CRAZY FOR YOU
July 1, 2008Damn it! Crazy for you, my ass!!!!
Leche si ex! Tangina, “Crazy For You” ang name n’ya sa Friendster n’ya. Obviously, para sa bagong flavor of the month n’ya yun.
Ako naman kase si gaga, sinilip na naman ang FS n’ya, hay…Buwisit naman kase nananahimik na ako, biglang napanaginipan ko pa s’ya kagabi. Bummer!
As in naalimpungatan ako around 2:40am kanina at tinext ko mga friendly friends ko at sinabing napanaginipan ko nga si Ex. Awa ng Diyos, walang nagreply ni isa, haha! Tulog na ang madlang pipol malamang, hehe!
Kainis, diba? Hanggang sa subconscious ko, andun pa rin s’ya. Olats.
At kaninang pagsilip ko naman sa FS n’ya e “Crazy For You” shit naman ang bumalandra sa akin. Kakagigil!
Ewan ko ba, masokista yata ako. Oh well, most of us, I suppose. Alam na ngang nakakasakit, sisilipin kopa FS n’ya, hay…Eto tuloy napala ko…Tsk!
May mga times nga na gusto ko s’ya ipabugbog pero naisip ko naman, ano mapapala ko dun? Mamya habambuhay ko pa dalhin sa kunsensya ko yun. Or worse, baka iyakan ko pa yun. (like with adik, iniyakan ko pa nung malaman kong nakulong pala s’ya).
Pero naiisip ko naman na karma na lang ang bahala sa kanya. I mean, $1M question pa rin kung minahal ba talaga n’ya ako or what. As far as I’m concerned, feeling ko oo naman but then again, s’ya lang naman ang nakakaalam kung ano ba talaga. Baka naman kase umakting lang pala s’ya all along.
I’d like to think na minahal nga n’ya ako pero di na rin naman siguro importante kung oo ba or hindi ang sagot n’ya. Wala na kase kami…at wala na forever, I guess.
Bitter lang ako. Oh well, who wouldn’t be? Kainis kase yung feeling na parang kalimot-limot ako kaya masaya na s’ya sa bagong babae n’ya. Or I’m not good euf kaya mas pinili n’ya yung isa. More than anything else, question of betrayal and ego ang lahat ng ito.
Kase tsong, feeling ko talaga between the two of us e s’ya yung patay na patay sa akin. Buti pa palang ako na lang yung nang-iwan sa kanya. Muntik na ako makipag-break sa kanya nung 2nd month namin e. Nakita ko lang s’ya na parang naiiyak kaya di ko na lang tinuloy. Yun pala, iiwanan din pala n’ya ako…and for another girl pa…Badtrip, tsong!
Mabait naman ako sa kanya….Matino naman ako nung kami pa. As in pucha, wala akong kalambutsingan nun na iba kundi s’ya.
May time pa nga na sinabihan ko pa yung isang guy na text nang text sa akin na wag na n’ya ako itext dahil nagseselos bf ko. Yoko kase na pagisipan n’ya ako na may iba ako bukod sa kanya. May instance din na tinext ako ni foreigner boylet ng, “I miss your big tu-toot (secret na lang kung anuman ‘to, haha!)…” Sinabihan ko rin s’ya na may bf na ako at nananahimik na ako.
Yoko kase ng gulo. Yoko pagdudahan ako ni Ex. S’ya lang talaga ang lalake sa buhay ko nung kami at wala ako intensyon na mangaliwa or magpatukso sa iba.
Kaya naman, tsong…respeto lang, diba? Wala naman sanang 3rd party involved. Kase nakaka-insecure ng todo yun.
Kung maghiwalay man kami, oks lang sana dahil marami kaming differences or something…Pero tsong, wag naman yung nakipaghiwalay s’ya sa akin tapos out of the blue, may iba na s’ya, diba? Ano yun? Bahay-bahayan? Laro lang?
Nakakainis kase affected pa rin ako till now…while busy na s’ya sa ibang kandungan. Alam ko kababawan ‘to pero sa totoo lang, naiisip ko na sana maalala n’ya ako habang nagse-sex sila ng babae n’ya (that is, if they’re doing it already). Kahit yun lang ma-miss n’ya sa akin, oks lang. Basta ang point ko, ma-miss n’ya ako kahit konti…Sa kahit anong aspect man.
