CAMBIO JAMMING TO EHEADS’ MAGASIN AT SAGUIJO AFTER THE REUNION CONCERT
September 1, 2008 …medyo panget ka pa nun, hanggang ngayon…Such a classic, hehe!
Love this vid! As usual, bigay todo si Raims. (Uy, feeling close, hehe!). Feeling ko e nandun ako mismo sa venue pag pinapanood ko itong vid na ‘to, hehe! The crowd was just having a good time.
As you can see, wala si Marcus sa vid na yan. According to Mr. Markus Highway himself, he doesn’t really jam with Cambio since “2 Heads (and three guitarists) should be enough.” Anyhow, he still sang some parts of “Pare Ko” and played the guitar for “Ang Huling El Bimbo”. Yun nga lang wala ako makitang vid sa Youtube, hehe olats!
But the just the same, love ko ang Eheads for life! Pucha, pag nagka-repeat concert, kailangan mapanood ko na sila by hook or by crook, hehe!
EHEADS REUNION CONCERT (AUG 30, 3008)
August 31, 2008teka, di ako nakapanood. pero wahhhh, sayang at di ako nakakuha ng VIP ticket kay marcus adoro, nagpamudmod kase s’ya ng VIP tickets sa mga multiply contacts n’ya. nahuli ako, huhu sayang.
kulang na nga lang mag-indecent proposal ako sa kanya para lang mabigyan ng VIP ticket e, hahaha!
nweiz, i received a text from a friend last night na naatake daw si ely during the concert kaya dali-dali ko tinext ang mga manila friends ko na eheads fans din. s’yempre to the rescue naman sila at ask nila mga friends nila na watch ng concert, confirmed nga raw. olats. kakakilabot.
paggising ko tuloy ngayon e blogs at youtube kagad ang inasikaso ko about the reunion concert…di naman daw inatake per se si ely…but yun nga, he was rushed to the hospital nga daw. awww! and while ely was singing “lightyears” daw e he was pretty emotional at mukhang umiiyak daw..hay pucha, senti mode din ako while watch ng clips sa youtube. trip down memory lane…at lumalabas din pagka-fan ko, hehe! sinasabayan ko ang mga kanta. most of the songs na kinanta pa naman nila e mga fave eheads songs ko.
pero tsong, tama nga sila. wag ng mag-refund ang mga bitin sa concert since di natapos due to ely’s condition. dami kase nagiging emotional at nagaaway-away sa mga eheads fans sa youtube na kesyo dapat may refund daw. pero naman, tsong, yung makita silang buo ulit e di na matutumbasan ng pera yun. yung first song pa nga lang daw na “alapaap” e sulit na yung 800 at 1300 na binayad nila. ako man e kinikilabutan nung watch ko yung vid. daming memories na nanunumbalik, hehe! nostalgia ever.
nweiz, here’s the best vid i’ve seen so far in youtube. snippets from the whole concert plus the announcement na ely was rushed to the hospital, check it out:
13 songs ang napakinggan ko. but according to some blogs e, 15 daw ang kinanta. dunno kung ano ba talaga. nweiz, eto mga songs na napakinggan ko:
alapaap (felt goosebumps while watching it)
ligaya (ultraelectromagnetic pop fever!)
hey jay (love this song!)
harana (sabihin man ng ‘yung nanay na
wala akong silbi sa buhay…tunay) hehehe!
fruitcake (xmas is in the air, hehe! and oh, it reminds me of julie tearjerky), hi baby julai, my LB housemate
toyang (need i say more? classic, hehe!)
kama supra (one of my faves din)
kailan (love it dahil alam ko ang bass, hahaha!)
huwag kang matakot (feel-good song)
with a smile (geez! fave ko for life, haha! my holy grail during my thesis days (sabay brokenhearted pa ako nun, grrr)! the song na nagpapalakas ng loob ko nun. used to play this song over and over para lang gumaan ang pakiramdam ko. )hay those were the days…)
shake yer head (early fave…fave ko din tugtugin sa gitara)
huwag mo nang itanong (love ko din tong song na ‘to…alangya, love ko yata lahat ng eheads songs e, hahaha!)
lightyears (dito na bumigay si ely…this song reminded him of his mother, i guess)
there you go…my other faves, superproxy (ely and his dabarkads, francis m), ang huling el bimbo (old skul), shirley (”kung maglambingan, akala mo walang katabi”, hehe!), ang LSS ko nung mabalitaan ko ang eheads reunion concert, “sembreak”. reminds me of my college days, hehehe! at marami pa akong ibang fave songs…bottomline, biased ako sa “ultraelectromagnetic pop” album nila. i love its raw sound.
there you go, sana may magpost pa ng vids sa youtube na maganda-ganda ang kuha.
