Home » Archives » April 2010

TAME THE TIKBALANG

April 26, 2010

Met up with a friend last night. Nag-coffee  muna kami sa Figaro then went to a dance club after. In fairness, na-miss ko ang club scene. It’s been awhile na rin kase since gumimik ako.

Gimik meaning going to a dance club, haha! Ewan pero yun ang idea ko ng gimik. Not coffee, KTV or what-have-you. Basta dance club lang, period, hehe!

Nung pumunta kami ni friend sa naturang club e konti lang ang mga pipol of the world.  That was probably around 1am. Tahimik lang din ang crowd at medyo pa-sway sway lang sa kanilang mga upuan. As for me and friend, dun lang kami nakaupo sa couch at watch mode lang sa mga tao.

After awhile din e medyo nag-loosen up na rin ang madlang pipol at meron mangilan-ngilan na nagsayaw na rin sa gitna ng dancefloor while yung iba naman e gumigiling with their bf/gf dun sa may area nila. Kaka-turn on manood, hahaha! (Or ganun lang ba ako ka-tigang at konting da moves lang e naseseksihan nako? Hehe!).

Nweiz, dun ko na-realize while watching them how different I am now from before. As in “tamed” nako.  Before kase e some kinda party girl ako na maituturing at rampa talaga ako pag ganyang nasa club ako.

Of course medyo shytype din ako at first pero pag medyo nakainom nako e nawawala na inhibitions ko at sabay lang ako sa agos nun. At pag walang hiya na talaga ako e talaga namang dedma nako sa mundo nun.

As in laplapan galore. La ako paki kung may nanonood sa amin ng guy I’m with…At yung iba pang bagay e dyahe nako i-blog pa, lol ngayon pa nahiya, hehe! Just use your imagination na lang hehe! :P

Naroon din yung nagsusuka nako in public at gumegewang na maglakad. As in literal na wasted ako. Naroon din yung di ko na alam minsan kung paano ako nakauwi at kung anik-anik pa.

Pero kagabi e good girl mode ako. As in watch mode lang talaga ako sa crowd at ni hindi man lang ako nagsayaw.

I was with a male friend last night pero di kami talo nun at in denial pa  na bi s’ya or bading or whatever at wala din sa tipo n’ya ang sumayaw or what kaya nakaupo lang kami sa pwesto namin at patingin-tingin lang sa mga tao.

Sometimes, I prefer the “new me” pero there are times na miss ko  rin yung ganung buhay dati. As in very carefree lang at walang inaalala. Enjoy kung enjoy na parang wala ng bukas…

Lalo tuloy nag-sink sa akin na ang laki na talaga ng ipinagbago ko dun sa dati. I could really say na “tamed” nako…Why?

Maraming factors, I guess…First, feeling ko it was just a phase before at tingin ko e graduate nako sa ganung bagay.. Second, tinamaan ako kay L (as in my last bf) kaya parang kakatamad na lumandi, lol! And third, dahil tumatanda na siguro ako…(I mean, matanda na talaga ako’t turning 32 na sa bday ko this Sunday, hehe in denial din ako, haha!.

But then again, when I analyze things, I think combination of everything kung bakit masasabing “tamed” nako now. But as I’ve said, I prefer the new me now pero kaka-miss yung dati kong buhay…May excitement, thrill, etc.

Suddenly, na-realize ko how boring my life is now, hehe! Dati kase e madaling araw talaga ako umuuwi everyday na para bagang wala ng bukas pag naggu-goodtime ako. But yun nga, tumatanda na ako at dapat lang na magtino na rin kahit papano, hehe!

Pero honestly, parang gusto ko muna bumalik dun sa dati kong buhay…para maiba naman..But then, nakakailang din minsan na puro bagets ang nasa crowd at feeling ko e nagmumurang kamatis tuloy ako, haha!

Pero grabe, ang layo ng buhay ko ngayon dun sa dating ako. Feeling ko e santa ako ngayon, haha! Tamed na ang lola n’yo…Parang “Tame the Tikbalang” lang, haha lol corniks!

Ang hirap talaga pag tinamaan…Tama meaning na-in love ng todo. Eversince maghiwalay kase kami ni L e dun ko talaga nakita yung maraming pagbabago sa akin especially when it comes to sex. Parang biglang di na masarap ang sex pag walang love…Pucha, ako ba ‘to? Haha kakapanibago, lol!

Ewan. Di ko alam hanggang kelan ako magiging tamed…Bahala na…Pero syet, I wanna go clubbing ulit, hay….I miss the club scene.. L

Posted by barenaked at 9:20 pm | permalink | comments[34]

KAELYAHAN SA SPA

April 21, 2010

Went to the spa with my bro and 2 sisses awhile ago. As usual, bonding ulit kaming magkakapatid, hehe! Kung kahapon e foodtrip kami at naka-3 restaurants kami. Ngayon naman e spa, resto at salon ang destinasyon namin.

This time, I had facial, foot spa and foot relax. Been going to that particular spa for quite some time now at sanay ako na babae ang attendant ko lagi kaya laking gulat ko ng makita ko na lalake ang attendant ko this time.

Kanina ko lang s’ya nakita sa spa. Di s’ya familiar sa akin…In fairness, cutiepie si attendant  kaya nako-conscious ako, haha! Medyo payat nga lang s’ya pero keri lang. S’ya ang pinaka-standout sa lahat ng attendants.

Sakto pa mandin at medyo panget na ang pedicure ko kaya doble ang pagka-conscious ko. S’yempre kakalikutin n’ya mga paa ko. Malay ko ba kung may foot fetish pa s’ya, diba? Baka sumablay ako sa kanya, haha pa-cute ako, lol!

Una n’yang ginawa ang facial ko.  Ang sarap lalo na pag dinidiinan n’ya. Nakaka-el pati at the same time, haha! Iba talaga ang hawak ng lalake. Bonus pa na cutiepie s’ya, hehe! :P

Sumunod yung foot spa ko. In fairness  talagang with TLC ang pagtrato n’ya sa mga paa ko. Buti na lang at medyo madilim kaya di  gaanong halata ang nasisirang pedicure ko, hehe wow mali! As in ginayod n’ya mga kalyo ko ng todo, lol!

May mga moments din na nakikiliti ako pero pinipigilan ko na lang, hehe! Nagfo-focus na lang ako mga hagod at pisil n’ya sa mga paa ko, hehe!

Ang next service ko e foot relax naman. Obviously, paa pa rin ang focus at mina-massage at dinidiinan n’ya ang paghawak sa mga paa ko. Nakaka-el , promise!

Di ko alam kung dahil tigang lang ako kaya kaya medyo tinatablan ako or magaling lang s’ya mag-masahe talaga, lol! Binti at paa pa mandin ang focus kaya iba ang pakiramdam ko nun. Parang feeling ko lover ko s’ya at nilalagyan n’ya ako ng lotion sa katawan, haha pucha pang-porn ang drama ko kanina, lol!

Ang sarap ng feeling. Sexy na hot na ewan, haha! Yung tipong may guy na inaalagaan ako at minamasahe ako…In short, foreplay ang dating ng pagmamasahe n’ya sa akin. Umaandar tuloy ang imahinasyon ko at kung anu-anong kahalayan ang naiisip ko. Tina-try ko kontrolin pero hirap ako.

Sa sobrang sarap ng feeling e napaidlip pa ako, haha! First time ko na makatulog while nasa spa. For me, I prefer kase na gising ako at alam ko ang mga nangyayari sa paligid ko at namnam ko lahat ng  ginagawa sa akin para mas feel. Ewan ko ba pero this time e nakatulog ako kahit saglit lang.

After ng masahe sa mga binti at paa ko e sa upper body naman n’ya ako minasahe. Una n’yang kinuha ang mga kamay ko at minasahe. Ewan ko ba pero feeling ko e prinsesa ako habang ginagawa n’ya sa akin yun. Haha ang OA ko yata, syet! Haha ewan but I couldn’t help feeling that way awhile ago.

Next e dumako naman s’ya sa mga arms ko. Nakikiliti ako pag minamasahe n’ya mga braso ko lalo na pag nagagawi sa may bandang kilikili pero pinipigilan ko ang pagtawa, hehe!

And last but not the least e pinadapa n’ya ako para i-massage ang likod ko. Nakaka-el lalo na pag ramdam ko yung weight n’ya sa likod ko at dinidiinan n’ya ang pagmasahe sa kin. Parang gusto ko bigla bumalikwas at makita s’ya sa ibabaw ko, ahaha walastik! Ang libog ko talaga, haha!

