TAME THE TIKBALANG
April 26, 2010Met up with a friend last night. Nag-coffee muna kami sa Figaro then went to a dance club after. In fairness, na-miss ko ang club scene. It’s been awhile na rin kase since gumimik ako.
Gimik meaning going to a dance club, haha! Ewan pero yun ang idea ko ng gimik. Not coffee, KTV or what-have-you. Basta dance club lang, period, hehe!
Nung pumunta kami ni friend sa naturang club e konti lang ang mga pipol of the world. That was probably around 1am. Tahimik lang din ang crowd at medyo pa-sway sway lang sa kanilang mga upuan. As for me and friend, dun lang kami nakaupo sa couch at watch mode lang sa mga tao.
After awhile din e medyo nag-loosen up na rin ang madlang pipol at meron mangilan-ngilan na nagsayaw na rin sa gitna ng dancefloor while yung iba naman e gumigiling with their bf/gf dun sa may area nila. Kaka-turn on manood, hahaha! (Or ganun lang ba ako ka-tigang at konting da moves lang e naseseksihan nako? Hehe!).
Nweiz, dun ko na-realize while watching them how different I am now from before. As in “tamed” nako. Before kase e some kinda party girl ako na maituturing at rampa talaga ako pag ganyang nasa club ako.
Of course medyo shytype din ako at first pero pag medyo nakainom nako e nawawala na inhibitions ko at sabay lang ako sa agos nun. At pag walang hiya na talaga ako e talaga namang dedma nako sa mundo nun.
As in laplapan galore. La ako paki kung may nanonood sa amin ng guy I’m with…At yung iba pang bagay e dyahe nako i-blog pa, lol ngayon pa nahiya, hehe! Just use your imagination na lang hehe!
Naroon din yung nagsusuka nako in public at gumegewang na maglakad. As in literal na wasted ako. Naroon din yung di ko na alam minsan kung paano ako nakauwi at kung anik-anik pa.
Pero kagabi e good girl mode ako. As in watch mode lang talaga ako sa crowd at ni hindi man lang ako nagsayaw.
I was with a male friend last night pero di kami talo nun at in denial pa na bi s’ya or bading or whatever at wala din sa tipo n’ya ang sumayaw or what kaya nakaupo lang kami sa pwesto namin at patingin-tingin lang sa mga tao.
Sometimes, I prefer the “new me” pero there are times na miss ko rin yung ganung buhay dati. As in very carefree lang at walang inaalala. Enjoy kung enjoy na parang wala ng bukas…
Lalo tuloy nag-sink sa akin na ang laki na talaga ng ipinagbago ko dun sa dati. I could really say na “tamed” nako…Why?
Maraming factors, I guess…First, feeling ko it was just a phase before at tingin ko e graduate nako sa ganung bagay.. Second, tinamaan ako kay L (as in my last bf) kaya parang kakatamad na lumandi, lol! And third, dahil tumatanda na siguro ako…(I mean, matanda na talaga ako’t turning 32 na sa bday ko this Sunday, hehe in denial din ako, haha!.
But then again, when I analyze things, I think combination of everything kung bakit masasabing “tamed” nako now. But as I’ve said, I prefer the new me now pero kaka-miss yung dati kong buhay…May excitement, thrill, etc.
Suddenly, na-realize ko how boring my life is now, hehe! Dati kase e madaling araw talaga ako umuuwi everyday na para bagang wala ng bukas pag naggu-goodtime ako. But yun nga, tumatanda na ako at dapat lang na magtino na rin kahit papano, hehe!
Pero honestly, parang gusto ko muna bumalik dun sa dati kong buhay…para maiba naman..But then, nakakailang din minsan na puro bagets ang nasa crowd at feeling ko e nagmumurang kamatis tuloy ako, haha!
Pero grabe, ang layo ng buhay ko ngayon dun sa dating ako. Feeling ko e santa ako ngayon, haha! Tamed na ang lola n’yo…Parang “Tame the Tikbalang” lang, haha lol corniks!
Ang hirap talaga pag tinamaan…Tama meaning na-in love ng todo. Eversince maghiwalay kase kami ni L e dun ko talaga nakita yung maraming pagbabago sa akin especially when it comes to sex. Parang biglang di na masarap ang sex pag walang love…Pucha, ako ba ‘to? Haha kakapanibago, lol!
Ewan. Di ko alam hanggang kelan ako magiging tamed…Bahala na…Pero syet, I wanna go clubbing ulit, hay….I miss the club scene.. L