Yung tipong biglang matitigilan na lang s’ya out of the blue at maiisip n’ya ako while kasama n’ya new girl n’ya. That, for me, is the sweetest revenge. Di ko s’ya kailangang ipabugbog or whatever…Yung maalala lang n’ya bits and pieces of me, oks na for me.
You see, ako ang pinakamatanda sa mga naging gf n’ya. Most of them are ka-age n’ya or younger than him pa. And he’d always tell me before na ako yung pinakagusto n’ya sa lahat (hay, those were the days…). Pero tsong, marupok s’ya e.
Actually, yun ang worry ko kahit before pa. Yung may ma-meet s’ya na iba. I mean, he’s young, goodlooking, etc. Lapitin talaga s’ya. Yung love ko na lang yung pinanghahawakan ko sa kanya…
And to think s’ya yung worried na ipagpapalit ko s’ya. Mawala lang ako ng konti sa paningin n’ya or di lang ako makapag-text kaagad, praning na praning na s’ya. Feeling n’ya yata e nasa ibang kandungan na ako pag ganun, hay…Pucha, ako pa??? Ulirang gf ‘to, tsong.
Hay…kainis! Bigla na lang nagbago ang mga bagay-bagay…Bigla na lang nagiba ang ihip ng hangin…Biglaan lahat…
Until now, feeling ko nasa rollercoaster ride pa rin ako…Minsan nasa taas, minsan nasa baba.
DENIAL-ANGER-BARGAINING-DEPRESSION-ACCEPTANCE
Ni hindi ko alam kung nasaang stage na ako. Gusto ko na lang manahimik at matapos na lahat ‘to.
Ayoko ng kaawaan sarili ko…Hindi s’ya kawalan sa buhay ko…Ako ang kawalan sa buhay n’ya kung tutuusin…
But why am I still hurting?
CONTACT LENS
June 29, 2008Para maiba naman ang mood dito sa blog ko…Ibang event muna, k?
Nakabili na ako ng contact lens ko online. Korean brand s’ya at according to my students e sikat na brand s’ya sa Korea. Surprisingly e affordable naman ang price n’ya.
I ordered 2 pairs of 3toned hazel brown. Tig-isa kami ng co-teacher ko.
Eto sila kasama ang bubble wrap packaging nila plus yung contact lens case.
This is how they look like pag nakabaligtad.
At first e parang di ko ma-imagine na magkakasya sila sa eyes ko. Parang ang laki kase nila. And i remember di makapag-contact lens yung isang cuz ko na Chinese na Chinese ang dating dahil nga super liit ang mga mata n’ya. Kinabahan tuloy ako’t baka di rin magkasya sa eyes ko.
Buti naman at umubra sa akin, hehe! Actually, oks naman eyes ko. I have dark brown eyes at madalas din akong tanungin if naka-contact lens na ako. Maarte lang talaga ako kaya buy pa ako ng contact lens ko, hehe!
Eto pix ko with my natural eye color.
Eto pa isa. Kinunan ko ‘to nung bday ko.
At eto na ako ngayon with my 3toned hazel brown eyes, hehe arte!
Wahhhh, I love it! Nakakalaki s’ya ng eyes, hehe!
Mukha daw akong South American, hahaha nice! Latina daw, hehe!
Sobrang puti ko lang sa mga pix na ito kaya di halata. Nasa lighting yata. Pumuwesto pa mandin ako sa restroom nun, hehe! (Huhu, halata nga lang undereye circles ko, tsk!).
Prior to ordering OL, I asked my co-teachers if bagay ba sa akin ang gray na contact lens. Oo daw. Tiningnan pa akong maigi nung male co-teacher ko then inimagine n’ya ako na naka-gray na contact lens. Carry daw. Di daw kase Pinay ang features ko. Mukhang Latina nga raw ako.
Haha weird kase s’ya lang ang nagsabi sa akin nun. Yung isa naman, mukha daw akong Arabic kung magge-gray ako. Alangya, iba’t ibang lahi na e, hehe!
But just to be safe, I opted for 3toned hazel brown na lang.Titingnan ko muna ang effect. Pag ok s’ya, get naman ako ng ibang colors, hehe wala e, maarte talaga ako, haha!
Pero tsong, wow mali ako. Di pa ako marunong maglagay ng contact lens ko on my own, wow mali! So far e, 2x ko pa lang sila nasusuot. Yung co-teacher ko yung tiga-lagay, hay hulog s’ya ng langit sa akin, hehe!
