalik pa kako ako’t magpa-facial pa ako after namin eat ng lunch ng pamangkin ko. Alam n’yo yun? Yung tipong nagpapa-beauty ako for him. Sakto at May 27 ang 2nd month namin together at I wanted to look good for him. Kaya pucha, di ko ma-take ang turn of events.
Bigla na lang s’ya nagbago. Bigla na lang s’ya sumuko. Bigla na lang s’ya bumitaw. And what’s worse is iniwan n’ya ako coz he chose another girl over me.
That last time na magkatext kami e pinipilit n’ya na di pa n’ya gf si Brad n’ya. Kesyo magka-M.U. pa lang daw sila. Leche! Ke M.U. yan or gf or whatever, ala akong paki! Basta ang alam ko, sinaktan n’ya ako. Na iniwan n’ya ako for her. At binabandera n’ya sa Friendster ang bago n’yang babae para pangalandakan sa mundo na wala na kami at may bago na s’yang flavor of the month.
Minsan nga naiisip ko, sawa na ba s’ya sa akin? Iniwan ba n’ya ako dahil matagal na kaming di nagse-sex? Active kase kami nung una e. Pero lately e na-dyeta na s’ya sa akin.
Ewan ko ba. Bumaba na yata ang libido ko. Nagtatampo nga yun sa akin dahil bakit never ko daw s’yang yinakag? Bakit laging s’ya lang daw ang nagyayaya sa akin?
I dunno. Siguro mas gusto ko pa yung magkasama kami, magka-holding hands, magka-hug habang nag-uusap kami. Yung tipong wholesome lang. Mas ok yun for me. Mas sweet.
Sabi nga ni friend na pucha, tinamaan na daw talaga ako. She even quoted one of Paulo Coelho’s books. Na na-transcend ko na yung physical chuva.
Ewan. I mean, the sex was great. How can you go wrong with a very much younger man? (hahaha!). Ang libog e. Maagang namulat sa sex yun e. Yun nga lang, di s’ya marunong gumamit ng condom. Tinuruan ko pa ang lolo n’yo, hehe wow mali!
Natakot din ako for awhile. Delayed kase ako ng 1 week nung minsan. Pucha, kala ko magkaka-junior na kami. Yari kami kung nagkataon.
One time naman e sinumpong ako ng asthma after we did. Nataranta s’ya’t di n’ya alam ang gagawin n’ya sa akin nun. Kahit nakatutok na yung aircon sa akin e kinuha n’ya shirt n’ya at at pinaypayan n’ya ako.
Basta yun, basically, I just wanted to be with him. Give him small kisses all over his face and neck pag naglalambing ako. Oks na ako dun. Kahit walang sex, solb na ako.
I was sure of myself. I love him. I wanted to take care of him. I wanted him to give him all the love na di n’ya nakukuha sa family n’ya. I wanted to protect him. I wanted to give him a better future. Lahat lahat, tsong…
I can afford to spoil him with material things if I wanted to but I chose not to. Gusto ko kase magsikap s’ya. Gusto ko umeffort naman s’ya kahit konti.
Funny pero katext ko mga ex ko when L and I broke up. I can be friends with them now since almost 1 decade na since naghiwalay kami. Sabi nga ni to Sir with love, dapat daw magbago ako ng strategy sa pagpili ng mamahalin next time.
Dapat daw e ka-age at ka-level ko ang pipiliin ko next time. Sabi ko kase kala ko gagamitin ni bf yung love n’ya for me para magsikap s’ya. What can I expect from L daw? He lacks experience daw. He’s young at di pa s’ya ganun ka-advance magisip unlike me. (which I know is true coz nung ka-age ko s’ya, wala pa akong paki sa mundo nun at wala pang direksyon ang life ko).
Ewan ko ba. Hopeless romantic kase ako e. Pag mahal kita, mahal kita. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa. Kahit di ka pa magugustuhan ng pamilya ko. Kahit na wala kang pinag-aralan. Kahit hamak na tambay ka lang. Kahit di tayo magka-level. Hahamakin ko ang lahat para sa mahal ko.
And I don’t believe in that crap na “If you love him, set him free. If he comes back, he’s yours. If he doesn’t, he never was.” That is such a hyped statement. For me, pag mahal kita, ipaglalaban kita. Susuyuin kita. Di kita iiwanan.
Now, kung talagang ginawa ko na lahat pero ayaw mo na talaga sa akin, then that’s the time na susuko na ako. Pero yung isuko na lang kita basta basta? Hell no. Di ko gagawin yun. Kahit magmukha pa akong gaga, tanga, martir, etc.
And that’s exactly what I did with L. Pero wala na, tsong e. I tried to understand him pero makapal na talaga ang mukha n’ya. S’ya pa yung galit sa akin. S’ya pa yung nagmamalaki sa akin. Ni hindi na n’ya ako nirespeto. Ni hindi na n’ya nirespeto yung nakaraan namin.
Tinext ko nga s’ya dati ng, “O, ano? Tinext ka na ba ng bro ko? Di ka pa ba minura?” Pucha, nataranta ang lolo n’yo. Galit na galit sa akin. Kesyo bakit ko pa daw sinabi sa bro ko? Para ano pa? Para daw ba kasuklaman s’ya?
