ROLLERCOASTER RIDE OF EMOTIONS
May 5, 2009Mga tsong, bday ko nung May 2. Wag na kayo magtanong ilang taon na ako now. Sikretong malupet na yun at di na dapat ipangalandakan, hehe!
Prior to that e nagparamdam si “L”, ang dear ol’ ex ko sa akin at nagtext ng “Advance Happy Birthday” nung April 29. Actually, di ko alam at first na s’ya yung nag-greet sa akin pero somehow e may inkling ako na s’ya yung nagtext sa akin. Ang lumabas kase na name ng sender sa cp ko ay “?”.
Ewan ko ba pero may tumawag kase sa akin sa cp way, way back ng around 3:30am yata yun at number lang ang nag-register. Nagising naman ako nun dahil todo ang volume ng cp ko pero yun nga lang, di ko sinagot yung cp ko that time. Baka naman kase kung sino lang yung tumatawag sa akin at gusto lang maki-textmate kaya di ko na lang sinagot. Pero at the back of my mind e naisip ko na si L yun kaya sinave ko na lang yung number as “?”.
True enough, tama nga ako. Si “L” nga si “?”. S”ya lang naman kase yung tumatawag sa akin sa cp ng alanganing oras.
Pero nung nag-reply ako sa bday greeting n’ya e gusto ko pa rin manigurado kaya ang isinagot ko ay, “Hi, tnx! Who’s this?” Ayaw pa rin n’ya sagutin yung tanong ko directly kaya I asked him bluntly, “(insert L’s nickname here)?” Pero as usual e may paeklat pa s’ya na “sensya na sa lahat ng mga kasalanan ko sayo” chuva kaya give-away na si L nga ang katext ko at wala ng iba pa.
Unexpected yung text n’ya at kala ko e di na kami magkakausap or text pa ever kaya naiiyak ako na ewan nun. Sakto pa naman e nasa Gerry’s Grill kami ng 2 ate ko nung time na yun kaya pigil na pigil ko ang mga luha ko.
You see, matagal na kase kaming alang communication ni ex. As in sinabi ko sa kanya na it’s best na wag na lang kaming magte-text para matahimik na rin ako. Masyado kaseng kumplikado ang sitwasyon namin at feeling ko e wala na rin namang chance na magkabalikan pa kami kaya gusto ko na lang na manahimik.
March 25 of this year kami last nagkita. That’s after 10 months since the last time we saw each other. March 27 ang bday n’ya at ramdam ko na cold na s’ya na ewan. I mean, antagal na rin naming hiwalay pero di pa rin ako maka-recover until now. S’ya pa rin ang love ko, hay….(Prior to that e matagal na n’ya ako tinext na gusto n’ya e magkasama kami sa bday n’ya whatever happens…Nung March 25 tuloy na magkasama kami e ako naman yung nag-request na gusto ko e magkasama din kami sa May 2, my bday). Labo ng set-up namin noh? Parang kami na ewan, hay…
Yun nga lang magulo din s’ya. Inconsistent s’ya. May times na feeling ko e love pa rin n’ya ako at meron din namang times na feeling ko e di na kaya lost ako madalas. But since yoko na pahirapan ang sarili ko e nag-decide na lang ako na it’s about time na tuldukan ko na yung communication namin para di na ako iiyak-iyak sa tabi pag nagparamdam s’ya sa akin kaya tinext ko s’ya dati na wag na n’ya ako itetext muna. Tsaka na lang kami kako maging friends pag ready na ako.
Masunuring bata naman s’ya at di na nga nagparamdam after. Kaya naman nung greet n’ya ako ng “Advance Happy Birthday” e nagulat ako. Sakto pa naman at di ko alam na nagpalit na pala s’ya ng number kaya everything came as a surprise to me. You see, di kase ako yung tipo na nagpapa-ring just to check up on him or whatever. Talagang kinundisyon ko na yung sarili ko na it’s about time na manahimik na talaga ako. (Pumalya lang ako nung Holy Week at niyayaya ko s’ya sleep sa amin, hehe pasaway! Sakto at solo flight ako nun, hehe. I didn’t get a reply from him so I suppose e iba na nga yung cp number n’ya that time. Well, I dunno exactly.).
