STALKER
July 26, 2008Uy, break na yata sila Ex at nung babae n’ya. Ewan ko ba pero natuwa ako. Alangya, ang sama ko noh? Hehe!
Kahapon e inatake na naman ako ng pagiging stalker ko. Habang online ako sa skul e natutukso akong i-check yung Friendster ni Ex. Pero dahil sa pilit kong nialalabanan yung tukso e tinext ko muna ang friend ko para mapigilan n’ya ako.
Surprisingly, unexpected ang reply ni friend sa text. Bakit daw di ko i-check yung FS ni L. Baka daw break na sila ng babae n’ya. Dahil dun e parang eng-eng tuloy ako na pilit hinahanap yung FS n’ya.
At dahil sa nagpalit na s’ya ng email address sa FS n’ya at malamang e nag-iba na rin s’ya ng name mula “Crazy For You” to whatever e pahirapan sa paghahanap. Chineck ko yung mga nag-view sa FS profile ko pero di ko na s’ya mahanap dahil ang naka-display lang dun e yung last 100 people na nagview lang.
Ako naman si gagang feeling detective e never say die pa rin. At dahil alam kong ka-Friendster ni L ang bro at cuz ko e dun ko s’ya hinanap sa profile ng pinsan ko. As in ingat na ingat pa ako sa paghahanap sa kanya dahil baka ma-miss ko yung name n’ya. Ang focus ko tuloy e sa primary pic para mamukhaan ko s’ya.
Dumaan ako sa “A” profile at wala s’ya dun…(His nickname starts with “A” kase)…click pa rin ako ng click ng kung anu-ano…letter C…negative..wala ang “Crazy For You” kaeklatan n’ya…letter M…ala pa rin…(If I’m not mistaken sa “M” nagsta-start ang name ng babae n’ya)…pero never say die pa rin ako…pilit ko pa rin s’yang hinahanap…Ewan ko ba pero may kaba akong nararamdaman habang hinahanap ko s’ya sa FS..Natatakot ako na baka mainis ako or mabadtrip or maiyak na naman…
But since andun na ako, wala ng atrasan kako…Bahala na…Kaya yun, hanap pa rin ako ng hanap sa kanya…At nung mapunta ako sa letter W e dun ko na s’ya nahanap. Nagulat ako dahil “WTF” ang name n’ya ngayon. Na-gets ko lang s’ya dahil sa thumbnail ng primary pic n’ya. I mean, how can I forget that pic e ako ang kumuha ng pic n’ya na yun na blinuetooth ko lang sa kanya…
Nweiz, pag-click ko dun sa profile n’ya e kinabahan pa rin ako na ewan. I’m sure naka-restrict pa rin ito but just the same, kahit konting info lang ang nababasa ko dun dati e sobrang sakit pa rin dahil sa mga puke ng inang kaeklatan n’ya sa babae n’ya. Kaya naman nagulat ako nung mabasa ko ang caption n’ya ngayon, “It’s weird how you go from being strangers to being more than friends to being practically strangers again…and it happens so fast!!!”. Tapos ang nakasulat naman sa FS layout n’ya ay “Don’t fall for someone unless they’re willing to catch you.”
Dun na ako nagduda na wala na sila ng babae n’ya. Ewan ko ba pero mixed emotions ang naramdaman ko nun. Saya, lungkot, sakit, etc. Biglang nanumbalik na naman ang lahat. Both good and bad times.
Habang pauwi tuloy ako nung Biyernes e wala ako sa sarili ko. Gusto ko na umiyak pero di ko magawa dahil nasa jeep ako nun. Pero ramdam ko na tutulo na anytime ang mga luha ko. Nangigilid na kase talaga sila. Pilit ko lang pinipigilan.
Kaya naman pagbaba ko ng jeep at paglakad ko sa kanto ng subdivision namin e dun na tumulo yung mga luha ko. As usual, pang-MTV na naman. Umuulan nun at buti na lang at may dala akong payong. Sinabayan na naman ng ulan ang mga luha ko…(or is it the other way around?).
UPDATE: (About the incident nung Friday lang dapat ang blog na ‘to pero dahil di ko s’ya natapos. Hence, the title, “Stalker”. Eto na ang mga sumunod na pangyayari).
Kahapon naman na Sabado e naka-chat ko si ex. Nagulat ako na OL s’ya. You see, simula nung magbreak kase kami nung June 11 e kahapon ko lang s’ya nakitang OL ulit. Kaya naman nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba s’ya or what. Pero naisip ko na wala namang mawawala kaya naglakas loob na rin ako na kausapin s’ya.
Ang unang linya ko ay “Musta na?” Nagreply naman s’ya kaagad. At confirmed nga. Wala na sila nung babae n’ya. Si babae nga ang nangiwan sa kanya this time. Pero as usual, di daw naging sila formally. M.U. lang daw sila. Pareho na rin yun kako.
Nweiz, I also asked him one last time kung minahal ba n’ya talaga ako. Oo naman daw. Di naman daw s’ya makikipagrelasyon sa isang tao kung di n’ya mahal. Alam ko naman yun pero ewan ko ba, gusto ko pa ring ma-validate yun kahit papano.
Ok naman ang conversation namin. Very civil naman ang usapan namin. Akala ko nga e susumbatan ko s’ya pero surprisingly, relaxed lang ako habang ka-chat ko s’ya.
There was a point pa nga na tinanong ko what else is new with him. Sabi n’ya e palamunin pa rin daw s’ya. Di ko napigilang di magreact at sinabi ko sa kanya na nasa kanya naman yun e. Na sayang s’ya kase ang laki ng potential n’ya.
Napa-react din s’ya at sinabing pare-pareho lang daw kami ng pamilya n’ya na lagi s’ya pine-pressure na magwork. Tumahimik na lang tuloy ako. Very sensitive kase s’ya pag yung ang topic.
Sumatotal, ok naman ang naging flow ng chat namin. Saglit lang din kami nagkausap dahil gagamitin pa ng Mama n’ya ang pc. Nagulat tuloy ako nung nag-sorry s’ya sa nangyari sa amin. Then he said “hope to see you again” with matching emoticon na kiss.
Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction ko. Natuwa ako na natakot na kinilig na ewan. Di pa kasi ako ready na makita s’ya ulit. Nweiz, nag-eicon na lang din ako ng kiss sa kanya to end the conversation.
As usual, affected ako pagkatapos ng chat namin. Ilang beses ako umiyak. Nanumbalik lahat-lahat ng memories. And obviously, I’m not over him yet. I still love him. Yup, despite everything…
Nandun yung feeling ng panghihinayang na iniwan n’ya ako for another girl tapos iiwanan din pala s’ya…Sana ako lang yung nag-alaga sa kanya…Sana di na lang n’ya ako iniwan…Sana he chose to stuck it out with me na lang…Andaming sana…
I dunno if he still loves me kahit papano…I really hope so..Hay ewan ko ba…Gaga talaga ako e.
But feeling ko he hopes to see me again para mag-sorry lang…Not because he wants to rekindle our relationship…Hay…
Kagabi tuloy e bumaha na naman ng luha sa amin. Badtrip nga dahil kala ko e solo flight ako sa amin at pwede akong magngangangawa if ever. Yun pala, natulog ng wala sa oras yung 3 pamangkin ko sa amin. As in nagsumiksik pa yung dalawa sa bed ko, hirap tuloy ako mag-emote.
As in umiiyak lang ako ng tahimik para di na ako marinig ng mga pamangkin ko. Nandun yung maaalimpungatan ako sa madaling araw tapos iiyak na naman ako…Pucha, basang sisw na naman ako, leche!
Kaninang paggising ko tuloy e namumugto mga mata ko. Simula nung Friday e iyak na ako nang iyak…Pilit kong nilalabanan yung mga luha ko pero di ko mapigilan. Mahal ko pa rin s’ya…Walang nagbago…
At hindi ko alam hanggang kelan ako magpapakagaga sa kanya…