Tangina n’ya! Kapal ng mukha n’ya. Yun nga e. Bakit s’ya natatakot kako? Kung minahal n’ya kako ako, wala s’yang dapat ikatakot.
Ang gago, ako pa ang binaligtad. Ako pa ang thrineaten n’ya. Di naman ako takot kako. Wala akong dapat ikatakot dahil wala akong inagrabyado at di ko s’ya niloko.
But sa totoo lang, di ko sinabi sa bro ko. Nasa States s’ya ngayon. Sabi nga ni friend dapat daw e nagsumbong ako sa kapatid ko. Sabi ko no need. Lalo lang lalaki ang gulo. Tsaka alam n’ya kako ako, yoko ng gulo. Yoko ng eskandalo. Baka ikulong na nila ako sa bahay pag nalaman pa nila na I went out with him.
But had my bro known, alam ko di n’ya ako pababayaan. Baka nga masuntok n’ya si L. Ang laking tao pa naman ng bro ko, 6′2 at malaki ang katawan. Isang sapak lang siguro sa kanya, tumba na s’ya.
Type pa mandin ng bro ko yung sis n’ya. Pero yun nga, walang talo talo sa magbabarkada, diba? Masha-shock siguro bro ko pag nalaman n’ya pero alam ko na ako yung papanigan n’ya. Lalo na pag nalaman n’ya na may ibang babaeng involved at ipinangangalandakan pa ni L sa Friendster n’ya mismo, magkakalintikan na talaga. Magka-chat at magka-webcam pa naman sila from time to time.
Basta ako, gusto ko na manahimik. Gusto ko na lang ma-accept ng buong buo para makapag-move on na ako. Atleast lumitaw na tunay na ugali n’ya. Atleast 2 months pa lang, bumitaw na s’ya. Pano pa kaya kung tumagal kami?
Yung 2 months nga lang felt like forever. I know kaya ko ‘to. Pucha, di na ako nasanay noh? Beterana yata ‘to sa hearbreaks, haha leche! Sad but true. Dinadaan ko na lang sa patawa pero pucha, it sucks.
Nung nakita ko nga yung pic nung babae n’ya e parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Parang younger version ko s’ya. At mukhang mas bata s’ya kay bf ng konti. Bahala na sila. Alam ko di rin naman sila magtatagal. I’m giving them 2 months only. Magbe-break din sila. Mag-bahay bahayan na lang sila or magdota.
Sana, by that time, maalala n’ya ako not because he loves me but because nagsisisi s’ya na iniwan n’ya ako. There will never be another woman who will love him the way I did. (Pucha, kala ko di na ako iiyak. Biglang tumulo ang luha ko sa huling linyang ‘to, damn it!).
He broke my heart. Sabi ko nga sa kanya, “People fall out of love because they choose to. Love is a decision. Otherwise, wala na sanang naghihiwalay kahit sa mga married couples pa. I chose to stick it out with you coz I loved you. Sana sinabi mo na lang sa akin na u met someone para i could have done something. Kaso hindi e. You allowed her to consume you. U allowed another girl to get in the way. I know we had a lot of probs but that’s not how to solve a prob. Dinagdagan mo lang lalo yung sakit. You fell out of love coz you chose the easy way out.. You wanted something new, something different. T’was my decision 2 stay though nahihirapan na rin ako…becoz love is worth fighting for. You could have fought the temptation but you didn’t. You allowed another girl to come into your life. Sobrang sakit…Sobra…Sana alam mo yun…Ako, magmu-move on palang. Ikaw? You’ve moved on long before..Sabi ko di na ako iiyak but damn, I couldn’t help it. Feeling ko sinaksak mo ako nang patalikod. You don’t leave someone just because you meet someone whom you don’t even know what she’s up to…Leave someone because you’ve exhausted all means but still, you haven’t got any results. Never leave someone hanging…Never ever…Matalak man ako but rest assured that I will never leave you over a guy who’s better looking, richer, etc. T’was my decision to stay with you…To fought tempations…coz I promised I will never leave you. Ako yung may isang salita, not you…Pinagpalit moko over someone you think a makakasundo mo. Someone whom you think is better than me…Im not perfect but yung love ko lang for you ang maipagmamalaki ko…You should have given me a chance to fix what’s left in our relationship..but you didn’t allow me…coz you were blinded by this someone na di mo pa subok kung mamahalin ka the same way I did. You wanted to leave me coz nahihirapan ka na…Ganun ba ang love? Nang-iiwan pag nahihirapan na? Sure, I pressure you to work and study coz it’s the best thing for you to do…but whether magwork or just bum around, my love will carry on…coz that’s how love ought to be…Accepting a person as a whole and acceptiing his or her limitations. I’ve always wanted to take care of you. As I’ve said, mahilig ako sa mga walang future na relationships. Hopeless romantic kase ako e. Gusto kong bf yung mga tao na misunderstood coz that’s how I am too…Kala lang ng iba pakawala or party girl ako but all along, I just want somebody to love me as me…and when that person comes, I’ll do anything and everything for that person. Thought t’was you…boy was I wrong. Thought we had a solid relationship. Akala ko lang pala yun. We could have learned a lot from each other..I loved you…Maybe I still do…But you turned your back on me already. Nagmakaawa ako…Lahat lahat ginawa ko but to no avail…But still, thanks for everything. I call you my “L”, diba? Coz I used to have a GL, my greatest love. Yung ex ko before you…Mali pala…You are my GL. Or you were…Take care, baby…Be good…Be a fighter…Sayo nga lang ako natutong maging fighter e. Mahina kase ang loob ko…Ang weird ko nga…I feel mixed emotions now…Andyan yung sakit, sumbat, love, etc. As I’ve said, matalak lang ako but in the end, I still wish you all the best…Thanks for the love and the happiness you brought me before…Sorry for all the pain..Marami din akong regrets but I’m letting you go na…I can’t fight alone…Sana next time, just hold on to love more…I love you, goodbye…”
Yan yung mga texts ko sa kanya nung time na I was wooing him kaso wala na talaga. Pucha, kala ko ok na ako e. Di na ako umiiyak since June 13. Biglang nanumbalik lahat ng sakit ngayon….Habang tina-type ko ito e iyak ako nang iyak…Di ako makapaniwala na I’m capable of loving somebody that much.
You said “I don’t love you anymore” like it was just a normal thing for you…You don’t have a broken heart and there’s nothing to heal coz you broke your heart on your own to let me out and let someone else in…Don’t just walk away to someone pag nahihirapan ka na…Sayo ko natututunan yun e…Dahil mahina ang loob ko noong first few weeks ng relationship natin…pero sabi mu dapat tuloy pa rin natin kahit pag nahihirapan na tayo…na walang bibitaw…Yun yung pinanghahawakan ko sayo kaya kahit nahihirapan na ako, di pa rin kita sinuko…
May mga panunumbat din ako sa kanya…Kumpletos recados…“Di agad nawawala ang love…but yeah, agad mawawala yun pag may ibang dumating…Malaking tulong yun…Kaya nawala yung love mo for me dahil choice mo yun…Pinili mo yung isa…Tinulungan ka n’ya to heal your broken heart? Galing! Nakapag-move ka in an instant while here was I waiting for you…I never broke your heart! You broke it yourself para papasukin mo yang Brad mo!”
You could just imagine yung rollercoaster ride of emotions ko sa kanya…nandun yung love, pain, sumbat, etc. Ngayon lang ulit ako naiyak habang nagba-blog ako…Pumunta ako twice sa restroom para lang umiyak…Ayokong makita ako ng lola ko na umiiyak ako…Biglang nag-flashback yung sakit…The good times and the bad times…Lahat lahat…
Tsong, yoko na…Huling iyak ko na ‘to sa kanya…Mananahimik na ako…
Please pray for me…I really need your prayers…
WE’RE OVER
June 12, 2008Yes, people of the Philippines, la na kami ng love of my life…Bumaha na ng luha kahapon…
Tangna, di ko ma-take! May 3rd party involved. Ang bilis nagbago ng mga bagay bagay…Nasalisihan na pala ako, tsk!
Ang kapal ng kumag at pilit n’ya dine-deny. E kitang kita naman sa Friendster n’ya ang ebidensya ng kagaguhan n’ya.
Pero prior to that, di ko s’ya matiis e. Di ako tumupad sa usapan namin na wag muna kami magtext at magtawagan. After 1 day e tinext ko rin s’ya. Pero ramdam ko na ang panlalamig n’ya. Alam ko na di na s’ya babalik…
Tinatawagan ko rin s’ya pero kina-cancel n’ya mga calls ko. As in I was begging him na magkita kami at magusap. Lahat lahat na ng kamartiran at kagagahan, ginawa ko pero wa epek.
I know he was trying to be tactful pa rin sa text at first. Pero nung nangulit na ako sobra e dineretso n’ya sa akin at tinext n’ya ako ng, “I don’t love you anymore.” Ouch! Pucha! Sapul! Tangina he said it like it was just a normal thing to do.
Pero makulit ako e. Mahal ko s’ya. Sobra…As in sinusuyo ko pa rin s’ya kahit ipinagtatabuyan na n’ya ako.
Umaasa pa rin ako na maaayos din lahat. Na siguro natatakot lang s’ya sa pag-pressure ko sa kanya. Para kase kaming si Heart Evangelista at Jericho Rosales sa estado sa buhay. Hinding hindi s’ya magugustuhan sa amin kaya patago lang kami kung magkita.
Wala akong future sa kanya at alam ko yun from the start. Pero ewan ko ba, nalilinya ako lagi sa mga walang future na lalake. He’s very much younger than me too. Pero tsong, never naging issue sa amin yun. Yun nga lang, pressured s’ya sa akin na ayusin n’ya buhay n’ya.
Lahat lahat ginagawa ko for him. As in nagpapaganda ako. Amboy yun e. He’s goodlooking and young, I’m sure marami pa s’yang mami-meet na iba kaya I make it a point na to look good for him din.
Pero tsong, never ko inexpect na magkakaroon ng 3rd party sa part n’ya. S’ya kase yung mahigpit between us. As in mino-monitor n’ya where I go, sino kasama ko…He checks on my cp din lagi.
Ako naman yung sobrang tiwala sa kanya. Confident kase ako na mahal n’ya talaga ako. We were so in love before…Ibang level yung samahan namin before hanggang sa umasim na lang dahil sa sunod-sunod na away.
Madalas ko s’ya i-nag. Dapat n’ya ayus-ayusin ang buhay n’ya kako. I mean, pucha, 30 na ako. We have a big age gap. But then, naiintindihan ko din naman s’ya kung tamad s’ya dahil nung kasingedad ko rin s’ya e wala pa ding direksyon ang buhay ko…
Pero ang sa akin lang, kung mahal n’ya talaga ako, mag-eeffort s’ya at gagawin n’yang inspiration yung relationship namin para magsipag-sipag. Dahil sa totoo lang, nung naging kami, dun lang ako natutulong magipon talaga. Bulagsak kase ako sa pera e. Shopping dito, shopping doon ang inaatupag ko. But since naging kami, aba, biglang ibang level na rin ako magisip.
Yun lang naman ang prob namin e. Yung pagpressure ko sa kanya at pagna-nag. Other than that, pucha, nananahimik lang ako…As in sa kanya lang umiikot ang buhay ko. Work-SM-House-BF lang ang routine ko.
As in wala na nga akong night life. I was faithful to him. Iwas tukso ako. Sa totoo lang, makabagong babae ako e. I’m into casual sex. I have sex for fun. I don’t mind having one night stands pero tsong, once I’m in a relationship, pucha, behaved na behaved ako. As in no hanky panky. Kaya I was expecting him to be faithful to me as well.
Ni hindi na nga ako tumitingin sa iba. Di ko na pinapansin kung sinu-sino pang nagsusulputang number sa cp ko. Focused lang ako kay bf, wala ng iba. Kaya tsong, respeto lang, diba? Wala sanang mambababae…
Kaya naman imagine my horror nung makita ko Friendster n’ya at nalaman o na dinelete na pala n’ya ako. Parang pucha, baket? Ano kasalanan ko?
Pagsilip ko pa sa profile n’ya e kung anu-anong kalechehan pa nakita ko. May kaduda-dudang comment dun from one gurl na tinatawag s’yang “Brad” (na duda ko e brad as in brod)…Yung hobbies and interests n’ya nagiba, naging “texting my brad”. Fuck that shit! At naman, nakabandera si gurl sa Featured Friends n’ya. As in kaisa-isa s’ya sa trono. Pucha, nagpanting na naman mga mata ko sa nabasa ko. Tangna, tinext ko s’ya dali dali. As in nangiginig mga daliri ko habang tinetext s’ya sa sobrang bwiset.
Tinanong ko s’ya kung sino ang lecheng babaeng yun. Kesyo close friend daw n’ya at nameet lang n’ya nung June 6 sa party ng kinakapatid n’ya. Mukhang totoo naman dahil June 6 nga lang n’ya inadd sa FS n’ya. Dunno lang if nameet nga ba n’ya sa party or what.
Eto comments ni girl sa kanya:
* Posted 06/8/2008 2:56 am * .,hi brad,, ehe .,aaammmm wla lng…ehe .,dota tau.? ehe .,t.c.mwhuah!
==============================
* Posted 06/9/2008 3:04 pm
* .,oi brad! syempre kc un iba tao bka icipin nla 22o un.,gago cla eh.,aha
.,cge2 e2 matino..
.,aammm c brad…
.,adik sa yosi
.,laks sa alk
.,bestfren nya c arnie, (aha)
.,mapanguto
.,laks mmbola
.,malande, (aha)
.,o yan… la naku maicip eh..ehe
.,t.c.mwhuah!!!!!!!!
=================================
Tangna, diba? Ano yun? Kalandian n’ya bf ko while I was suffering and waiting in vain for him??? Fair ba yun??? Deserve ko ba yun? Leche sila!
In fairness dito sa bagong babae n’ya, cute s’ya. Chinita beauty at bata pa. Mukhang kasingedad n’ya. Alam ko mga tipo ni bf e. Mahilig s’ya sa mga ganung beauty.
Ang lakas ng loob n’ya na makipaghiwalay sa akin dahil may bago na s’ya. Look at the turn of events.
May 27- 2nd month namin at we dined out. We had an argument at napaiyak ako sa sobrang selos sa ex n’ya. Nawalan ako ng gana to eat kaya pina-take out ko na lang food ko. I also told him not to text me first. I saw his face at mukhang naiiyak s’ya kahit I told him na magusap kami but he said no, umuwi na lang daw ako. (Apparently, di pala n’ya ako narinig na ininvite ko s’ya na magusap kami. Dunno if true).
May 28- I was cold to him.
May 29- Okay na ulit kami and I called him up sa cp n’ya. He said, “I miss you” to me and I said, “I love you.” He replied, “I love you more.” (He always says he loves me more.)
May 30- We were supposed to meet pero tinamad ako. He texted me na lumabas daw ako ng haws at tingnan ko yung rainbow. Told him I was busy doing nail art sa toenails ko. But lumabas din ako sa terrace at pinanood namin ng mga 3 pamangin ko yung rainbow. I even took a shot of it.