Kuntodo project lang ako sa mga pix na ito pero believe it or not, inabot ako ng 3 hrs sa pagtataggal sa contact lens ko, haha syet! Kaya nag-pic galore na lang ako dahil di ko matanggal ang mga putragis na lens ko, tsk!
Ang mga pix na ito kase e taken nung first time ko sila isuot. As expected, di pa ako marunong maglagay at magtanggal. Binigyan ako ng instructions ng co-teacher ko at nung seller pero pusang gala, di ko talaga masundan dahil sa text lang. Ang hirap sundan.
Kesyo i-pinch ko daw ng dahan-dahan. Putragis, ninenerbyos ako. Nakikita ko gumagalaw-galaw yung lens ko pag pini-pinch pero di ko matanggal-tanggal, syet! Nauunahan kase ako ng nerbyos kaya nahirapan ako. Feeling ko kase e matutusok ko eyes ko kaya very cautious ako.
Kinontrata ko na nga si co-teacher. Pag di ko talaga matanggal e lulusubin ko kako s’ya sa house nila, haha! No choice kase ako. Di naman ako pwede matulog na suot yung lens, bawal. Pagod pa mandin ako ng araw na yun at gusto ko na matulog.
Natataranta na tuloy ako pano ko sila matatanggal. Nag-search ako sa Youtube para makita ko yung removal ng lens. Para mas madali for me. Hirap kase ako sundan yung instructions sa text lang. Mas maigi na yung nakikita ko mismo.
Buti na lang at nakita ko itong vid na ‘to. So far e ito ang pinaka-helpful vid na nakita ko sa Youtube sa removal ng contacts lens.
Ginaya ko pano n’ya tinanggal. At first e puro sablay pa rin ako dahil nauunahan ako ng nerbyos. Pero pucha, kailangan ko lakasan ang loob ko dahil around 11pm na yun at antok na antok na talaga ako.
Kaya naman nung natanggal ko yung sa right eye ko e parang nakahinga ako ng maluwag. Isa na lang, kako sa sarili ko, hehe! Ewan ko ba pero hirap ako sa pagtanggal dun sa kaliwang mata ko. Inabot din ako ng siyam siyam bago ko natanggal, hehe!
Pero ganun pala yung feeling pag ntanggal na, parang nakaka-amaze na ewan. Haha ewan ko ba kung feeling ko lang ba yun or ng karamihan. I mean, firstimer kase ako. Biglang malulukot na lang s’ya then before you know it, nasa pointer finger mo na s’ya, hehe aliw! Kakabano, hahaha!
Nung second time na gamitin ko naman sila e si co-teacher pa rin ang naglagay for me. Nung Friday lang yun at sakto e nag-videoke kami ng ilang kasama ko sa work plus yung Canadian teacher na bisita namin sa skul.
Past 12midnight na kami nakauwi at worried na naman ako sa pangtaggal ng mga contact lens ko. Yari na naman ‘to kako. Baka another 3 hours na naman ang gugulin ko just to take them off, huhu!
Surprisingly e natanggal ko sila within 3 minutes siguro, hehe nice! Improving ang lola n’yo. Ang aaralin ko na lang e ang pag-insert ng contact lens. Hay goodluck sa akin!
Eto nga’t gusto ko pa bumili ng gray at anime lens (blue ang color) pati na rin ng red na contact lens. Gusto ko iba-iba color ng eyes ko everyday, haha gaarte talaga e.
O, diba? Magpaganda na lang kesa magmukmok, right? Hay…Ni hindi man lang n’ya ako nakitang naka-contact lens…. Hay…at hay ulit…
ANOTHER BASANG SISIW MOMENT
June 25, 2008Puta, badtrip! Feeling basang sisiw na naman ako kanina, leche! Grrrr, it sucksssss!
Kala ko ok na ako all along e. Ala ng iyakan blues…Ala ng text text, ala ng suyuan…Totally wala na…
I mean, I really ain’t over my ex yet. Pero tsong, “getting by” ang term ko. Yung tipong tanggap ko na na wala na s’ya at di na s’ya babalik at di ko na rin s’ya hinihintay na bumalik. Gud enuf , diba?
Getting by…Moving on…Kanya kanya na…Wala ng expectations…In short, separate lives na talaga.
Pero pucha, kaninang umaga bago ako pumasok sa work e nabulabog na naman ang mundo ko. Alam n’yo yun, yung umagang umaga e badtrip na badtrip kagad ako? Ang reason? Narinig kong binanggit ni Mama (lola ko na Mama din ang tawag n’ya sa kanya) ang “nickname” n’ya habang sinesermunan ang cuz ko.
Nagpanting bigla ang tenga ko coz Mama doesn’t call him that way kaya nagulat ako why yung nickname n’ya yung tawag n’ya kay ex. You see, yun kase yung tawag ko sa kanya bago naging kami at very few people lang ang tumatawag sa kanya nickname na bininyag sa kanya.
Incidentally e narinig ko usapan nila Mama and my cuz. Kesyo puro barkada daw kase inaatupag n’ya and my cuz was defending himself. Na di naman daw. Sabay hirit si Mama na nakita daw n’ya si pinsan na kasama si ex nung dinalaw n’ya sa hospital yung Lola namin ni cuz.
Sabi ko, pucha, kung pala sumama ako kay Mama e baka nagkita kami ng hinayupak kong ex. Honestly, di ko alam kung ano magiging reaction ko pag nagkita kami. Malamang e tingnan ko lang s’ya ng masama. (Di kase ako yung eskandalosa type).
Nweiz, nung nabanggit ni Mama yung nickname ni ex e nagkatinginan lang kami ni cuz. Ewan ko ba pero parang nanlambot ako na ewan pagkarinig ko sa palayaw n’ya. Biglang nag-flash na naman yung mga sakit na binigay n’ya sa akin. Puro negative yung pumasok sa isip ko nun.
Sa loob loob ko, pusang gala naman, Mama, pls don’t say bad words. Alam mo bang niloko ako ng hayup na yun? Alam mo bang pinagpalit ako ng gagong yun sa ibang babae????
Pero tsong, wala e…Yung tipong naiinis ako pero di ko mailabas sa pamilya ko. Ni hindi ko man ma-share kay Mama. Ang sakit, diba?
Pagpasok ko sa auto ni Ate tuloy e matamlay ako. Naiiyak ako na ewan pero pucha, di ko mailabas. Sa sobrang sakit e tinext ko yung pinsan ko na nakaupo sa likod ng auto ni Ate. Nag-eemote na naman ako sa lintek na kaibigan n’ya…Pero as expected e di sumagot cuz ko. It’s either wala s’yang load or ayaw na lang n’ya makialam.
Prior to that kase e tinanong ko s’ya if nagkita na ba sila ni ex. Kesyo di pa daw at matagal na raw since last sila nagkita kaya nagulat ako nung nabanggit ni Mama na nakita n’ya si L sa ospital.
Naiinis ako sa pinsan ko. I’m sure nagkausap na sila ng gagong kaibigan n’ya at malamang e alam na n’ya yung side n’ya. Pero ang putragis na pinsan ko e feeling safe lang at laging paiwas kaya lalo ako nabubuwiset.
Tsong, friend ni ex ang bro at cuz ko pero mas close sila ni cuz. So I’m sure, alam n’ya what really transpired pero yun nga, ayaw magbigay ng info, nakakainis! Wala akong mapiga sa kanya. La s’ya silbi.
At since dedma tuloy si pinsan sa text ko kanina e nanahimik na lang ako sa auto. Gustong gusto ko kausapin yung pinsan ko na nakaupo lang sa likod ng sasakyan ni Ate pero di ko magawa-gawa dahil maririnig kami ni Ate who was driving then. Olats, diba???
Frustrated na frustrated tuloy ako kanina kaya pagbaba ko tuloy ng auto ni Ate nung nakarating na ako sa skul e matamlay lang akong nagpa-thank you sa kanya sabay larga na. Lumipat sa front seat si pinsan pagkababa ko pero ni hindi man lang ako nagpaalam sa kanya. Feeling ko kanina e sasabog na dibdib ko.
Pagka-swipe in ko tuloy sa ID ko e dumiretso ako sa restroom. Initially e pagme-make-up ang sadya ko kanina kaya diretsong CR ako. (Nagmamadali kase si Ate kanina at di na ako nakapag-make up bago umalis ng haws. But then, pag ala na akong time to put on make-up e sa auto ko na usually ginagawa yun. But since ala nga akong gana kanina e nag-eemote lang ako silently sa auto kanina).