STALKER
July 26, 2008Uy, break na yata sila Ex at nung babae n’ya. Ewan ko ba pero natuwa ako. Alangya, ang sama ko noh? Hehe!
Kahapon e inatake na naman ako ng pagiging stalker ko. Habang online ako sa skul e natutukso akong i-check yung Friendster ni Ex. Pero dahil sa pilit kong nialalabanan yung tukso e tinext ko muna ang friend ko para mapigilan n’ya ako.
Surprisingly, unexpected ang reply ni friend sa text. Bakit daw di ko i-check yung FS ni L. Baka daw break na sila ng babae n’ya. Dahil dun e parang eng-eng tuloy ako na pilit hinahanap yung FS n’ya.
At dahil sa nagpalit na s’ya ng email address sa FS n’ya at malamang e nag-iba na rin s’ya ng name mula “Crazy For You” to whatever e pahirapan sa paghahanap. Chineck ko yung mga nag-view sa FS profile ko pero di ko na s’ya mahanap dahil ang naka-display lang dun e yung last 100 people na nagview lang.
Ako naman si gagang feeling detective e never say die pa rin. At dahil alam kong ka-Friendster ni L ang bro at cuz ko e dun ko s’ya hinanap sa profile ng pinsan ko. As in ingat na ingat pa ako sa paghahanap sa kanya dahil baka ma-miss ko yung name n’ya. Ang focus ko tuloy e sa primary pic para mamukhaan ko s’ya.
Dumaan ako sa “A” profile at wala s’ya dun…(His nickname starts with “A” kase)…click pa rin ako ng click ng kung anu-ano…letter C…negative..wala ang “Crazy For You” kaeklatan n’ya…letter M…ala pa rin…(If I’m not mistaken sa “M” nagsta-start ang name ng babae n’ya)…pero never say die pa rin ako…pilit ko pa rin s’yang hinahanap…Ewan ko ba pero may kaba akong nararamdaman habang hinahanap ko s’ya sa FS..Natatakot ako na baka mainis ako or mabadtrip or maiyak na naman…
But since andun na ako, wala ng atrasan kako…Bahala na…Kaya yun, hanap pa rin ako ng hanap sa kanya…At nung mapunta ako sa letter W e dun ko na s’ya nahanap. Nagulat ako dahil “WTF” ang name n’ya ngayon. Na-gets ko lang s’ya dahil sa thumbnail ng primary pic n’ya. I mean, how can I forget that pic e ako ang kumuha ng pic n’ya na yun na blinuetooth ko lang sa kanya…
Nweiz, pag-click ko dun sa profile n’ya e kinabahan pa rin ako na ewan. I’m sure naka-restrict pa rin ito but just the same, kahit konting info lang ang nababasa ko dun dati e sobrang sakit pa rin dahil sa mga puke ng inang kaeklatan n’ya sa babae n’ya. Kaya naman nagulat ako nung mabasa ko ang caption n’ya ngayon, “It’s weird how you go from being strangers to being more than friends to being practically strangers again…and it happens so fast!!!”. Tapos ang nakasulat naman sa FS layout n’ya ay “Don’t fall for someone unless they’re willing to catch you.”
Dun na ako nagduda na wala na sila ng babae n’ya. Ewan ko ba pero mixed emotions ang naramdaman ko nun. Saya, lungkot, sakit, etc. Biglang nanumbalik na naman ang lahat. Both good and bad times.
Habang pauwi tuloy ako nung Biyernes e wala ako sa sarili ko. Gusto ko na umiyak pero di ko magawa dahil nasa jeep ako nun. Pero ramdam ko na tutulo na anytime ang mga luha ko. Nangigilid na kase talaga sila. Pilit ko lang pinipigilan.
Kaya naman pagbaba ko ng jeep at paglakad ko sa kanto ng subdivision namin e dun na tumulo yung mga luha ko. As usual, pang-MTV na naman. Umuulan nun at buti na lang at may dala akong payong. Sinabayan na naman ng ulan ang mga luha ko…(or is it the other way around?).
UPDATE: (About the incident nung Friday lang dapat ang blog na ‘to pero dahil di ko s’ya natapos. Hence, the title, “Stalker”. Eto na ang mga sumunod na pangyayari).
Kahapon naman na Sabado e naka-chat ko si ex. Nagulat ako na OL s’ya. You see, simula nung magbreak kase kami nung June 11 e kahapon ko lang s’ya nakitang OL ulit. Kaya naman nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba s’ya or what. Pero naisip ko na wala namang mawawala kaya naglakas loob na rin ako na kausapin s’ya.
Ang unang linya ko ay “Musta na?” Nagreply naman s’ya kaagad. At confirmed nga. Wala na sila nung babae n’ya. Si babae nga ang nangiwan sa kanya this time. Pero as usual, di daw naging sila formally. M.U. lang daw sila. Pareho na rin yun kako.
Nweiz, I also asked him one last time kung minahal ba n’ya talaga ako. Oo naman daw. Di naman daw s’ya makikipagrelasyon sa isang tao kung di n’ya mahal. Alam ko naman yun pero ewan ko ba, gusto ko pa ring ma-validate yun kahit papano.
Ok naman ang conversation namin. Very civil naman ang usapan namin. Akala ko nga e susumbatan ko s’ya pero surprisingly, relaxed lang ako habang ka-chat ko s’ya.
There was a point pa nga na tinanong ko what else is new with him. Sabi n’ya e palamunin pa rin daw s’ya. Di ko napigilang di magreact at sinabi ko sa kanya na nasa kanya naman yun e. Na sayang s’ya kase ang laki ng potential n’ya.
Napa-react din s’ya at sinabing pare-pareho lang daw kami ng pamilya n’ya na lagi s’ya pine-pressure na magwork. Tumahimik na lang tuloy ako. Very sensitive kase s’ya pag yung ang topic.
Sumatotal, ok naman ang naging flow ng chat namin. Saglit lang din kami nagkausap dahil gagamitin pa ng Mama n’ya ang pc. Nagulat tuloy ako nung nag-sorry s’ya sa nangyari sa amin. Then he said “hope to see you again” with matching emoticon na kiss.
Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction ko. Natuwa ako na natakot na kinilig na ewan. Di pa kasi ako ready na makita s’ya ulit. Nweiz, nag-eicon na lang din ako ng kiss sa kanya to end the conversation.
As usual, affected ako pagkatapos ng chat namin. Ilang beses ako umiyak. Nanumbalik lahat-lahat ng memories. And obviously, I’m not over him yet. I still love him. Yup, despite everything…
Nandun yung feeling ng panghihinayang na iniwan n’ya ako for another girl tapos iiwanan din pala s’ya…Sana ako lang yung nag-alaga sa kanya…Sana di na lang n’ya ako iniwan…Sana he chose to stuck it out with me na lang…Andaming sana…
I dunno if he still loves me kahit papano…I really hope so..Hay ewan ko ba…Gaga talaga ako e.
But feeling ko he hopes to see me again para mag-sorry lang…Not because he wants to rekindle our relationship…Hay…
Kagabi tuloy e bumaha na naman ng luha sa amin. Badtrip nga dahil kala ko e solo flight ako sa amin at pwede akong magngangangawa if ever. Yun pala, natulog ng wala sa oras yung 3 pamangkin ko sa amin. As in nagsumiksik pa yung dalawa sa bed ko, hirap tuloy ako mag-emote.
As in umiiyak lang ako ng tahimik para di na ako marinig ng mga pamangkin ko. Nandun yung maaalimpungatan ako sa madaling araw tapos iiyak na naman ako…Pucha, basang sisw na naman ako, leche!
Kaninang paggising ko tuloy e namumugto mga mata ko. Simula nung Friday e iyak na ako nang iyak…Pilit kong nilalabanan yung mga luha ko pero di ko mapigilan. Mahal ko pa rin s’ya…Walang nagbago…
At hindi ko alam hanggang kelan ako magpapakagaga sa kanya…
NECKTIE DILEMMA
July 23, 2008Alangya, ang hirap pala mag-tie ng necktie, grrr! Kala ko e simple lang, di pala, hehe wow mali!
Kakabili ko lang ng 2 neckties sa Am Blvd kahapon. Nung binili ko sila e maayos na ang pagkakatali nila kaya sabi ko sa sarili ko na no sweat na yun at yakang yaka ko na.
Pero dahil sa kakakalikot ko e lumuwag yung pagkakatali nung heart necktie ko at before I knew it e natanggal na ng todo ang pagkakatali nito. Kala ko e madali ko lang s’ya maibabalik sa dating porma n’ya kaya nagulat ako na pahirapan pala.
Para pa akong eng-eng dahil yoko galawin yung plaid necktie ko naman dahil baka matanggal din ang pagkakabuhol nito at mawalan ako ng pattern, haha syet! Kaya naman nung tinatry ko ayusin yung heart necktie ko e gusto kong ma-achieve yung pagkaayos n’ya nung time na binili ko s’ya but to no avail.
As in di pulido ang pagkaka-tie ko lagi, huhu! Ngayon ko lang na-realize kung bakit sa pelikula e madalas na makikita na may tiga-ayos lagi ng neckties ng mga guys. Skill pala s’yang maituturing, hehe!
Kaya naman tinext ko tuloy ang ibang friendly friends ko at nagpapaturo ako kung pano magtie ng necktie. Nagulat tuloy ako nung magreply si Koya Larr sa text at sinabi n’yang may American style pa daw na single loop at may British style pa daw na double loop naman (na “Windsor Knot” din ang tawag malamang). Di ko alam na may mga ganung kaeklatan pa pala, hehe wow mali!
Nag-search tuloy ako sa Youtube ng vids kung pano ang technique sa pagtali ng necktie. As of now e watch mode pa lang ako. Di ko pa triny sa mga ties ko, tsaka na lang, hehe!
O, diba? Parang ang simple lang kung papanoorin pero ang hirap i-apply, hehe! In fairness sa Youtube, ang laking tulong talaga nito sa madlang pipol.
Sa Youtube ako natutong maglagay at magtanggal ng contact lens at ngayon naman e ang paglagay ng necktie naman ang aaralin ko, hehe! Goodluck sa akin, sana mapag-aralan ko ng pulido ang techniques, hehe!
RAIN, RAIN, GO AWAY
July 15, 2008Pucha! Basang sisiw ever na naman ang drama ko kanina. Lecheng ulan! Nag-moment na naman ako kanina, tsk! Poor me. Hay…
Sabi ko nga kay friend, “what is it about the rain?” Bakit may masamang hanging dala yata ang ulan at depress-depressan ang mga people of the world? Ano bang meron sa ulan, Pasko or Valentine’s Day?
Sinumpong na naman ako ng lungkot kanina…Dami na namang memories… Pilit kong nilalabanan pero pucha, di ko kaya…Tsong, tao lang…
Ok na ako e. (Or so, I thought). Basta yun, I’m trying my best to move on na…As in tinanggal ko na s’ya sa sistema ko. Or rather, tinatanggal ko na…
Pero pusang gala, naiyak na naman ako kanina, grrr! Habang eat kami ni friend sa mall e pinag-uusapan namin ang mga sawi naming lovelife. Pareho kaming brokenhearted kase ngayon. Yun nga lang, magkaiba ang sitwasyon namin.
Kay friend, s’ya ang nangiwan sa dyowa n’ya. Ngayon namang binabalikan n’ya ex n’ya e ayaw na or ayaw pa ni dyowa. Kesyo di pa daw s’ya ready…Na gusto n’ya e maging ok muna ang lahat lahat…Blah-blah-blah…
Putragis kako. Ayan na naman tayo sa mga lecheng kaelatan na yan. Pampelikula ang mga quotable quotes e.
Yoko kase ng mga kachuvahan na yan. Alanganin ang mga sagot. Di ba pwedeng Yes or No lang then yun na yun? Wala na sanang in-between. Mas nakakagulo lang ng mundo e.
Nweiz, huntahan lang kami ni friend ng mga heartaches namin. Na-meet n’ya kase si love of my life dati (hanggang ngayon pa rin yata, hay…) at saksi s’ya kung gaano kami ka-sweet ni ex. Di rin n’ya ma-gets what went wrong. Mas lalo na ako kako.
Ok naman kase kami dati. As in sobrang ok. At kung feeling ko may mang-iiwan sa amin, ako yun, not him. Not ever.
Pinanindigan ko na talaga na wag na magparamdam. May instance lang na na-wrong send ako sa kanya dati pero di ko talaga sinadya yun, promise! (Magkasunod kase number nila ni Baby Jiammppong at sa pagmamadali ko e sa kanya ko pala na-text).
Nweiz, di rin s’ya nagreply.( Nagkataon pa mandin na baka feeling n’ya e kumakarengkeng ako sa tono ng text ko)…At mind you, di rin ako umeffort na pa-ring ang fone n’ya using another sim card or whatever…Or alamin kung nagpalit na ba s’ya ng number or what…
Talagang kinundisyon ko na sarili ko na wag na magparamdam…Yung pagsilip lang sa Friendster n’ya ng once or twice yata ang mortal na kasalanan ko so far…Pero, tsong, gud enuf pa rin, diba?
Imagine, natiis ko na wag magparamdam ever??? But then, siguro nakayanan ko lang kase may kapalit na ako sa puso n’ya, hay…Kumbaga e no choice na lang ako kaya nagpapakatatag na lang ako…
But assuming na wala pa s’yang iba e malamang never say die pa rin ang drama ko at may-I-profess pa rin ako ng undying love ko for him till now…Hay…
Pero tsong, lagi ko sinasabi sa sarili ko na yoko ng mag-moment…Yoko na umiyak..Sayang lang kase ang precious tears ko…
I mean, yoko na maging feeling basang sisiw while busy na s’ya at masaya sa ibang kandungan…Gusto ko naman bigyan ng konting pride ang sarili ko kahit papano kaya I’m trying to be strong…
Pero pucha, tao lang po…Nagsta-struggle pa rin ako, I guess…Kase nagmoment na naman ako kanina sa mall. Puta, badtrip!
Imagine, may-I-cry ang lola n’ya habang kumakain kami ni friend??? Pucha, mantakin n’yo yun??? Alangya, yoko ng mga ganyang kadramahan…Naaawa lang ako sa sarili ko lalo pag ganyan, hay…Tina-try ko kontrolin pag-iyak ko pero di ko mapigilan, wahhh!
At nung naglalakad na kami ni friend para mag-shopping spree e biglang naiyak na naman ako..As in iyak na napatigil kami sa isang sulok sa mall at nakatalikod ako sa mga ppl of the world habang pinupunas ko mga luha ko..Pero tsong, halata e…As in pinagtitinginan na tuloy kami ni friend. Wahhhh I couldn’t help it!
Ewan ko ba…Lumalabas pa rin yng naturalesa ko sa mga ganitong sitwasyon…Bumibigay din ako kahit I’m trying my damn best to be strong…Sabi nga ni friend e halatang love ko pa rin si ex till now…
Pucha, alam ko deep inside na totoo yun…Pero di na importante kung mahal ko pa rin s’ya or di na…Iniwan na n’ya ako…Kahit ano pang gawin ko, kahit bumaha pa ulit ng luha ko e di mababago yung sitwasyon na may iba na s’ya…
Ang sa akin lang, ayoko ng kaawaan sarili ko..Yoko ng mag-moment…Gusto ko na lang manahimik…Gusto ko na lang magising one day at sabihin na “tsong, wala na…Di ko na s’ya mahal at di ko na s’ya iiyakan…” Tangina, sana ganun lang kasimple yun…Pero ang hirap e…
Kala ko last na yung pag-iyak ko sa restroom 2 weeks ago nung maalala ko s’ya…pero tsong, di pa pala…Struggle pa rin till now…Pasumpong-sumpong yung lungkot…Yung pain…
Putragis na ulan kase e! Ang daming memories…Pucha, pati ulan pinagdidiskitahan ko na e…Height of desperation or depression na ba ito???
Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Epekto lang ba ng ulan ‘to? Or talagang mahal ko lang talaga s’ya hanggang ngayon?
Damn! Yoko sagutin yung tanong ko…I think I know the answer…In denial lang ako…
Tsong, sana wala munang ulan pls…Tsaka na lang…Pag ok na ako…Sana hintayin naman ako ng ulan…Sana sabayan naman n’ya ako…