With matching hirit pa ang gago. Wish we were together daw while watching the rainbow. Ako naman si gaga, kilig na kilig,tsk!
May 31-June3- Away bati kami as usual. I nag him about his laziness.
June 4- I watched Prince Caspian together with my 8yo niece. Oks pa kami ni bf. Magkatext pa kami.
June 5-So-so day.
June 6- We were supposed to meet after my 5-7pm tutorial with my Italian student. Prior to that, I asked him if magkikita ba kami. Nasa akin daw if I want. So yun, after 7 e tinext ko s’ya at sinabihan na magkita kami. Di s’ya nagreply. I called him up, cannot be reached s’ya. Tumambay muna ako sa SM thinking he would reply soon at bakasakaling magkita pa kami. When I went home, I received a text from him telling me na nag-away daw sila ng Mama n’ya. At dahil bwiset na bwiset ako sa kanya nun e sinumbatan ko naman s’ya na na ang daming n’yang excuses lagi. Na kung di s’ya tulog, low batt s’ya or badtrip s’ya or watever. Daming kaeklatan in short.
June 7- I texted him pero nagreply ang gago na wala daw s’ya sa mood magtext at next time na lang daw s’ya mag-a-unli. Gulat tuloy ako dahil unexpected yung sagot n’ya. I asked why and he said na marami daw s’yang probs at we need to cool things off daw muna. Cool off? WTF?! E euphemism lang yun ng “break up” sa bokubularyo ko, hay…I texted him tuloy at sinabi ko na i don’t believe in cool offs…Na kung makikipag-cool off din lang s’ya sa akin e mas mabuti pang maghiwalay na lang kami. Aba ang buwiset sumagot ng, “ok, sige…….”
All along akala ko susuyuin n’ya ako or something. Or atleast maaayos din eventually. Ganun kase kami. Away-bati. Ako tuloy yung di nakatiis at tinext ko s’ya at sinabing pwede naman maging kami pa rin without the label na “cool off”. That term scares me kase dahil ang dami pwedeng mangyari during that period. Pero yun, wa epek ang pagsusumamo ko.
June 9- I texted him again pero yun nga, he needs space daw. As in wa epek talaga ang charm ko, olats. Pero no choice ako but to wait in vain. I texted him what exactly he meant by the word “cool off”. He said na wala muna kaming communication. As in no texts or calls. And then I asked how long. Dunno daw until when. Pucha, kinabahan ako bigla sa statement na yun. Alanganin e. Papunta na yun sa wala talaga.
Pero ako naman si gaga na inlababong tunay, fighter pa rin talaga. Kahit alam kong iiwanan na n’ya ako e in denial pa rin ako. Feeling ko kase e baka nape-pressure lang talaga s’ya sa akin at badtrip lang s’ya sa family n’ya kaya yun, pilit ko pa rin s’yang iniintindi.
Di rin ako nakatiis at yun na, ala pa mang 24 hrs ang nakakalipas e tinext ko s’ya around 2am. Di kase ako makatulog nun at naiisip ko pa rin s’ya. Feeling ko e may unfinished biz pa rin kami. Got no reply from him. Inisip ko na lang na baka tulog na s’ya.
Paggising ko the next day e may text s’ya from me around 3:30am. Kesyo he needs more space pa rin daw. Chuvanes kaeklatan ever. Pilit ko s’yang iniintindi kaya I was begging him na sagutin naman n’ya mga fone calls ko or magkita kami or whatever. Alam ko kase na marami kaming probs na dapat ayusin at willing naman ako to compromise para maayos yung relasyon namin.
Dumating sa point na I asked him if he has fallen out of love with me already. He said na ganun nga raw yung palagay n’ya. Ouch! Solid! Sakit nun. I asked him why. Nagkapatong patong daw kase yung probs namin at puro away daw kami lately.
Though masakit e pilit ko pa ring i-justify yung reason n’ya. Totoo naman kase na palagi kaming nag-aaway lately at matagal-tagal na kami di nagkakausap ng masinsinan to clear things out. Pero deep inside, nawi-weirduhan ako kase alam ko how much he loves me before at parang di ko maarok na biglang ganun na lang. As in I asked him pa nga kung wala na ba talaga. Zero na raw. Pucha, ang sakit, diba?
Pero gaga talaga ako. Pilit ko pa rin pinagsisiksikan yung sarili ko sa kanya dahil confident ako na walang 3rd party sa part n’ya. Na pwede pa naming maayos yung relationship namin. Na kailangan lang naming magcompromise at maaayos din ang lahat eventually. As in never say die ang drama ko kahit awang awa na ako sa sarili ko’t feeling basang sisiw na ako.
Nandun yung nagkakabadtripan na kami sa text pero pilit ko pa ring maging mahinahon. Naiirita na kase s’ya sa kakulitan ko. Ako naman e patuloy pa ring nagpo-profess ng undying love ko for him. Pero wala e. Matigas na talaga yung puso n’ya.
Dumating pa sa point na susuyuin ko s’ya kako. Na ako yung manliligaw sa kanya. I was really begging him to give me another chance at gagawin ko lahat kako ng gusto n’yang gawin ko. Kulang na lang e sungkutin ko talaga ang buwan at mga bituin at ialay ko sa kanya para lang balikan n’ya ako. But still, to no avail.
The least I wanted was maging friends man lang kami. (I know kaplastikan yun dahil I’m never friends with any of my exes). But paeklat ko lang yun just to be closer to him again. Don’t worry daw at friends pa rin naman kami. So yun, ok na e. Gud enuf na for me kahit papano kesa sa wala, diba?
I even asked him kung may kapalit na ba ako sa puso n’ya. Kesyo wala daw and I believed him naman. I was really confident na he will never cheat on me. Napagusapan na kase namin yun before. Na we hate twotimers at maging honest na lang kami sa isa’t isa kung dumating man yung point na may ma-meet kaming iba. All along, nakatatak na sa isip ko yun. Na walang mangagaliwa sa amin ever. I mean, confident ako na I won’t twotime him ever pero as far as I’m concerned, di rin n’ya gagawin yun sa akin based sa pagkakakilala ko sa kanya.
I even asked for a close friend’s advice kung ano ba ang dapat kong gawin at ano sa tingin n’ya ang magiging ndin namin ni bf prior to our “break up”. Feeling n’ya e may iba na si bf. Ako yung nagbubulag bulagan na nagsabi sa kanya na di n’ya magagawa sa akin yun ever.
Ito pa namang si friend e saksi sa lovey dovey moments namin ni bf before. Nameet na n’ya kase si hinayupak. And boto s’ya sa kanya actually kahit alam din n’yang wala din ako future sa kanya. Witness kase s’ya kung gaano kami ka-sweet ni bf. Alam n’ya how much we loved each other then.
Ito pa namang si bf e super sweet. As in dedma sa age gap namin kahit very evident pag makikita mo kami together. Pero wala s’yang paki at nilalambing n’ya ako in public. He would kiss and hug me in front of a lot of people . And sabi nga ni friend, kitang kita daw sa mata namin how in love we were.
Bukambibig ko pa naman lagi si bf sa kanya. Napansin nga n’ya na in an instant e nakalimutan ko si model (my ex before bf na iniyakan ko rin nang todo). As in binuhos ko talaga yung atensyon at pagmamahal ko kay bf. Nagpakabayaning gf ako for him.
Kaya naman imagine my horror nung makita ko kung anu-anong kalechen n’ya sa Friendster n’ya.
Kani-kanina nga lang e sinilip ko ulit yung profile n’ya. (I know I shouldn’t but I couldn’t help it). Aba ang mga ungas, talagang pinaninindigan na ang relasyon. Yung primary pic n’ya e edited at nasa right side yung pic ni bf while nasa left side naman yung pic ng babae n’ya. At wag ka, may bago na namang testi s i girlaloo for him. Pucha, mainit init pa ‘to kaya nanggagalaiti ao sa galit. (At take note, yung pic ni bf dun e galing pa sa cp ko. I always take his pix kase).
# Posted 06/11/2008 3:17 pm
(in graphics form) he may not seem perfect to you…but he’s perfect for me!
===================================
Tangina! Kapal ng mukha talaga nila! Binabandera nila ang kataksilan nila, mga puke ng ina nila!
At eto pa, nabasa ko bulletin board post ni bf kahapon dahil pinasilip ko dun sa cuz ko who happen to be here sa haws namin kahapon.
Eto ang bulletin board post n’ya entitled “Believe Me”
“You have no idea how hard it was for me to switch over from the mind-set that i was in, to the one that would allow me to move on and accept you into my life. It took me almost one week, after getting with you, before I was finally able to accept the fact that you are someone entirely different. That you are not like the last one, nor will you act as such.I am now looking forward to each and every new day wondering what new things will happen. That i get to see you every day helps me greatly,as well, and I am still in the middle of this whirlwind,that is now my life. There are not enough ways for me to thank you for coming into my life and healing my broken heart. It was as though God planned this before either of us were brought into existance on this earth. That he knew years later, we`d find each other and that I`d feel complete for the first time. Not a day goes that I dont thank God for bringing us together. I feel as though it was destiny but wonder just the same if you feel this way too.”
Badtrip, diba???? “That you are not like the last one, nor will you act as such.” What the hell is that???!!!
Kaya naman talagang nanginginig ako sa galit nung mabasa ko yung post n’ya. Kaya pala dinelete n’ya sa Friendster n’ya…Para di ko mabasa yung post n’ya. Pero yun, I found a way. ]
Kaya yun I bombarded him with texts ulit. Alam ko nakukulili na s’ya pero what do you expect? Alam ko wa epek na sa kanya mga texts ko. Malamang nga e di na rin n’ya binabasa ang ito at diretso delete na s’ya. Pero la ako paki. Kailangan ko ilabas galit at sama ng loob ko.
Ito pa ang nakakabuwiset. Huling huli mo na nga e pilit pang ide-deny na may ibang babae na s’ya. S’ya pa ang may ganang magalit at sobrang kulit ko daw. Bahala na raw ako magtatatalak at magpapalit na raw s’ya ng sim. Titi n’ya! Go ahead kako. Sigurado naman ako na makukuha ko number n’ya kahit ilang beses pa s’ya magpalit ng sim. You see, kapitbahay namin s’ya dati. And to top it all off, friend s’ya ng bro at cuz ko.
Yup, as in bro ko. Kaya patago lang yung relasyon namin. Unang-una, my family won’t approve of him. As I’ve said, Heart-Echo kami sa status ng buhay namin. Di nila hahayaan na sa kanya lang ako mapunta. Baka mapauwi ng Pinas ng wala sa oras si Daddy. Or baka mapaaga ang punta ko sa Tate. Pangalawa, walang talo talo sa magkakaibigan, diba? Nasa US din bro ko now pero had he known, sigurado namang kokontra din yun panigurado dahil obviously, maghihirap lang ako sa piling n’ya. Pangatlo, we have a big age gap. I really don’t mind pero alam n’yo naman ibang tao, masyadong mapanghusga. I’m sure big deal yun for other people. Pang-apat, he’s a loser. Alam n’yo ba yung show sa ETC na “Parental Control”? Yung mga guys/gals na walang future sa buhay yung bf/gf nila? Ganung level s’ya. Walang ibubuga. As in siguradong magkakaron ng “parental control” sa part ko pag nalaman nilang may relasyon kami.
But still, ayun, I took a chance with him. Actually, ayoko talagang maging kami nung una. Nakikinita ko na kase ang ending. Alam kong wala ding mangyayari. Alam ko kase na maraming kokontra sa part ko. I couldn’t even post pics of him or us sa Friendster ko dahil makikita ng mga kapatid ko especially my bro. Yari kami panigurado. As in nakaka-chat ka webcam pa n’ya bro ko.But then, nagpumilit s’ya na maging kami. I gave in eventually and decided to give it a shot.
In fairness sa kanya, marami naman kaming happy moments together. He really made me happy nung time na ok pa kami. He’s sweet, funny and he really took care of me. Minsan nga, feeling ko ako yung mas bine-baby n’ya.
Ngayon lang ulit ako nagbday na hindi umiiyak. We were so sweet then. Para kaming may mga sariling mundo nun at naghaharutan kami sa park.
He’s very appreciative as well. He always tells me I’m beatiful. (Jomari Chan’s “Beautiful Girl” is his song for me). Pinupuri n’ya ako when let’s say, my shirt looks good on me or when my hair is up.
He loves it when I smile. Wala daw akong mata, hehe! Weakness n’ya kase yun sa girls. Nakita ko pics at vids ng mga ex n’ya sa cp n’ya at lahat e chinita. (Pinadelete ko lahat at ginawa naman n’ya).
We would always dream about how our future kids would look like. Ako gusto ko kamukha n’ya e. Fil-Am kase features n’ya. Ganda ng mata, tangos ng ilong. And he has nice teeth at cutie din s’ya magsmile. Pero s’ya gusto n’ya sa akin magmana sa mata, kutis at height.
I’d like to believe na minahal din naman n’ya ako kahit papano and naging totoo naman s’ya sa akin pero with the recent developments, nagdududa na ako.
Di ako makapaniwala na nagbago na lang s’ya out of the blue. I know may mga pagkukulang din ako which probably led him to fall out of love. Matalak talaga kase ako sa text. Pero pucha, kailangan e. Dahil kilala ko yun, kung tamad ako, s’ya naman e height ng katamaran. But then, sa text lang ako matalak. In person naman e sweet ulit kami’t parang walang nangyaring away.
Sabi n’ya bossy daw ako. Matalak. At nasasakal at nape-pressure s’ya sa akin ng todo. Pucha, 30 na ako. Iniisip ko na rin ang future. What does he expect? Pabayaan ko na lang s’ya na humilata maghapon? Pucha, di naman pwede yun.
Pero yung mambabae s’ya or iwanan n’ya ako para maging free sila ng babae n’ya, yun ang di ko ma-take. Sobrang unfair. Sobrang nakakasakit ng ego. And to think, I was begging him to come back to me pero inuulol na pala n’ya ako. Fuck that!
Nagmukha akong gaga, tanga, martir, basang sisiw. Name it. Pero ginawa ko for him. I was really holding on to our relationship. Maraming beses na rin ako sumuko pero s’ya yung nagturo sa akin to be a fighter. Na wag daw akong magisip isip ng kung anu-ano at i-enjoy na lang yung relasyon namin dahil maaayos din ang lahat eventually.
Pero s’ya yung umatras sa laban. Iniwan na lang n’ya ako bigla sa gyera. Sure, nagfa-fluctuate din yung love ko for him dahl lagi kami nagaaway. Pero pag nangyayari yun e sinasabihan ko s’ya para he cud make up for it. Yung natitirang love ko for hin yung reason kaya I stood by him. I wanted him to realize na mahal ko s’ya kahit ano pa s’ya, Na I will love him at his worst. Tanginang love! Tangina!
He’s gone…He left me already…At alam kong di na s’ya babalik ever.
He hurt me so much. He was my life. Kasama na s’ya sa future plans ko. But he chose another woman over me.
