Home » Archives » 23. July 2008

NECKTIE DILEMMA

July 23, 2008

Alangya, ang hirap pala mag-tie ng necktie, grrr! Kala ko e simple lang, di pala, hehe wow mali!

Kakabili ko lang ng 2 neckties sa Am Blvd kahapon. Nung binili ko sila e maayos na ang pagkakatali nila kaya sabi ko sa sarili ko na no sweat na yun at yakang yaka ko na.

Pero dahil sa kakakalikot ko e lumuwag yung pagkakatali nung heart necktie ko at before I knew it e natanggal na ng todo ang pagkakatali nito. Kala ko e madali ko lang s’ya maibabalik sa dating porma n’ya kaya nagulat ako na pahirapan pala.

Para pa akong eng-eng dahil yoko galawin yung plaid necktie ko naman dahil baka matanggal din ang pagkakabuhol nito at mawalan ako ng pattern, haha syet! Kaya naman nung tinatry ko ayusin yung heart necktie ko e gusto kong ma-achieve yung pagkaayos n’ya nung time na binili ko s’ya but to no avail. 

As in di pulido ang pagkaka-tie ko lagi, huhu! Ngayon ko lang na-realize kung bakit sa pelikula e madalas na makikita na may tiga-ayos lagi ng neckties ng mga guys. Skill pala s’yang maituturing, hehe!

Kaya naman tinext ko tuloy ang ibang friendly friends ko at nagpapaturo ako kung pano magtie ng necktie. Nagulat tuloy ako nung magreply si Koya Larr sa text at sinabi n’yang may American style pa daw na single loop at may British style pa daw na double loop naman (na “Windsor Knot” din ang tawag malamang). Di ko alam na may mga ganung kaeklatan pa pala, hehe wow mali!

Nag-search tuloy ako sa Youtube ng vids kung pano ang technique sa pagtali ng necktie. As of now e watch mode pa lang ako. Di ko pa triny sa mga ties ko, tsaka na lang, hehe!

O, diba? Parang ang simple lang kung papanoorin pero ang hirap i-apply, hehe! In fairness sa Youtube, ang laking tulong talaga nito sa madlang pipol.

Sa Youtube ako natutong maglagay at magtanggal ng contact lens at ngayon naman e ang paglagay ng necktie naman ang aaralin ko, hehe!  Goodluck sa akin, sana mapag-aralan ko ng pulido ang techniques, hehe!

Posted by barenaked at 4:59 pm | permalink | comments[18]

     

July 2008
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines