RAIN, RAIN, GO AWAY
July 15, 2008Pucha! Basang sisiw ever na naman ang drama ko kanina. Lecheng ulan! Nag-moment na naman ako kanina, tsk! Poor me. Hay…
Sabi ko nga kay friend, “what is it about the rain?” Bakit may masamang hanging dala yata ang ulan at depress-depressan ang mga people of the world? Ano bang meron sa ulan, Pasko or Valentine’s Day?
Sinumpong na naman ako ng lungkot kanina…Dami na namang memories… Pilit kong nilalabanan pero pucha, di ko kaya…Tsong, tao lang…
Ok na ako e. (Or so, I thought). Basta yun, I’m trying my best to move on na…As in tinanggal ko na s’ya sa sistema ko. Or rather, tinatanggal ko na…
Pero pusang gala, naiyak na naman ako kanina, grrr! Habang eat kami ni friend sa mall e pinag-uusapan namin ang mga sawi naming lovelife. Pareho kaming brokenhearted kase ngayon. Yun nga lang, magkaiba ang sitwasyon namin.
Kay friend, s’ya ang nangiwan sa dyowa n’ya. Ngayon namang binabalikan n’ya ex n’ya e ayaw na or ayaw pa ni dyowa. Kesyo di pa daw s’ya ready…Na gusto n’ya e maging ok muna ang lahat lahat…Blah-blah-blah…
Putragis kako. Ayan na naman tayo sa mga lecheng kaelatan na yan. Pampelikula ang mga quotable quotes e.
Yoko kase ng mga kachuvahan na yan. Alanganin ang mga sagot. Di ba pwedeng Yes or No lang then yun na yun? Wala na sanang in-between. Mas nakakagulo lang ng mundo e.
Nweiz, huntahan lang kami ni friend ng mga heartaches namin. Na-meet n’ya kase si love of my life dati (hanggang ngayon pa rin yata, hay…) at saksi s’ya kung gaano kami ka-sweet ni ex. Di rin n’ya ma-gets what went wrong. Mas lalo na ako kako.
Ok naman kase kami dati. As in sobrang ok. At kung feeling ko may mang-iiwan sa amin, ako yun, not him. Not ever.
Pinanindigan ko na talaga na wag na magparamdam. May instance lang na na-wrong send ako sa kanya dati pero di ko talaga sinadya yun, promise! (Magkasunod kase number nila ni Baby Jiammppong at sa pagmamadali ko e sa kanya ko pala na-text).
Nweiz, di rin s’ya nagreply.( Nagkataon pa mandin na baka feeling n’ya e kumakarengkeng ako sa tono ng text ko)…At mind you, di rin ako umeffort na pa-ring ang fone n’ya using another sim card or whatever…Or alamin kung nagpalit na ba s’ya ng number or what…
Talagang kinundisyon ko na sarili ko na wag na magparamdam…Yung pagsilip lang sa Friendster n’ya ng once or twice yata ang mortal na kasalanan ko so far…Pero, tsong, gud enuf pa rin, diba?
Imagine, natiis ko na wag magparamdam ever??? But then, siguro nakayanan ko lang kase may kapalit na ako sa puso n’ya, hay…Kumbaga e no choice na lang ako kaya nagpapakatatag na lang ako…
But assuming na wala pa s’yang iba e malamang never say die pa rin ang drama ko at may-I-profess pa rin ako ng undying love ko for him till now…Hay…
Pero tsong, lagi ko sinasabi sa sarili ko na yoko ng mag-moment…Yoko na umiyak..Sayang lang kase ang precious tears ko…
I mean, yoko na maging feeling basang sisiw while busy na s’ya at masaya sa ibang kandungan…Gusto ko naman bigyan ng konting pride ang sarili ko kahit papano kaya I’m trying to be strong…
Pero pucha, tao lang po…Nagsta-struggle pa rin ako, I guess…Kase nagmoment na naman ako kanina sa mall. Puta, badtrip!
Imagine, may-I-cry ang lola n’ya habang kumakain kami ni friend??? Pucha, mantakin n’yo yun??? Alangya, yoko ng mga ganyang kadramahan…Naaawa lang ako sa sarili ko lalo pag ganyan, hay…Tina-try ko kontrolin pag-iyak ko pero di ko mapigilan, wahhh!
At nung naglalakad na kami ni friend para mag-shopping spree e biglang naiyak na naman ako..As in iyak na napatigil kami sa isang sulok sa mall at nakatalikod ako sa mga ppl of the world habang pinupunas ko mga luha ko..Pero tsong, halata e…As in pinagtitinginan na tuloy kami ni friend. Wahhhh I couldn’t help it!
Ewan ko ba…Lumalabas pa rin yng naturalesa ko sa mga ganitong sitwasyon…Bumibigay din ako kahit I’m trying my damn best to be strong…Sabi nga ni friend e halatang love ko pa rin si ex till now…
Pucha, alam ko deep inside na totoo yun…Pero di na importante kung mahal ko pa rin s’ya or di na…Iniwan na n’ya ako…Kahit ano pang gawin ko, kahit bumaha pa ulit ng luha ko e di mababago yung sitwasyon na may iba na s’ya…
Ang sa akin lang, ayoko ng kaawaan sarili ko..Yoko ng mag-moment…Gusto ko na lang manahimik…Gusto ko na lang magising one day at sabihin na “tsong, wala na…Di ko na s’ya mahal at di ko na s’ya iiyakan…” Tangina, sana ganun lang kasimple yun…Pero ang hirap e…
Kala ko last na yung pag-iyak ko sa restroom 2 weeks ago nung maalala ko s’ya…pero tsong, di pa pala…Struggle pa rin till now…Pasumpong-sumpong yung lungkot…Yung pain…
Putragis na ulan kase e! Ang daming memories…Pucha, pati ulan pinagdidiskitahan ko na e…Height of desperation or depression na ba ito???
Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Epekto lang ba ng ulan ‘to? Or talagang mahal ko lang talaga s’ya hanggang ngayon?
Damn! Yoko sagutin yung tanong ko…I think I know the answer…In denial lang ako…
Tsong, sana wala munang ulan pls…Tsaka na lang…Pag ok na ako…Sana hintayin naman ako ng ulan…Sana sabayan naman n’ya ako…