I dunno if I still love him…Maybe I still do. Mixed yung emotions ko. I’m angry, disappointed, sad, etc. Pucha, halo halo na.
I’m not his baby gurl anymore. And I won’t be the future Mrs. Jones anymore.
Funny nga coz during the time na cool off kami e may nakita ako sa magazine na customized shirt with the message, “Future Mrs. Jones”. Pucha, ginupit ko yun at tinago ko sa drawer ko yun. Wishing and hoping pa rin ako na babalik din s’ya sa akin kahit alam kong malabo na talaga. As I’ve said in denial ako. But damn, I won’t be his wife anymore.
Others tell me na makakaresbak din ako sa kanya. But honestly, di ako ganung klaseng tao. For me, the sweetest revenge is yung di s’ya makatulog at night knowing he fucked up on me…Na maalala n’ya ako from time to time while he’s with his new girl…Na maisip n’ya ako while they’re having sex….Na pagsisihan n’ya na iniwan n’ya ako…Oks na ako dun…
He’s gone…I just pray na sana makarecover ako kagad…
Thought model was my GL(greatest love). Di pala. Mr. Jones was my GL. Or is…Sana mali ako sa sinabi ko kay friend na, “Once a GL, always a GL.” Nagkamali na ako kay model. Sana mali din ako with my dear ex-bf. Sana my GL is yet to come…
LORD, ETO NA NAMAN PO TAYO…
June 8, 2008Hay…Palpak na naman ang lovelife ko…Tsk!
Wala na kami ni bf, wahhhhh! More than 2 months lang kami…Actually, matagal-tagal na rin yun considering the fact na away-bati kami…Di kami magkasundo. Lahat na lang pinagaawayan namin.
Pero tsong, in fairness sa akin, I was in a monogamous relationship with him. Alleluiah, that’s something! Malamang e magpalipat-lipat na naman ako ng kandungan nito, hay…
Kala ko s’ya na e. Marami na kaming pangarap…Mag-live in..Have a baby after 2 years…At kung anu-ano pa…
Pati sa pagba-blog, nanahimik muna ako. Gusto ko munang i-enjoy yung relationship namin kaya di ko na minention sa mga entries ko. Nweiz, ang importante naman for me is yung masaya kami…which we were…
Kaso ewan, biglang parang nagiba na yung ihip ng hangin. Nagkandagulo-gulo na…Nagkalamigan na…Nagka-ewan na, hay…
Kung tutuusin ilang beses na kaming nagkahiwalay pero nagkakabalikan din naman kami in the end. Hanggang sa dumating na lang yung point na sinabi ko sa kanya na yoko ng makipaghiwalay nang basta basta na lang.
Maldita kase ako e. Madalas e nakikipaghiwalay ako sa kanya dati kahit na mababaw lang ang reason. Confident kase ako na susuyuin n’ya ako. Hanggang sa na-realize ko na mali yun kaya sinabi ko sa kanya na yoko na ng ganun.
For awhile e ok naman kami. Feeling ko nga e naging closer kami but then sa una lang pala yun. Maraming bagay talaga kaming di mapagkasunduan. Lahat na lang pinagtatalunan namin. “Love” na lang siguro yung reason kaya nag-stay pa rin kami kahit na di na talaga kami magkasundo. Pero kakapagod din pala…Or napagod din s’ya…Ewan, ang labo…
Yoko kase ng cool off. Feeling ko walang kuwenta yun. Ang cool off e same din ng break-up sa bokubularyo ko. Or atleast papunta na rin dun…And he wanted to cool things off muna…
Leche! Ano na namang kaeklatan yun?! Pilit ko s’yang iniintindi pero lumalayo s’ya. Pucha, pano ko s’ya aabutin? Hay labo…
Yoko pati ng mga bagay na di klaro. It’s either we’re together or we’re not. Nothing in between.
Daming pwedeng mangyari e. Dun sa time na cool off period or whatever…Pwede namang mag-hang on e…Pero tangina, walang cool off, cool off! Kalokohan yun for me.
Puta? Bat ganun? Bakit ang sakit sakit? Ilang beses na nangyari ‘to and yet, laging msakit pa rin…
Na-imagine ko na kase yung future ko with him. Kala ko s’ya na e. Na I would be the future Mrs. Jones. Na we would have beautiful kids someday.
He’s 1/4 American and 3/4 Pinoy. Ganda ng mata, tangos ng ilong…Gusto ko kamukha n’ya mga babies namin…Pero gusto naman n’ya na sana magmana sa mata, kutis at height ko ang mga future kids namin…Hay those were the days…Sarap mangarap…Pero mapupunta din pala sa wala…
I love him…Until now…Pero pano naman ako lalaban kung iniwan na ako ng kakampi ko? I ain’t his baby gurl anymore…I ain’t “beautiful girl” anymore. (Yup, that’s his song for me. Jose Mari Chan’s “Beautiful Girl”.)…Wala na…I think our relationship is really over and wala ng balikan pa na mangyayari ever…Puta, it sucks!
Hay, Lord! Help me, pls…Sasabog na yata ang dibdid ko sa sakit…