Nweiz, pagkauwi tuloy namin sa haws ng mga ate ko e dun na tumulo mga luha ko. Nanumbalik na nanam ang lahat-lahat. Puchang baul! Lahat ng tinatago kong pain, love, etc for him e biglang lumabas na naman, leche! Basang sisiw tuloy ako nun at crayola ever, hay…
Pero pucha, talagang I tried to act as civil as I can nung magkatext kami. Kahit miss na miss ko s’ya e pinigilan ko yung sarili ko to say anything na romantic or whatever. Basta nagpa-thank you lang ako sa kanya. Nothing more, nothing less. Pero paghiga ko sa kama, ayun na. bumaha na naman ng luha, hay Lord!
A part of me was happy na at least e di pa n’ya limot ang bday ko pero a part of me din was sad coz yun nga, nasisira diskarte ko once na nagparamdam na s’ya sa akin whether by text or call. Parang feeling ko e back to zero ako lagi pag nagkakaroon kami ng contact. Nawawalan ako ng focus. Lumalabas pa rin yung katotohanan na s’ya pa rin ang love ko and it sucks, hay…
Pero pucha, I have to be strong…Kahit alam ko na yung number n’ya e talagang di ako nagtext sa kanya after. Kaya naman nung mismong bday ko na nung May 2 e di na rin ako nag-expect ng another greeting from him kaya nagulat ako nung greet n’ya ulit ako sa text nun. Sakto e na-check ko ang Friendster profile n’ya at nakasulat dun na “In A Relationship” s’ya at may paeklat pa sa shout-out profile n’ya about his new gf kaya para akong nanlambot na ewan.
But just the same, nangilid lang yung luha ko nung mabasa ko yun. At nung magkatext kami e tinanong ko na s’ya mismo ng diretsahan, “May new gf ka na yata?” Sumagot naman s’ya at sinabing kumplikado daw ang sitwasyon nila. Kesyo 9 days pa lang daw sila ng gf at 1 week na raw silang walang communication. Na kesyo sa text lang daw n’ya s’ya naging gf at malayo daw ang location nung dyowa n’ya.
Ewan ko ba pero kahit paano e masakit pa rin on my part. As usual e pinipigilan ko pa rin na maiyak. Nangingilid yung luha ko at halos lamukusin ko na yung mukha ko para lang wag tumulo mga luha ko. Naalala ko tuloy bigla yung eksena sa “Meteor Garder” kung saan sinabi ni “Wa Zhe Lei” na tinuruan daw s’ya before na kung iiyak e bumaligtad daw ng pwesto..(like yung paa e nasa taas at yung mukha ay nasa baba chuva para lang nakabaligtad ka at maiwasan na tumulo yung mga luha). Ang gulo ng explanation ko…Basta yun na yun, hehe!
Kulang na lang e gawin ko yun para lang di tumulo ang mga luha ko. Surprisingly e di naman nga tumulo ang mga precious tears ko. Pigil na pigil ko kase lalo na’t bday ko yun. Yun lagi ang dasal ko kay Lord na sana e ibalato na lang N’ya sa akin ang bday ko at nawa’y di ako badtrip or maiyak sa special day ko. Successful naman at nairaos ang bday ko ng walang tears…(I mean, may tears pala pero not because of L but because of the story of Francis Magalona na na-publish sa “Yes Magazine”, hehe but that’s a different story na of course).
Kahit papaano e may sense of triumph on my part na napigilan ko na di umiyak nung bday ko. Parang nakiki-bargain pa ako kay Lord nun na sana naman e wag sa mismong bday ko..Kahit the next day na lang sana or something, ok na for me…Basta wag lang sa mismong bday ko…(Parang nung Valentine’s Day…di ako umiyak nung mismong V Day pero nung nagtext si L ng 1am ng Feb.15 e dun na tumulo mga luha ko, wahhh! But then, good enuf na yun for me kesa sa mismong V Day pa ako umiyak, hehe).
Kaya naman the next day after my bday e nagtext na ako kay L at sinabi ko sa kanya I think it’s best na wag na kami magtextan muna. Tsaka na lang…Or pag holiday or may okasyon lang..Gusto ko na kase talaga manahimik. Parang feeling ko e sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko kuntodo nakakatext ko s’ya. Rollercoaster ride of emotions kase ang nangyayari sa akin pag ganun. Lost ang beauty ko lagi, hay…
Pero makulit talaga ang lolo n’yo. Kasasabi ko pa lang nun sa text sa kanya e biglang naka-receive ako ng call from him the next day…Hay tama ba naman yun???!!!
E s’yempre pa tao lang ako…Mahina…Marupok..Pag call n’ya ako e di ko naman matiis na di s’ya sagutin..Kesyo nangungumusta lang daw s’ya, hay…Bakit di na lang s’ya makipag-cooperate sa akin at tantanan na lang n’ya ako para matahimik na pareho ang mga mundo namin? I mean, may new gf na naman s’ya at dun lang s’ya mag-focus at ako naman e mananahimik na lang din…Masakit din on my part na may bago na s’yang gf pero pusang gala, gusto ko na lang e “acceptance”..
Nun ngang Bisita Iglesia e yun yung pinagdasal at patuloy na ipinagdarasal ko…Before kase e napaka-selfish ko..Ang prayer ko lagi is sana magkabalikan kami…Pero ngayon e iba na…Ang gusto ko na lang ngayon is “acceptance” para matahimik na yung loob ko. Yoko na mag-crayola…Gusto ko na manahimik at tuluyan nang makapag-move on..
Pero pucha, pano naman ako matatahimik e lulubog-lilitaw din s’ya? Hay…Ask pa mandin n’ya ako nung nag-call s’ya sa akin kung nagtatampo daw ba ako. Anak ng tokwa! What a question!!! “Nagtatampo” is an understatement!!! Hay…
Tinanong ko pa mandin s’ya if kamusta na sila ng gf n’ya. Kesyo wala lang daw yun…Hay so ano yun? Laro lang…Hay…Ewan ko ba sa kanya ano gusto n’ya palabasin…Well, in the first place e di pa nga naman sila nagkikita at kung magkita man sila e mahihirapan sila dahil malayo yung haws nila sa isa’t isa…Pero that’s besides the point…Kainis kase kung anu-anong kalechehan yung inaatupag n’ya, hay…Gusto ko na lang ng peace of mind….
Eto tuloy at lost in space ako…Basta sa ngayon e sabay lang ako sa agos. Kung magtetext s’ya e dun na lang din ako magrereply sa kanya. Otherwise e wala akong balak na itext or tawagin s’ya. Pero ang siste naman e pag s’ya yung nagtext or nag-call e affected ako after…As in nami-miss ko s’ya…Nariyan yung bigla ko na lang maalala both our good and bad times together..Tapos crayola na naman ako…
Hay…Wat gagawin ko? Paulit-ulit na lang na ganito…Pucha! Antagal na naming hiwalay but why am I still hurting???
Ilang beses na rin kaming nag-goodbye sa isa’t isa pero eto at tinetext pa rin n’ya ako…Pucha! Nagpalit na nga s’ya ng number e…For what??? Feeling ko para iwasan ako pero di ko makuha yung logic now na nagtext na naman s’ya sa akin.
What is he really up to??? Ang hirap n’ya ispelengin…Hay…Mahal ko s’ya pero bakit parati na lang ganito na guessing game??? Tsk!