So yun, ang next step tuloy e mag-make up na lang ako sa restroom since maaga pa naman. Pero pucha, anak ng tokwa, biglang naalala ko na naman si ex kanina at habang naglalagay ako ng foundation sa mukha ko e biglang umagos na yung mga luha ko na pilit kong pinipigil tumulo sa auto kanina.
Pucha, awang awa ako sa sarili ko. Buti na lang at solo flight ako sa restroom nun kaya kahit wa poise e oks lang. Habang nagpapahid ako ng foundation e walang tigil sa pag-agos pa rin mga luha ko. Pilit kong tinatakpan ng foundation yung mukha ko para lang matanggal yung mga luha ko pero, wa epek. Parang gripo na tumutulo mga luha ko. Pulang pula tuloy mga mata ko pagkatapos ko maglagay ng kolorete sa mukha.
Tsong, ang sakit nun. Feeling basang sisiw ako. Feeling walang kakampi. Just talking about it makes me teary-eyed now.
Much as I would like to dwell on the good ol’ times e nandun pa rin yung sakit…Yung feeling of betrayal…Insecurity…Self-pity…It’s a struggle to say I’m getting by when deep inside, it’s killing me…
Ok na ako, tsong e. Tanggap ko na. Pero may times na sumusumpong pa rin yung sakit. Yung kirot…Yung tipong ok na ako then mabubuksan na naman yung mga sugat then back to square 1 na naman ako. It sucks! It makes me feel worthless…A loser…When I know for a fact I’m not pero dahil iniwan ako for someone else e nakakasakit ng ego…Feeling ko I’m not good enough…
Tsong, mabait naman ako e…Mapagmahal. Maalaga…Loyal…Name it, I have it. I can say without batting an eyelash na masarap akong magmahal. Pero pucha, ano pang kulang? Bakit pa s’ya naghanap ng iba? Bakit n’ya ako iniwan?
Aaalagaan ko naman s’ya till we’re old and gray. Iho-honor ko naman s’ya as my man. Ipagtatanggol ko naman s’ya sa pamilya ko if worse comes to worst. Pucha, what more can he ask for???
Bakit s’ya nakapag-move on na siguro while here I am still hurting? (Or maybe, baka ni hindi man s’ya nasaktan at all). Ang daming mga tanong sa isip ko until now…
Minahal ba n’ya talaga ako or laro lang ang lahat for him? Tsong, madali akong kausap e. As I’ve said, makabagong babae ako. If type kita at type moko, then let’s go for it. Di kita hahabulin. Di ako maiinlove. And I won’t demand for anything.
Pero pucha, relasyon yun, di lang sex. 2 months of good and bad times…2 months of beating the odds…2 months of my life…Yup, 2 months lang…Pero it felt like forever…Coz I loved him dearly…Coz he was my life then….
Tsong, wala s’yang karapatang saktan ako ng ganito. Oks lang sana kung nanlalake ako…Kaso hindi e…S’ya lang talaga yung lalake sa buhay ko…Nagpakatino ako for him…
God, I can go on and on like this but I guess, the pain will always be there…Oks lang magmahal at masaktan..Part ng buhay yun e. But yung maging feeling basang sisiw? Fuck that shit! It’s the worst feeling!
Tsong, yoko na…Gusto ko na manahimik…Ayoko ng umiyak…Ayoko nang maging basang sisiw…
Lord, help me please!!!!
ANG MGA NAKARAAN
June 22, 2008Naku po, kakasabi ko lang na wala na dapat sequel sa mga ex e muntik na naman akong mapasubo kagabi, tsk! Hay pucha, ang gulo ko talaga…
Panggulo naman kase si Joko Diaz e. Yup, as in Joko Diaz, the actor and the son of Paquito Diaz. Haha alangya, sinisi bigla si Joko e, hehe!
Alangya naman kase, nananahimik ako at nanood ng “Wish Ko Lang” ng biglang bumandera sa TV si Joko Diaz. Hay bigla ko tuloy naalala si model. Kamukha n’ya kase si Joko Diaz. Actually, pinaghalong Joko Diaz at Jayvee Gayoso s’ya (the basketball player).
Bigla ko tuloy s’ya naalala out of the blue. Oh well, di naman talaga s’ya totally nawala sa isip ko kahit before pa pero you see, nung naging kami ni L e tinodo ko ang powers ko sa kanya kaya inetchapwera ko na lahat ng guys nun at nagfocus na lang sa hinayupak kong ex.
Kaya naman nung nakita ko si Joko Diaz sa TV e wala na, taob na naman ang Pampanga.
Pina-ring ko ang phone n’ya at voila, same pa rin ang number n’ya. Almost 3 months na kase kaming alang communication kaya di ko alam if bago na ba number n’ya or what. Prior to that e nagdadalawang isip pa ako kung magpaparamdam pa ba ako or di na.
After much deliberation e naisip ko na ala namang masama kung magparamdam ako sa kanya. (Syet, plastic, haha!). Kaya yun, tinext ko na rin s’ya. Ewan ko ba kung dahil brokenhearted lang ako kaya ganun or sadyang wala lang akong magawa sa buhay ko or KSP lang ba ako or what kaya tinext ko s’ya.
Nag-text ako ng, “Musta?” Aba, di sumagot. So, nag-text ulit ako. Sabi ko, “Naalala kita bigla dahil nakita ko sa TV si Joko Diaz.”
Dun na s’ya sumagot ng, “Sino ‘to?” Aba, ang walanghiya, dinelete na pala ang number ko, hehe pahiya ako, haha syet! Then yun na, nagpakilala na ako.
Wala namang kakaiba nung magka-text kami. Wala rin akong naramdamang kilig or something. More of curious lang ako musta na s’ya ngayon. Yun lang. (Ows? Yun nga lang kaya? Hehe!).
So yun, kumustahan text lang…Then at one point, nagtext s’ya ng “Pare, nasa Dau ako.” Ahhh, wrong send kuno, sa loob loob ko, hehe!
Unang-una, di naman “pare” ang tawag n’ya sa akin. “My dear” ang tawagan namin dati, hehe! Pangalawa, kung nasa “Dau” s’ya, that means, nasa tapat lang ng subdivision namin s’ya. In short, pwede n’ya ako daanan sa house namin.
So, yun na…Text text kami nun…pero nothing na kakakilig pa rin…Then he asked me if gusto ko daw ba makipagkita. Sabi ko, di pa ako nakakaligo e. (hehe wow mali!). Tapos after that, malabo na text text namin….
Pagkaligo ko naman e tinext ko s’ya. Di s’ya nagreply. Then nung tinatawagan ko s’ya, cannot be reached naman ang lolo n’yo so yun, nag-pajama na lang ako at umayat sa room. After a few minutes e naka-receive naman ako ng text from him at sinabi n’ya na nakauwi na s’ya.
Good enuf na rin kahit papano na di kami nagkita. Medyo kinabahan din kase ako after. Sabi ko, pucha, baka manumbalik na naman ang nakaraan. Part 3 na kami if ever. Yari na naman ‘to kako.
Nung sinabihan ko nga mga friends ko e kumokontra sila. Kesyo bakit pa daw ako nagparamdam. Kaya nga raw ex e. Kase past na. Tapos na. Kesyo bakit ko pa daw binubuhay ang memories.
Jinustify ko naman na tapos na yun at wala nang balikan na mangyayari. Na bigla ko lang s’ya naalala. Na nangumusta lang ako. Na wala ng love.
Pumalag yung isa kong friend. Kesyo kala ko lang daw na wala na pero once na nasa harapan ko na s’ya e baka manumbalik ulit ang lahat lahat. Humirit pa s’ya na bakit daw ganun…na pag may existing daw na kapalit e pansamantala daw na makakalimutan mo yung nakaraan pero pag wala na kayo nung existing e bigla mo na lang maaalala yung nakaraan….Hay how true…
Ganun nga yata yung nangyari…Bigla kong naalala si model dahil wala na kami ni L…Although at the back of my mind e naiisip ko pa rin naman s’ya from time to time…Yun nga lang di ko na inentertain yung thought na magkaka-return of the comeback pa dahil masaya na ako nun kay L…hay love nga naman, oo….Napaka-kumplikado…
Pero since wala na kami, ayun, biglang naalala ko na naman s’ya. Sinisi ko pa si Joko Diaz although alam kong gusto ko lang talaga s’ya makumusta…Pero yun nga, takot din ako na magkita kami dahil pucha, sabi ko nga, baka halikan n’ya ako, wahhhhh at malamang e di na ako makapalag pag ganun, hay….So yun, oks na rin na di kami nagkita…
Mapunta naman tayo kay L. Kagabi e sinilip ko Friendster n’ya. Ayun, naka-restrict na ulit at “Single” yung nakalagay sa profile n’ya at “waiting for her” yung caption ng primary pic n’ya (na incidentally e ang last pic n’ya na kinunan ko nung lumabas kami for our 2nd month together) while kaeklatan about love na naman yung shout-out n’ya na obviously e para dun sa bago n’yang babae.
Ewan ko ba pero may konting kurot pa rin sa puso ko nung makita ko profile n’ya. More of hurt siguro yung ego ko more than anything else pero wala na yung galaiti factor.
Kumbaga e talagang tanggap ko na na wala na talaga kami at malayong magkabalikan pa kami or balikan n’ya ako…
Nun ngang ask nga ako ni friend na what if bumalik daw ba si L, tatanggapin ko pa rin daw ba s’ya. I said “no” pero baka sinasabi ko lang yun sa ngayon at kainin ko naman ang mga sinabi ko once na andyan na s’ya sa harap ko at nilambing-lambing na ako. Ang hirap kase panindigan ng mga desisyon when it comes to love…Pabago-bago…kasehodang magmukha pang tanga, martir, etc. ang isang taong inlababo.
Pero sinabi ko kay friend na sa dinami-dami ng naging dyowa ko e kay L ako naging pinakamasaya although sa kanya yung shortest relationship ko na 2 months lang ang itinagal. Wala kase sa tagal ng relasyon yun…Nasa quality ng samahan….At we were so ok before…Kaya nakakapagtakang biglang umasim na lang yung samahan namin out of the blue dahil sa patong patong na problema coupled by a 3rd party involved.
Emote mode nga ako kanina sa text sa kanya…Nabanggit ko ulit yung walang kamatayang linya ko na akala ko si model ang GL ko pero mali pala ako…Si L pala ang GL ko ko pero wishing and hoping ako na mali ako dahil minsan na akong nagkamali kay model…Na sana e my GL is yet to come…Putragis, pampelikula lagi ang mga quotable quotes ko e, hehe!
Sinabi ko rin na medyo ok na ako sa break up namin ni L pero nariyan yung magtetext ako sa kanya na gusto ko mag-abroad..na gusto ko ng bagong environment chuva…na halata namang gusto ko lang out of the blue dahil brokenhearted nga ako…
Pero tsong, tapos na e…Kung tutuusin milagro na rin na umabot kami ng 2 months dahil kala ko e isang linggong pagibig lang ang kahihinatnan namin…Pero umabot pa rin ng 2 months na rollercoaster ride of emotions but di maide-deny na one of the happiest moments of my life…Pucha, tsong…ano na namang kadramahan ang pinagsasasabi ko? Hahaha!
But seriously, naging masaya ako sa kanya and he took care of me naman…Sobrang sweet kase s’ya at dedma lang yun sa age gap namin…Ako yung medyo nako-conscious pag maraming tao pero s’ya e talagang kulang na lagn e papakin ako in public…Ganun s’ya ka-sweet…Wish ko lang e totoo sana lahat ng pinakita n’ya sa akin before…
I mean, kaming dalawa lang naman yung nakakaalam talaga what really transpired…Rather, s’ya lang yung nakakaalam talaga…Basta ako minahal ko s’ya…May times na nire-regret ko na I did pero pag naiisip ko yung good ol’ times namin before e nako-compensate yung sakit in a way…
Being in love is just the most wondrous thing on earth…Pero pag over na, sobrang sakit din…Daig pa ang namatayan, I guess…
Pero tsong, wala na e…Tapos na…At sabi ko nga wala na dapat sequel…
Sabi ko nga dun sa last 2 verses ng poem na ginawa ko way back 2004:
Living. Loving. Learning.Loving. Learning. Living.
Learning. Living. Loving.
Don’t know why, don’t even know which comes first.
Living. Loving. Learning.
We live just once. May love twice. But learn many times.
Living. Loving. Learning.
Just live. Just love. Just learn.
Need I say more? Go, go, go! Fight, fight, fight na lang e noh? Putragis na love, syet!
LOVE LESSONS LEARNED THE HARD WAY
June 21, 2008Text ni first bf: “Moving on is the trickiest part. You can never really tell indeed if you had moved on and accepted the fact that there’s no turning back..”
O, diba? Spoken like a pro, hehe!
Pero tama s’ya. Minsan kala natin naka-move on na pala tayo, yun pala kala lang natin yun. Kaya naman pag may return of the comeback, naku po, lost na naman ang beauty natin.
It happened to me twice already. First, si adik. Second, si model. Kala ko naka-pag move on na ako in the real sense of the word, di pa pala.
Kaya naman nung bumalik ulit sila, pucha, wala na. Taob na naman ang Pampanga. Nanumbalik na naman ang lahat lahat.
Thing is, nagiging vulnerable tayo pag WALA PA silang kapalit sa puso natin. Oh well, I’m speaking for myself.
I always tell other people nga na lalake lang ang katapat ng lalake. Ang tanong na lang is kung kaya ba nilang tapatan yung previous na naka-relasyon natin. Ang laking tulong kase nung magkaroon ng new bf/gf para makalimutan yung isa. (Call it panakipbutas or what-have-you but it’s possible to love the latest bf/gf ng mas matindi rin naman).
In the case of adik and model, nagka-Part 2 pa ako sa kanila e. Pero yun nga, wala ding nangyari.
Lesson learned? Wala ng sequel dapat sa mga nakaraan. Kung tapos na, tapos na dapat. Wala ng balikan. Kung wala ng tiwala, wag ng ipagpilitan. Kung wala ng respeto, wag ng magpakabayani at umasang aayos din ang lahat eventually.
Gaga kase ako e. Feeling Darna lagi. Tigasalba ng mga walang future sa buhay.
Yang lecheng “You complete me” na yan ng dialogue ng karamihan, that’s full of crap! Tama si Anthony Pangilinanan, di natin kailangan ng ibang tao para makumpleto tayo. Dapat kumpeto tayo mismo sa sarili natin.
Wag nating iasa sa iba yung happiness natin. Buhay natin ‘to. Maaaring makatulong yung iba para madagdagan yung happiness natin pero in the end, dapat masaya tayo mismo sa sarili natin. Or else, pag nagkalintikan na, back to square 1 na naman tayo. Basang sisiw ever na naman ang feeling, tsk!
I’ve had my share of quotable quotes sa mga ex ko. I told model, “Pag wala nang nagmamahal sayo, andito lang ako. Pag wala nang kokontra, andito lang ako. Pag di pa rin ok, sa next life na lang kita mamahalin…Sana tama na na lahat nun at wala nang kokontra…”
Wahhhh, pucha! Ang baduy ko! Kakapangilabot, ewwww!
Haha but look at me now. Oks pa rin kahit wala na s’ya. Kala ko lang pala di ko kaya. Wala na rin kaming communication for almost 3 months now.
Fastforward to L. I told him naman, “Ika ing bie ku.” (Ikaw yung buhay ko). Ewwwww! Another kaeklatan ko, hahaha!
We broke up June 11 but so far, so good. I think ito yung breakup na mas na-handle ko nang maayos at maluwag sa dibdib compared sa iba. Sa una lang ako bitter-bitteran.
Na-realize ko tuloy na wag nang maglitanya ng mga quotable quotes next time sa magiging dyowa ko. Kakapangilabot pag di nag-work out yung relationship. Natatawa ako sa kagagahan ko, hehe!
Sumatotal, everything boils down to trust. Pag di katiwa-tiwala ang dyowa mo, leave. Wag nang magpaka-Darna or Captain Barbell. Wag ka nang umasa na magbabago s’ya for you or for love. Kung gusto n’ya talaga magbago, dapat magstart sa kanya.
Pag walang future ang dyowa, wag nang umasa na magkaka-future s’ya sayo or tulungan mo s’ya na magka-future. Ang siste e baka kaw pa ang mahatak n’ya pababa. Sabi nga ni friend, wag ako nagdyo-dyowa ng alang future. Humanap daw ako ng hahatak sa akin pataas or else baka dumating na lang yung time na pareho na lang kaming alang future at nakalugmok sa baba.
Pag tapos na ang relasyon e wag nang umasa ng Part 2. (pwera na lang kung may pagbabago na for the better). Itodo na ang powers sa Part 1. Pag di umubra, wag nang mag-Part 2. Doble lang ang sakit kung di pa rin nag-work out.
Pucha, am I making sense here? Haha! Basta yun na…
Basta ako mananahimik muna ako ngayon. Wala na munang love love. Bf-bf.
Nanamnamin ko muna ang pain then get over it then move on in the real sense of the word. Wala ng Part 2. (Oh geez! Sana mapanindigan ko. As if naman binabalikan ako ni L, hahaha!)

















