MY ADOPTED BABIES
September 20, 2008Yey! Got 2 good deals in Ebay and Multiply. Naka-iskor ako ng Baubles, Bangles and Beads na banggols, yeba!
For the longest time e gusto ko na bumili ng BBB bangles. Yun nga lang, medyo mahal sila kaya pinagpapaliban ko lagi. I mean, sulit naman din yung price n’ya if ever considering yung craftmanship na ginagawa nila with every bangle.But bottomline, pricey e. Isang poor manggagawang obrero lang pa naman ako, hehe!
Nweiz, the stuff I got are all pre-owned pero in very good condition pa sila and murang mura ko lang sila nakuha kaya wala akong reklamo, hehe!
Yung 2 customized bangles na Audrey Hepburn at Tokidoki e sa isang seller sa Multiply ko naiskor. The other bangles naman e sa Ebay ko nabili. Nanalo ako sa bidding. Actually, wala akong kalaban, haha good. 3-day listing lang naman din s’ya at buti na lang e maagap din ako, hehe!
As in complete pa with original packaging yung 4 bangles ko na nabili sa Ebay. O, diba? San ka pa? hehe!
I super love my Tokidoki and Audrey Hepburn bangles. Until now e amazed pa rin ako sa pagkakagawa nila.Very intricate kase ang designs and I wonder if kaya ko rin ba gumawa ng work of art na ganyan ang level, hehe ambisyosa.
Astig pati yung mga customized bangles dahil kahit paikut-ikutin mo pa sila e iba-iba yung designs na makikita mo. Masterpiece kahit saang anggulo, hehe nice!
Ako pa naman e fan ng anything handpainted. Naa-amaze kase ako sa pagkakagawa especially sa small details. Until now nga e in awe pa rin ako sa kanila, hehe kakabano, promise!
O, diba? Ang galeng. Ako man nga e gusto ding mag-try sa handpainting chuva. Ewan ko lang kung kaya ng powers ko, hehe! I mean, I know how to draw but of course, ibang usapan naman ang painting. Oh well, let’s see na lang.
Incidentally e may gusto pa akong bilhin na graphic bangles online. Image transfer naman yun. If ever e gusto ko na ring isabay bumili ng wooden bangles na wala pang design at pag-praktisan ko ng painting. Acrylic paint daw ang dapat kong bilhin at I have to make sure na unvarnished yung wood according to my artist friend. Wish ko lang kaya ng powers ko, hehe!
Nweiz, here’s my nephew, baby Gab, tinkering with my banggols. Ang cutie n’ya, hehe stage tita ako.
O, diba? Life is beautiful indeed especially when you get good deals online, hehe! Salamat sa Ebay at Multiply, mga bestfriends ko sa pagsha-shopping, hehe!
CAMBIO JAMMING TO EHEADS’ MAGASIN AT SAGUIJO AFTER THE REUNION CONCERT
September 1, 2008 …medyo panget ka pa nun, hanggang ngayon…Such a classic, hehe!
Love this vid! As usual, bigay todo si Raims. (Uy, feeling close, hehe!). Feeling ko e nandun ako mismo sa venue pag pinapanood ko itong vid na ‘to, hehe! The crowd was just having a good time.
As you can see, wala si Marcus sa vid na yan. According to Mr. Markus Highway himself, he doesn’t really jam with Cambio since “2 Heads (and three guitarists) should be enough.” Anyhow, he still sang some parts of “Pare Ko” and played the guitar for “Ang Huling El Bimbo”. Yun nga lang wala ako makitang vid sa Youtube, hehe olats!
But the just the same, love ko ang Eheads for life! Pucha, pag nagka-repeat concert, kailangan mapanood ko na sila by hook or by crook, hehe!