Mas lalong turn on pag nagagawi pagmamasahe n’ya sa may butt ko. Kung anu-anong kaelyahan ang pumapasok sa isip ko, haha alangya!

Sumatotal e nagkakasala ako kanina habang minamasahe ako. Puro kamunduhan ang nasa isip ko. Idagdag pa na cutiepie ang attendant  ko, hay nako ibang level na talaga.

Would I still want to have a guy as my attendant next time? Sure, why not. Lalo na kung cutiepie s’ya, hehe!

But probably next time e di na ako gaanong conscious unlike kanina…And oh, I have to make sure na maganda ang pedicure ko next time para lagi akong handa kung anuman ang mangyari, hahaha naughty, naughty me, hehe! :P

O sya, I’m off to bed now. Sarap matulog nito, hehe! Magpapantasya muna ako ulit, ahaha! Night! ;)

P.S. I didn’t tell my siblings na nae-el ako habang minasamahe ako ng attendant ko kanina. Ang nabanggit ko lang sa kanila e nako-conscious ako kako. Hehe nagpapaka-wholesome kuno ako, ahahaha!

Posted by barenaked at 10:37 pm | permalink | comments[28]

STILL LOVING HIM…

April 20, 2010

Kainis! Feeling alone in this world na naman ako, hay…Dunno if it’s  because of my coming bday or emo mode lang ako…

Well, napanaginipan ko lang naman si dear ol’ ex ko last night. Ex meaning si L. As in ang TL ng buhay ko. As usual may pain na naman..Sakto at pinakita pa mandin ng cuz ko ang FB ni L.

Actually, una n’yang pinakita yung FB ng gf ni L sa kin. GF as in live-in partner n’ya now. May kurot pa rin sa puso hanggang ngayon. I mean, over na ako sa kanya(I think) but because wala pa rin akong dyowa now or rather, dahil wala pa ring pumapalit sa trono n’ya sa puso ko till now e medyo hurt pa rin ako kahit papano pag may mga ganitong moments.

Ok lang naman ang gf n’ya now. Mukhang waitress sabi ng cuz ko, hehe! Naka-bikini pa mandin s’ya dun sa primary pic n’ya pero wa epek s’ya sa akin. Walang dating. (or biased lang ako? Haha!).

Bagets pa din s’ya. Kolehiyala. Pero kumplikado din ang sitwasyon nila ngayon ni L dahil ikakasal na raw ang gf n’ya dun sa Fil-Am bf n’ya na nasa NJ. 2 years na raw sila nung bf n’ya. Labo noh? May dyowa sa US pero ka-live-in n’ya si L sa Pinas. In short, parang literal lang sila na nagbabahay-bahayan. Ewan…Hay…

After ko nakita ang FB ni gf e si L naman ang sumunod ko na tiningnan. Ayun, FB friends sila ni bro at cuz as expected. Nanumbalik na naman ang nakaraan dahil nakita ko ang primary pic n’ya. Fave pic kase namin yung dalawa. And how can I  ever forget that pic e ako ang kumuha ng shot na yun kaya yun…hay…

Minsan lost din ako sa sarili ko kung love ko pa rin ba sya or pinipilit ko lang kumbinsihin ang sarili ko na over na ako sa kanya. As I’ve said, nandun pa rin kase yung kurot sa puso…Yung pain…

Almost 2 yrs na kaming hiwalay and yet, ang dami ko pa ring issues sa kanya…Minsan miss ko s’ya…Minsan I just hate him…poles apart lagi yung feelings ko for him.

Kagabi nga e di ako makatulog at crayola pa rin ako sa kanya. Miss ko s’ya…Miss ko how we were before…Miss ko nung masaya pa kami…Miss ko yung mahal nya ako at mahal ko s’ya at yun lang ang mahalaga sa buhay ko nun.

Even as I’m blogging now e naluluha ako. Mahal ko pa rin s’ya, I guess. In denial lang siguro ako…Pero pucha, ang dami ng nangyari sa buhay namin. Lalo lang naging kumplikado ang lahat. Mas iba na yung mundo n’ya ngayon. Mas layong lumaki yung gap ng status namin sa buhay.

Iba na yung mundong ginagalawan n’ya ngayon. Di na s’ya hamak na tambay…May trabaho na s’ya ngayon…Isa na s’yang…Isa na s’yang…H-O-S-T-O.

Yeah, no kidding. But yung concern and yung “love” ko for him is still there. Ewan. Di na yata mabubura kahit kelan yun.

Bakit ganun? Gusto ko na manahimik and yet, di pa rin s’ya mawala sa sistema ko???

Alam ko na ang sagot sa tanong ko. Mahal ko s’ya. Mahal ko pa rin s’ya. At di ko alam hanggang kelan ko s’ya mamahal

Posted by barenaked at 11:19 pm | permalink | comments[32]

MY EX-FILES PART 11 (HARANA)

April 19, 2010

Test mic, 1, 2, 3…Mic test 1, 2, 3…Hehe I’m back! Grabe tagal kong  nawala sa sirkulasyon, hay…Dami ko na naipon na mga kwento…Puro panis na nga lang sila ngayon, hehe tyaga tyaga na muna…

Even ‘tong first blog entry ko after a damn long while ay struggle for me…Di na kase ako sanay magblog..Idagdag pa dyan ang katamaran ko, hehe!

But nweiz, for the first chika, ayun, magkatext kami ni Ex-File kanina..Biglang nabuhay ang mokong.  Tagal na rin kase kami di nagkakatext lately. Humihingi ng mga quotes na pang-chicks daw…At since madali naman akong kausap, nag-send ako dali-dali sa kanya ng mga texts na medyo double meaning or yung mga tipong flirty texts…

Nagreact s’ya kagad at wag daw masyado mahalay sabi n’ya, hehe! Yung mga tipong pang-GP daw, not PG, hehe! Napa-react tuloy ako’t tinanong ko s’ya kung sino ba yung chick na gusto n’ya itext. Si “Karen” daw. Blah-blah-blah major at Batch chuva daw sa UPLB. 

Di ko kilala si “K” mismo pero matagal ko na naririnig kay Ex ang name na yun. Nagreply tuloy ako sa kanya at selos kako ako, hehe! As expected, natawa lang s’ya sa akin at napatext ng, “Nagseselos ka? Di bagay.” with matching smiley.

Ewan ko ba pero half-meant ang naturang hirit ko na yun sa kanya. In a way e parang may kurot din sa puso yung pagpapa-cute n’ya kay K. In short, KSP mode ako, haha! Gusto ko ng atensyon…Gusto ko ako yung bida…Gusto ko ako yung pinagpapa-kyutan n’ya at di si K. Weird noh?

Sabay tinanong pa ako ni Ex kung naranasan ko na daw ba yung magmahal ako ng isang tao na whatever happens e special pa rin sa buhay ko? Yung tipong kahit na sino pang dumating na ibang tao sa buhay ko e mananatili pa rin daw special ang taong iyon sa akin. Ganun daw kase si K sa kanya. S’ya daw ang “muse” ng kanyang buhay. Ahhhh! Unfinished business kako..(parang kami ni Ex, hehe!).

Di daw. Parang on-off daw yung “thing’ nila nila ni K. Di n’ya ma-label exactly kung ano’ng meron sila. Ask ko tuloy si Ex kung single pa si K. Oo daw. You see, married na kase si Ex now. Hanggang paganun-ganun lang daw yung sa kanila ni K.

But then again, eh ano naman ngayon sa akin kung more than friendship pa ang gusto nila, diba? I mean, labas na ako dun. Buhay nila yun, katawan nila yun…

But still, parang may halong selos na ewan pa rin yung naramdaman ko kanina…May some kinda “unfinished business” din kase kami ni mokong, hehe! Nag-react tuloy ako’t  nagreklamo sa kanya na bakit di s’ya ganun sa akin.

Ewan ko ba kung pa-consuelo de bobo lang n’ya sa kin pero bigla s’yang nagtext na, “Iba dapat ang sayo e, dapat kakantahan kita, personal ang dating. Kaso baka mas magaling ka pa mag-gitara sa akin. ”

Alangya, kinilig ako sa text n’ya, promise! Haha! Nagme-melt ang puso  ko pag may ganyang drama ang guy sa kin…Kuhang kuha n’ya kiliti ko, hehe!

Nag-reply tuloy ako ng, “Sweet! Daig pa natin sila Kim Chui at Gerald Anderson ah, haha! Dapat pag-compose moko ng kanta, hehe! (kapalmuks noh? Humirit pa, haha!). At naman, never ako gagaling pa mag-gitara sayo noh! Sa plucking lang siguro ako lamang, hehe! “(nagbuhat nako ng sariling bangko sa kanya, haha!).

Into music din kase si kolokoy. Pareho ang mga trip namin na kanta at tugtog. Marunong s’ya mag-gitara, drums, etc. Member din s’ya ng kung anu-anong banda.

Nung college days kase namin e lagi kami nagja-jam…Matalas ang tenga n’ya sa music at forte n’y ang bass at lead guitar…As for me, plucking ang forte ko. In fairness sa kin, pwede n’yo ko ilaban pag plucking ang tugtugan. Mabilis kase mga daliri ko at nilalaro-laro ko lang ang tugtugan pag ganun. Confident ako sa assessment ko na mas magaling pa rin s’ya maggitara sa akin till now…Matalas kase ang tenga n’ya sa gitara while mas matalas naman ang tenga ko sa piano.

Nweiz, kinikilig talaga ako kanina habang katext ko s’ya. Biglang nag-flashback sa kin the good ol’ days…Yung mga sweet moments namin sa dark room…Mga tugtugan namin…Weird kase nga married na s’ya and all and yet, may kilig pa din kahit papano…Kahit mahigit isang dekada na kaming di nagkikita…

Yun nga…Dahil nga siguro sa puchang “unfinished business” na yan…Parang dapat may sequel pa rin in a way kahit papano…Ewan…Labo…

Basta yun…Iba daw yung dapat gawin n’ya sa akin pag nagkita ulit kami…Basta something about music…Nagreply tuloy ako’t sinabi na dapat gawin n’ya talaga yun pag nagkita kami ulit…Nagtext ba naman ang gago ng, “Dapat nakahubad tayo pag kinantahan at ginitarahan kita.” Haha alangya, wala pa ring s’yang kupas sa kaelyahan n’ya. Haha!

But of course, ngayon na lang s’ya nakakahirit ng mga ganun…Nung college days kase namin is wholesome kami mag-usap. Sa music nagre-revolve usually ang mga kwentuhan namin…Profs, classmates, etc…But never about kahalayan, hehe!

But bottomline is, kinilig ako, haha ang OA ko yata, syet! Pero tama nga yata s’ya nung sinabi n’ya na “Don’t let something be an unfinished business.” At the back of my mind kase is nandun nga yung mga “could have beens, would have beens and the should have beens”.

Idagdag pa d’yan ang mga huntahan ko with my HS batchmates and my other friends…They’re usually curious kung ano na nangyari sa mga crushes nila way, way back or gusto nila sila maiskoran ngayon… Yung mga tipong torpe or pakipot sila nun at naunsyami ang mga “something” nila sa mga HD nila nun or  naudlot ang  mga kilig moments nila or what-have-you sa mga loves of their lives dati at gusto makabawi ngayon…

Ganun din yung feeling ko with Ex. Sometimes I wonder how it feels kung ano kaya or asan kaya estado ng relasyon namin ngayon kung naghalikan ba kami before…Would things turn out different??  Or sometimes, I just wonder how it feels na nagki-kiss lang kami…

Yun nga..Naunsyami kase yung “kissing scene”  namin dati…Ang dami kaseng unspoken words before na never namin na-discuss..

At nung time na napag-usapan na namin ang nakaraan e ang dami ng nangyari sa mga kanya-kanyang buhay namin. Too late na…Pero kaninang magkatext kami e nanumbalik na naman ang nakaraan.

 Alangya, feeling bagets na naman ako. Parang ang sarap ng feeling na kakantahan at gigitarahan n’ya ako…I mean, sanay nako sa ganun dahil dati na namin ginagawa yun pero this time e, may halong kilig…Parang sequel ng naunsyami naming “something”…Parang pansamantalang titigil ang ikot ng mundo para lang ituloy namin yung nabitin namin na nakaraan…Parang continuation ng short-lived fairytale namin…

Pero in the meantime e hanggang pa-text text na lang muna kami…

Sometimes I wonder, is he the one that got away???  Hay labo, tsong!

Posted by barenaked at 10:28 pm | permalink | comments[35]

     

April 2010
M T W T F S S
« May   May »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments