Home » Archives » 19. April 2010

MY EX-FILES PART 11 (HARANA)

April 19, 2010

Test mic, 1, 2, 3…Mic test 1, 2, 3…Hehe I’m back! Grabe tagal kong  nawala sa sirkulasyon, hay…Dami ko na naipon na mga kwento…Puro panis na nga lang sila ngayon, hehe tyaga tyaga na muna…

Even ‘tong first blog entry ko after a damn long while ay struggle for me…Di na kase ako sanay magblog..Idagdag pa dyan ang katamaran ko, hehe!

But nweiz, for the first chika, ayun, magkatext kami ni Ex-File kanina..Biglang nabuhay ang mokong.  Tagal na rin kase kami di nagkakatext lately. Humihingi ng mga quotes na pang-chicks daw…At since madali naman akong kausap, nag-send ako dali-dali sa kanya ng mga texts na medyo double meaning or yung mga tipong flirty texts…

Nagreact s’ya kagad at wag daw masyado mahalay sabi n’ya, hehe! Yung mga tipong pang-GP daw, not PG, hehe! Napa-react tuloy ako’t tinanong ko s’ya kung sino ba yung chick na gusto n’ya itext. Si “Karen” daw. Blah-blah-blah major at Batch chuva daw sa UPLB. 

Di ko kilala si “K” mismo pero matagal ko na naririnig kay Ex ang name na yun. Nagreply tuloy ako sa kanya at selos kako ako, hehe! As expected, natawa lang s’ya sa akin at napatext ng, “Nagseselos ka? Di bagay.” with matching smiley.

Ewan ko ba pero half-meant ang naturang hirit ko na yun sa kanya. In a way e parang may kurot din sa puso yung pagpapa-cute n’ya kay K. In short, KSP mode ako, haha! Gusto ko ng atensyon…Gusto ko ako yung bida…Gusto ko ako yung pinagpapa-kyutan n’ya at di si K. Weird noh?

Sabay tinanong pa ako ni Ex kung naranasan ko na daw ba yung magmahal ako ng isang tao na whatever happens e special pa rin sa buhay ko? Yung tipong kahit na sino pang dumating na ibang tao sa buhay ko e mananatili pa rin daw special ang taong iyon sa akin. Ganun daw kase si K sa kanya. S’ya daw ang “muse” ng kanyang buhay. Ahhhh! Unfinished business kako..(parang kami ni Ex, hehe!).

Di daw. Parang on-off daw yung “thing’ nila nila ni K. Di n’ya ma-label exactly kung ano’ng meron sila. Ask ko tuloy si Ex kung single pa si K. Oo daw. You see, married na kase si Ex now. Hanggang paganun-ganun lang daw yung sa kanila ni K.

But then again, eh ano naman ngayon sa akin kung more than friendship pa ang gusto nila, diba? I mean, labas na ako dun. Buhay nila yun, katawan nila yun…

But still, parang may halong selos na ewan pa rin yung naramdaman ko kanina…May some kinda “unfinished business” din kase kami ni mokong, hehe! Nag-react tuloy ako’t  nagreklamo sa kanya na bakit di s’ya ganun sa akin.

Ewan ko ba kung pa-consuelo de bobo lang n’ya sa kin pero bigla s’yang nagtext na, “Iba dapat ang sayo e, dapat kakantahan kita, personal ang dating. Kaso baka mas magaling ka pa mag-gitara sa akin. ”

Alangya, kinilig ako sa text n’ya, promise! Haha! Nagme-melt ang puso  ko pag may ganyang drama ang guy sa kin…Kuhang kuha n’ya kiliti ko, hehe!

Nag-reply tuloy ako ng, “Sweet! Daig pa natin sila Kim Chui at Gerald Anderson ah, haha! Dapat pag-compose moko ng kanta, hehe! (kapalmuks noh? Humirit pa, haha!). At naman, never ako gagaling pa mag-gitara sayo noh! Sa plucking lang siguro ako lamang, hehe! “(nagbuhat nako ng sariling bangko sa kanya, haha!).

Into music din kase si kolokoy. Pareho ang mga trip namin na kanta at tugtog. Marunong s’ya mag-gitara, drums, etc. Member din s’ya ng kung anu-anong banda.

Nung college days kase namin e lagi kami nagja-jam…Matalas ang tenga n’ya sa music at forte n’y ang bass at lead guitar…As for me, plucking ang forte ko. In fairness sa kin, pwede n’yo ko ilaban pag plucking ang tugtugan. Mabilis kase mga daliri ko at nilalaro-laro ko lang ang tugtugan pag ganun. Confident ako sa assessment ko na mas magaling pa rin s’ya maggitara sa akin till now…Matalas kase ang tenga n’ya sa gitara while mas matalas naman ang tenga ko sa piano.

Nweiz, kinikilig talaga ako kanina habang katext ko s’ya. Biglang nag-flashback sa kin the good ol’ days…Yung mga sweet moments namin sa dark room…Mga tugtugan namin…Weird kase nga married na s’ya and all and yet, may kilig pa din kahit papano…Kahit mahigit isang dekada na kaming di nagkikita…

Yun nga…Dahil nga siguro sa puchang “unfinished business” na yan…Parang dapat may sequel pa rin in a way kahit papano…Ewan…Labo…

Basta yun…Iba daw yung dapat gawin n’ya sa akin pag nagkita ulit kami…Basta something about music…Nagreply tuloy ako’t sinabi na dapat gawin n’ya talaga yun pag nagkita kami ulit…Nagtext ba naman ang gago ng, “Dapat nakahubad tayo pag kinantahan at ginitarahan kita.” Haha alangya, wala pa ring s’yang kupas sa kaelyahan n’ya. Haha!

But of course, ngayon na lang s’ya nakakahirit ng mga ganun…Nung college days kase namin is wholesome kami mag-usap. Sa music nagre-revolve usually ang mga kwentuhan namin…Profs, classmates, etc…But never about kahalayan, hehe!

But bottomline is, kinilig ako, haha ang OA ko yata, syet! Pero tama nga yata s’ya nung sinabi n’ya na “Don’t let something be an unfinished business.” At the back of my mind kase is nandun nga yung mga “could have beens, would have beens and the should have beens”.

Idagdag pa d’yan ang mga huntahan ko with my HS batchmates and my other friends…They’re usually curious kung ano na nangyari sa mga crushes nila way, way back or gusto nila sila maiskoran ngayon… Yung mga tipong torpe or pakipot sila nun at naunsyami ang mga “something” nila sa mga HD nila nun or  naudlot ang  mga kilig moments nila or what-have-you sa mga loves of their lives dati at gusto makabawi ngayon…

Ganun din yung feeling ko with Ex. Sometimes I wonder how it feels kung ano kaya or asan kaya estado ng relasyon namin ngayon kung naghalikan ba kami before…Would things turn out different??  Or sometimes, I just wonder how it feels na nagki-kiss lang kami…

Yun nga..Naunsyami kase yung “kissing scene”  namin dati…Ang dami kaseng unspoken words before na never namin na-discuss..

At nung time na napag-usapan na namin ang nakaraan e ang dami ng nangyari sa mga kanya-kanyang buhay namin. Too late na…Pero kaninang magkatext kami e nanumbalik na naman ang nakaraan.

 Alangya, feeling bagets na naman ako. Parang ang sarap ng feeling na kakantahan at gigitarahan n’ya ako…I mean, sanay nako sa ganun dahil dati na namin ginagawa yun pero this time e, may halong kilig…Parang sequel ng naunsyami naming “something”…Parang pansamantalang titigil ang ikot ng mundo para lang ituloy namin yung nabitin namin na nakaraan…Parang continuation ng short-lived fairytale namin…

Pero in the meantime e hanggang pa-text text na lang muna kami…

Sometimes I wonder, is he the one that got away???  Hay labo, tsong!

Posted by barenaked at 10:28 pm | permalink | comments[114]

     

April 2010
M T W T F S S
« May   May »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines